--PLEASE MARAMING TYPO DITO AND WRONG GRAMMARS SORRY.
————
ASTERIA:
NAGISING ako ng nasa kwarto ko at hindi na ako naka red dress naka t-shirt at pajama ako pag gising ko. Napa tingin ako sa clock na nasa side table, its already 10:30 am, kaya bumangon ako at naligo na kahit masakit ang aking ulo dahil sa pag inom.
Peste hindi na ako iinom sa susunod ayoko nang malasing mahirap pala masakit din sa ulo Pag gising mo, kailangan ba talaga may after shock after uminom kailangan ba talaga may hangover aishhh.
Pag tapos kong maligo ay bumaba ako at naabutan si mama at daddy sa sala na nanonood ng powerpuff girls kaya binati ko agad sila.
"Goodmorning ma goodmorning daddy" naka ngiti kong bati, napatingin naman sila saakin at nginitian ako pabalik.
"Goodmorning anak" daddy.
"Goodmorning nak" mama.
"Tatanda niyo napo nanonood pa kayo ng powerpuff girls" tumingin ako sa tv at umupo sa pagitan nila mama at daddy, tagal ko nang pangarap ang ganitong set sayang lang kasi wala ang mga kuya ko, kung tutuusin ang swerte ko dahil meron pala akong papa.
"Pwersahan akong pinanood ng mama mo anak" bulong ni daddy pero alam kong narinig
Parin yon ni mama."Hoy hindi kaya!" natawa naman ako sakanilang dalawa, ang sweet naman ng mga magulang ko dinaig paakong dalaga. Ang mahirap kasi sakin di ko alam paano mag pa kilig bwiset diko rin alam kung paano humarot.
"Pwersahan mo akong pinanood dito tinakot mo pa ako na hindi mo ako papansinin pag hindi ako nanood niyan" naka simangot naman si mama dahil may daddy, ako naman ito nasa gitna nila habang nakikinig sakanilang dalawa.
"Tsk bahala ka diyaan" pinag cross naman ni mama ang kanyang mga braso.
"Kakain na nga muna ako" tumayo ako at tumingin kay daddy na ngayon ay pinapaharap si mama sakanya. "Ikaw naman daddy suyuin mo yan si mama bahala ka grabe pa naman yan mag tampo" tinakot ko siya tsaka ako tumawa at umalis doon, parang baliw lang.
Habang kumakain ako ay tinext ko si ems na nalasing ako kaya hindi ko natapos yung birthday niya.
Wala naman akong problema ngayon siguro dito lang ako sa bahay, pero tatanongin ko muna si mama kung paano ako naka uwi medyo tanga rin ako kasi hindi ko pa tinanong kanina.
Nag s-scroll lang ako sa fb ng may nakita akong post na may 1k react at 565 comments at 300 shares, sinuri kong mabuti ang litrato ng mapag tanto kong ako ito at si cole habang nag lalasing, holy shit! Dali dali kong tinignan ang mga comments about saamin.
Je ri cho: Diba si asteria yan sa section natin? @Noreen Gaspar
Binasa ko ang comment ng kaklase kong si jericho mansano habang malaki ang mata at buka ang bibig
Ma r lo u:Sana ol lasingera
Crisha mae:Omg fezrie look!
DashaPranny:Girl fezrie look my bestie
Fran Co.:What the tea mamshies? Ay tanga what the soju pala?
Tangerinewp: ebarg sa ibang comments HAHAHA
May ibat iba pang comments about saamin, kung ano daw meron?, kami ba 'daw?, meron pang mga ibang maseselan na comments, shit nasa official page pasiya ng school namin.
"Oh damn" bulong ko. Tumayo ako at nilagay sa lababo ang aking pinag kainan at pumunta kay mama sa sala.
"Mama sino nag uwi saakin kagabi???" tanong ko dito.
"Si cole kasi lasing na lasing kana eh dalawang soju lang naman daw tinira niyo" sagot niya naman, napatanga'naman ako roon.
"A-ah sige po thankyou ma" tumakbo ako paakyat sa kwarto ko at tinawagan si ems.
"Gag* emsss!!!!" tili ko
"Easy lang hindi pa ako nag he-hello mare"
"Emssss!!! Napicturan kami ni coleeee kagabi!"
"Tapos anong gagawin ko aber??" napairap naman ako sa sagot niya.
"Tanga kalat sa page ng school natin yung picture namin!" gigil kong saad sino kayang nag picture non at mag uusap kami ng masinsinan.
"Ayaw mo non mare sikat kana! Hahahahhaa" napa busangot naman ako.
"Baluw kaba?? Mamaya atakihin ako ng mga ibang obsess diyaan kay cole!"
"Subukan nila sasampalin ko sila isa-isa"
"So sadist naman mare, pero mamaya biglang makita ni fezrie yon baka kung ano ano pang sabihin saakin" napa kagat ako ng aking daliri dahil sa posibleng mang yari.
"shit girl baka nga Dibale pag inano ka niya ipag tatanggol kita"
"Hoy sure mo yan! Mamaya kung anong gawin non saakin"
"Akong' bahala sayo mare, tsaka hahanapin ko narin yung nag picture non mag uusap lang kami"
"Sige thankyouuuuuu!! Bye byeeeee!"
"Byeeeeeee byeeee!"
Pag tapos naming mag usap ay na scroll lang ulit ako sa fb page ng school namin, kalat mga nag pictire meron pa doon na hinatid ako ni cole sa bahay at mayroon pang' nasa parking lot kami habang naka alalay siya saakin.
-amBersAver-