SORRY SA TYPOSSSSSSSSSS AND SYEMPRE SA MGA MALING GRAMMAR
stay safeeeee~ ♥♥♥♥♥♥♥♥
~~~~~~~~~••~~~~~~~~••~~~~~~~••~~~~~~~~~••~
•ASTERIA BIANCA SANTIAGO•
Pag balik nga ni emma syempre kwentuhan, kaso di ako maka relate puro exes and crush nila pinag uusapan nila like pwede bang palitan yung topic na oop ako here duh.
"ano bayan puro ex nyo pinag uusapan nyo maiba naman kayo jusko" sabi ko salanilang dalawa sabay irap.
"hirap pag wala ka talagang jowa" parinig ni ems. Baka pag ako nag ka roon ipa tarpoline kopa.
"wawa naman pre hahahaha" sabi naman ni stacy. Pakyeko.
"nye nye nye nye~ pakealam ko" sabi ko sabay irap ulit. Puro irap noh haha.
"haha ibahin na nga natin kawawa naman toh" sabi nya kay stacy. "Ano bang pwede? Ummmmmm?" umakto pang nag iisip. Kala mo may isip. "Ayon si cole smith topic natin. Title knowing Cole lander Smith. So lets proceed. Cole Lander Smith, 18 yo, mayaman, masungit, diko alam kung mabait, medyo bully, exes? Syempre si fezrie merquez, kate samson, daniella ariba, actually pinaka masungit na kilala ko sakanila si kate, si daniella naman medyo lang si fezrie naman hindi, mabait yon ewan ko lang why sila nag break ni cole, tsk bagay panaman sila" pag kwekwento nya tungkol dun sa cole nayon. Diko pa nakikita yung cole na tinutukoy nila pero may mga naririnig ako na gwapo daw, DAW ha!.
"actually guys di ako interesado don, tsaka tara na baka mamaya ma-late pa tayo sa subject ni maam cabana, terror pa naman yon pag dating sa math, grrr" sabi ko.
"di daw interesado woooooHh~ weh?" tanong ni emma. Hindi naman talaga ako interesado don sa cole lander smith nayon yucks lang, diko pa naman nakikita yon para mag ka interest.
"hay nako wag mo nang asarin yan hahaha tara na" yaya na ni stacy at tumayo na kami dala yung bag namin atsaka yung pinag kainan.
Umalis na kami sa canteen at nag lakad papuntang room namin. Actually sa science namin di kaklase si stacy, pero kami ni emma mag kaklase sa lahat ng subs. Tsaka if nag tataka kayo kung mayaman ba nag aaral sa school nato or hindi, well~ medyo mayayaman yung iba, syempre slap soil lang ako dito, buti nga medyo may pera kami ni mama sabi din kasi ni mama mas okay na dito mag aral kahit medyo mahirap kasi nga yung tuition dito medyo mahal. Well my papa? Idk him, yes po diko kilala si papa haha ang funny nga kasi tinanong ko yan kay mama dinya sinagot, naiirita sya pag tinatanong ko. Kapatid? Diko alam kung meron ako non walang nabanggit si mama haha, si mama lang ang nakasama ko hanggang ngayon dipa masagot mga tanong ko, pero i never hate my mama kasi mahirap yon kasi sya nalang yung nandyadyaan sakin kahit wala si papa. I treasure my mama so much i love her, gusto ko na makatapos ng pag aaral para dina mahirapan si mama sa trabaho nya, nursr kasi si mama minsan umaga minsan gabi naman kaya medyo di kami nag kikita depende nalang kung may time sya.
" Hoy teh lalim ng iniisip mo nandidito na tayo" sabi ni ems. Pag tingin ko sa pinto, oo nga haha.
" sorry na agad, iniisip ko kasi yung aso ko" pag sisinungaling ko. Actually di ko kasi sinasabi sakanila yung problems ko baka kasi maka dagdag pako sa problema nila.
"Wehhh baka iniisip mo kung ano yung mukha ni COLE ayieeeee~~" pang aasar ni stacy. Wtf.
"wtf, di kaya iniisip ko yung aso namin okay" actually may aso kasi kami si loyalty at royalty husky yung mga aso ko nayon.
"OMGGGGGGGGG PAPASOKKKK NA LATER SI COLEEEE SMITHHHHH OMGGG GIMME A WATER HOLY SHIT!" sigaw nung kaklase ko, nyeta kala mo kung ano ampota kakarindi.
