A/n: THANKYOU FOR READING MY STORIES!💙 stan treasure! (hi treasure makers lab y'all)
ASTERIA BIANCA
FOR SHORT: ASBI
•••ASTERIA::
KALA namin kanina walang teacher kaya dapat lalabas na kami ni ems pero nakita namin si sir ronald na patungo sa room kaya ang ginawa namin ay bumalik nalang kami sa upuan nabadtrip panga si ems kasi daw late na si sir ng 5minutes pero bakit daw pumasok pa.
"So class we're having Pe today!" sabi ni sir sa harapan, nag sigawan naman ang mga kaklase dahil roon. Pe nanaman.
"Arat na sir!" naunang lumabas ang pabida kong kaklase.
"Mr. Tan kailangan talaga mauna ka?" taas kilay natanong dito ni sir.
"Yan kasi pabida bida" bulong ni ems mahina naman akong napatawa doon. Ito talagang babae na ito.
"Hindi ka kasi sir lumabas kaya inunahan kona" nag tawanan naman mga kaklase ko dahil roon. Medyo baliw din eh.
"Paunahin kaya kita sa guidance mr. Tan " masungit na sabi dito ni sir kaya napakamot sa ulo si Tan.
"Ohhhhhh" napa- 'ohh' naman ang mga kaklase ko dahil doon.
"Lets go" lumabas na si sir. Lalabas karin pala sir anubayan.
"Tignan mo lalabas din naman" bulong ni tan.
"Hoyyy tanga ka talaga jie wag mong bwini-bwiset si sir" bulong ni harry ang tropa tropa ni jie tan.
"tara na asbi" lumabas na kami ni ems ng room at sumunod kay sir ronald. Habang nasa hallway tumingin tingin naman ako sa mga classrom hanggang sa napatingin ako sa room nila cole, asan sila? Bakit walang tao sa room nila??.
***
"Ang gagawin natin ay mag sasayaw pero ang kapartner niyo taga kabilang section" sabi ni sir sa gitna.
"Anong section ba sir???" tanong ng kaklase ko.
"Section daw nila cole!" sigaw bigla ng isa kong kaklase, loh magiging partner namin sila sana hindi niya ako partner para hindi kami ma issue ulet, joke lang.
"Im so excitedddd na!! Sana partner ko si bebe cole!" maarteng tili ng babae kong kaklase, sana hindi mo kapartner.
"Partner ko sana si Haveyyy!!" tili ng isa ko pang kaklase.
"Sana saakin si jeven" kinikilig na sabi nung isa pang girl.
"Asa ka! Saakin yon!" napatingin ako kay ems na tinarayan yung mga babae.
"Si dave sene seekin ehe" pabebeng sabi nung isa.
"Wake up mga sis umaga na" bulong ni ems.
"GOODMORNING EVERYONE!!" sigaw ng teacher sa kabilang section.. Mukhang kakadating lang nila pero saan sila galing?.
"Goodmorning teachers" tamad na sabi naming mga estudyante.
"SOOOO ALAM NIYO NABA YUNG SASAYAWIN???" tanong nito saamin, hindi po namin alam ma'am.
"Hindi po" sagot naman naming mga student, napatingin ako sa kabilang section at nakita ko si cole na nakatingin...saakin, problema nito.
"tingin tingin mo diyan??" sabi ko dito.
"I'm just looking at my life" sagot niya, kaya biglang nag init ang aking mukha. Life daw parang ewan hindi ako kinikilig promise hindi.
"Anong nginingiti mo diyaan asbi?" tanong ni ems sa gilid ko. Naka ngiti ba ako?, napatingin ako kay cole na nakangiti saakin ngayon umiwas ako ng tingin at binaling ang atensyon ko kay ems.
"Ha? Wala ahhh bakit naman ako ngingiti diba? Baka gawa gawa mo lang yang sinasabi mong ngumingiti ako" kinurot niya naman ako.
"Tinanong lang kung bakit naka ngiti ang dami ng sagot" sabi niya saakin.
"ANG BOYS NG SECTION NAMIN AT GIRL NG SECTION NIYO AY MAGIGING MAG PARTNER!" sabi ng teacher nila cole si ma'am ashley
"AT ANG GIRLS NG SECTION NAMIN AT BOYS NG SECTION NIYO NAMAN ANG MAG PARTNER! GETS?" -ma'am ashley, nag si tanguan naman kami doon mayroon din namang ibang nag rereklamo pero wala silang magawa.
-amBersAver-
