A/n:SORRY PO KUNG MAY TYPO SYA AT
WRONG GRAMMAR STAY SAFE~~♥••ASTERIA••
LATELY napapansin namin na parang ang taba ni stacy pero di sya nag oopen about don basta ang sabi niya lang is marami siya kumain, nakaka curious lang kasi parang ang ano naman ata you know buntis parang ganun pero sabi nya hindi daw tsaka wala pa namang sign eh...
"ASBI!." tawag nanaman ni jeven sakin, nandidito kasi kami sa garden nag papahangin dalawa lang kami dito tsaka wag niyong bigyan ng malisya..
"Oh?? Kanina pa tawag ng tawag tsk." naiirita kong saad sa kaniya.
"Paano kung mahal mo yung tao pero wala kang lakas ng loob mag confess sakaniya? Ano gagawin mo?." seryoso niyang sabi.
"Aba ewan ko diko pa naman nararanasan iyan!." sabi ko sakanya.
"Pero seryoso ano nga gagawin mo?." tanong niya ulit.
"Hirap ng tanong mo pero ito sagot ko, pero sakin lang, syempre hahayaan ko nalang muna at papakatatag ako at mag tratraining pano ko sasabihin yung nararamdamam ko in a romantic way kasi nakakahiya naman na parang walang hiya kang nag confess tapos na reject kalang, para sakin yung romantic way para kahit mareject ka okay lang atleast naranasan mong mag confess sa ganun diba." saad ko, actually para sain lang naman iyon hindi ko naman sinasabi na para sa lahat.
"Sabagay hahaha." sagot nya.
"In love ka noh?? Kanino? Sino yan?." tanong ko.
" Hindi ah gusto ko lang na malaman yung opinion mo about sa pag sabi ng nararamdaman mo doon sa taong naiibigan mo." sagot nya nang malalim at diko kayang sisidin.
"Ahh sabihin mo lang sakin kung inlab kana ha? Iemme help you about that haha." sabi ko sabay tapik sa balikat niya.
"Thanks hahahahaha ikaw din ha, tulungan din kita sa taong gusto mo." sabi nya sabay ngiti sakin.
**TINGGGGG TINGGGGGG** (tunog ng bell yan XD)
"Tara na hahaha." sabi nya nang tumunog na ang bell at inakbayan ako.
••• COLE POV •••
FROM a far nakatingin ako kila jeven at kay asteria habang nag uusap at aba may pangiti pa sila sa isa't isa.
**TINGGGGG TINGGGG**
TUMUNOG na ang bell kaya umalis nako kung saan ako naka pwesto at pumunta ng room tsk paki ko kila jeven at asteria nayon.
PAG KARATING KO ng room syempre tumahimik lahat ng kaklase ko.
"Oyy pre saan kaba nag punta? Kanina ka pa namin hinahanap." bungad na sabi sakin ni havey na katabi ngayon si dave at jeven na nag haharutan tsk mga isip bata.
"Dyaan lang sa tabi tabi lang nanonood ng nag lalandian." sagot ko.
"Woah, wag ka mag alala papasok na daw si fezrie bukas haha." sabi ni dave.
"Pakyu dre diko na mahal yon." sagot ko. Diko na mahal yon.
"Ulol ka pakyu kadin anong di mahal wag mokong niloloko." sabi naman ni jeven.
"Tsk ingay nyo." yan nalang sinabi ko at sinalpak na ang headphones saaking tenga at naidlip na.
•• ASTERIA POV ••
HAYSSS tapos nadin ang klase witweew at time na para umuwi kaso wala si stacy maaga umuwi ewan ko don sabi nya may emergency daw siya tapos si ems naman maaga din umuwi kasi may imemeet kaya ito ako ngayon walang kasabay kasi si jeven umalis din ng maaga tapos yung mga tropa nya naman di ko naman kaclose tsaka duh kung iniisip nyo pwede kay cole kayo nalang sumabay.