"pwede ba easy kalang parang mapapansin kanun, duhh" sabat ng kaklase naming babae sabay irap sa kanya. Sinamaan naman sya nang tingin ni girl tili.
Pumunta na kami sa upuan namin, at umayos na para sa math subject nato. Sakto namang dumating si maam cabana kaya nag si tigil lahat sa pag iingay at nag simula na syang mag discuss. Bilis no? Tamad na daw si otor eh haha.
€~~~AFTER MATH~~~€
HAYSSSSSS sawakas huhu tapos na uuwi nako samin baka hinahanap nako ni mama.
Ayyy wala pala si mama nasa trabaho haha. Itawa nalang natin, mas nakakagaan kasi sakin kung itatawa ko nalang haha.
"teh asteria sabay kana sakin, hatid na kita sa bahay nyo, wag kanang umangal delikado" sabi ni stacy. Mabait pala tong gagong toh.
" ghe girls byeeee~~~ kitakits bukas hihihihi" paalam ni emma. May pinsan kasi yan don sa kabilang section tapos andon din yung crush nya si brandon.
"ghe ingat bhie" stacy.
"ingat ka tanga ka panaman" sabi ko. Dinilaan nya lang ako. Ikaw dilaan ko dyan grr haha, ayyy green.
"tara na asteria" yaya na ni stacy, ASTERIA kasi yung tawag nila sakin minsan. Pag tapos non pumunta na kami sa parking lot. 4:30 pm palang naman anong delikado don. Tsk pero okay na toh free ride haha. Baka maabutan ko pa si mama sa bahay kung sasabay ako kay stacy. Nag kwentuhan lang kami sa sasakyan, about life, lovelife, hotdogs, and many more.
##BAHAY##
Pag dating ko sa bahay Pumasok nako sa loob. AS I EXPECTED NO MAMA IS HERE baka asa trabaho. Wala syang pahinga pahinga tsk ako yung napapagod sa trabaho nya e.
Pumunta nakong kusina at kumain na nagugutom nadin ako pero bago ang lahat binuksan ko muna yung ilaw, tv, electric fan, yung ref, aircon, ang gastos ko, para malamig talaga sa bahay.
Kumuha nako ng hotdog sa ref at niluto ito, turuan ko kayo kung paano mag luto ng hotdog. First BALATAN nyo muna baka makain nyo yung plastic at maging plastic din kayo. Second, be sure na hihiwain nyo para maluto sa loob, ingat baka mahiwa ka, wag kang ma fall. Third ihanda nyo na ang kawali at buksan ang gasul at lagyan ng mantika, ingat ka ulet. Fourth pag mainit na ang mantika ilagay mo na yung hotdog don, baka gusto mong ikaw ilagay ko don. Fifth pag naluto na ilagay mo sa plato, tapos dapat sure kang may kanin ka. Sixth kainin mo na kasi luto na, alangan titigan mo lang yon mabubusog kaba don?.
Kumain nako at nanood ng tv. Anong magandang panoorin? Ako o yung news? Charot syempre ako, charot ulet haha, news nalang. Nilipat ko na sa chanel 9 at nanood ng news, para naman aware tayo sa nang yayari sa bansa natin noh.
"BREAKING NEWS BUMALIK NA ANG HEIR NG SMITH COMPANY NA SI COLE LANDER SMITH DITO SA PILIPINAS KASAMA ANG KANYANG MGA KAIBIGAN blah blah blah" napatitig ako sa tv namin kasi sya yung tinutukoy nila emma na si cole lander smith! Should i do the reasearch about him? Like para malaman ko talaga sino sya?! Oh freakin hell sya pala yon.
Pag tapos kong kumain at manood ng tv, naligo nako at nag bihis alangan tsaka ginawa na ang dapat gagawin at pag katapos kong magawa lahat yon natulog nako. But omg di ko inexpect sya si cole, oo gwapo maputi sa tv, naka shades, yung buhok black na black, makapal kilay, matangos ilong, mapula labi, holy shit.
__________________________________________________
SORRY PO AGAIN KUNG MAY TYPOS AND WRONG GRAMMAR KAYONG NAKIKITA FIRST TIME KO PO TOH, SANA MABASA NYO, SANA OKAY LANG HAHA :)
~♥~stay safe everyoneeeee~♥~
:)
