SORRY PO KUNG MAY TYPOS HAHA AND ALSO SORRY IF MERON SYANG WRONG GRAMMAR.
•stay safe•
••EC••
••~~~~~~~~~~••~~~~~~••~~~~~~~••~~~~~~••~~~~~
ASTERIA☆
Tinggggggg tingggggggg~ 6:30 amPUNYETA ANG INGAYYYYY!! Ano bayan nananaginip pako na namatay daw yung babae sa kasi may sakit sya. Minulat ko na ang mata ko at pinatay ang ringtone ko at tumayo na para mag handa at kinuha ang tuwalya at pumunta ng cr para maligo.
AFTER 15 minutes bumaba nako sa sala namin, nandodoon naman yung backpack ko eh kaya wala akong bit bit pababa. Pumunta akong kitchen kasi kakain nako.
Punyemas ang ganda na sana ng ending eh nagising lang ako putek na ringtone kasi yan. Inis na inis ako kasi nagising ako ganda ganda na e potek. Nag lakad ako papuntang ref bubuksan ko na sana ng may nakita akong sulat. Sulat galing kay mama,.
"Anak sorry kung maaga si mama umalis, may problema kasi sa hostpital nag ka emergency meeting bigla, sorry nak ha! May pag kain naman dyan kumain kana, tsaka ingat love you, kung mabasa mo ito"
-- mama♡
Pag tapos ko yung mabasa ay kumain nako.
Ahhh kaya pala wala si mama pero okay lang sanay nako dyan haha syempre si mama lang kasama ko dito eh ano pabang dapat i expect ko, tsaka pagod na pagod na si mama sa work nya gusto ko nga syang tulungan ih.
Then an idea pop in my mind. What if mag part time job ako??? Maganda yon para makatulong din ako diba? Pero saan? Siguro tatanungin ko nalang si emma at stacy baka meron silang alam na pwedeng pag trabahuhan ko.
Kinuha ko na ang bag at sinabit na ito sa balikat ko at lumabas na.
Medyo malapit lang yung school namin dito mga pangatlong kanto at dahil nga protective si stacy haha sinasabay niya ako. Nag simula nakong maglakad papuntang school namin, yung iba dito naka sasakyan syempre mayayaman yung iba na nag aaral sa school namin, tsaka sikat din ang anue academy dahil nga mga sikat din ang nag aaral dito, yung tuition dito mga 50k at dahil nga may nakuha akong scholar ship dyaan eh naging 10k nalang afford namin yon, iknow hindi ko yun nabanggit sa inyo kahapon, haha sila stacy naman syempre tatay non ceo ng isang company syempre afford nila yan tsaka dalawa sila ng kuya nya nag aaral diyan, tapos si emma naman tatay non taga america archi doon at dahil medyo may pag ka rich din afford din nya, ako naman ngayong year lang nag aral dyaan kasi sa past school ko malayo yung bahay namin, palipat lipat kasi kami ng house, diko alam why.
Dami kong nakikitang mag jowa na nag haharutan sa daan mabunggo sana kayo, charot lang hahahaha-
"ARAY KO PUNYETANGINIS" bwiset naman tong nabubungo natoh nahulog tuloy yung bibit kong envelope.
"shit sorry miss hinahabol kasi ako" sino ba ito?. Tinignan ko sya. At-- wait– tinuro ko sya sisigaw na sana ng bigla nyang takapan bibig ko at sinandal sa pader. Aba'y punyeta.
"shhhhhh.. Ms baka mahuli ako ng humahabol sakin" pabulong nyang sabi with shhhh sign pa. Sino ba humahabol sa lalaking toh nadamay tuloy ako pota.
"shit shit shit ayun sila" sabi nya sabay baling sakin. Hoyy gago anong gagaiwn neto "shhhhh kalang ms ha ihuhug lang kita tapos okay na ha?" sabi nya mag sasalita pa sana ako ng ihug nyako. TARAGISSSSSSSS POTAAAAA!!!!
"ANO BA BITIWAN MO AKO SINO KABA??! HA?! BAT MO AKO HINAHUG NYEMAS NAMAN!" sigaw ko dahilan para mapatingin samin lahat pati yung humahabol sa lalaking toh. Mukang nagulat naman sya at tinakpan ulit yung bibig ko "asdfghjkl" nyetaaaaa!.