Aden's POV
Para akong napako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang pangalan ni Mira.
"Talagang nilasing pa namin yung Mira para lang malaman mga detalye ni Aden, tapos nagulat kami bakla pala HAHAHAHAHA" sabi ni Blast sabay tawa ng malakas.
Pero hindi pa pala yun ang pinaka matinding maririnig ko sa gabing 'yon. Meronpa pala.
"Very good ka dyan Calix! Tagumpay plano natin jowa mo na si Aden kaya pwede na nating malaman kahinaan ng D' Altas! HAHAHAHA matatalo na rin nating yang August na yan! Buti na lang talaga gwapo ng kaibigan natin!" Sabi ulit ni Blast. Halos hindi ko na maintindihan yung pagsasalita ni Blast dahil bukod sa sobrang lasing na sya, parang nabingi yata ako sa narinig ko.
"Totoo ba? Calix?" Sambit ko.
Gulat na gulat silang lumingon sa direksyon, si Blast, nakatulog na sa sobrang kalasingan, pero yung apat, nawala yata mga amats nila nung marinig nila ang boses ko. Halos lumuwa ang mata ni Calix. Dahan dahan syang tumayo, at unti unting lumapit sa'kin.
Pero bago pa sya makalapit ay umalis na ko sa kwarto. Bumaba ako at binilisan ang lakad ko. Binilisan ko ng binilisan ang lakad ko to the point na tumatakbo na pala ako ng hindi ko alam. Natatakpan ng luha ang mata ko habang tumatakbo pero wala akong pake, takbo lang ako ng takbo, hanggang sa matalisod ako sa isang putol na kahoy at madapa.
Pinunasan ko ang luha ko at nagulat na lang ako na nasa dalampasigan na pala ako.
"AHHHHHHH!!!!!! ANG TANGA TANGA MO ADEN!!!" Sigaw ko. I shouted from the bottom of my lungs, wala akong pake kahit may iilang tao sa paligid.
Napaluhod na lang ako at humagulgol.
"Aden!"
Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko si Calix na hingal na hingal. Hindi ko napigilan ang sarili ko, sinapak ko si Calix.
Napahiga sya sa ginawa ko at napadapa naman ako. Tumayo ako at tumayo rin sya.
"Aden, please. Let me explain"
"Calix, isang tanong isang sagot, totoo ba?"
Hindi nakapag salita si Calix, tumango lang sya bilang pagsagot.
"Ta*ng ina! Calix? Seryoso ka ba? Ganyan ka na ba ka-desperadong malamangan kuya ko? Kaya nagawa mo yan?" Sigaw ko sa kanya.
"Aden, oo inaamin ko na yun yung dahilan ko no'ng una, pero ngayon totoo na yung nararamdaman ko sa'yo! Hindi kita ginawang boyfriend dahil lang gusto kong gumanti kay August, dahil hindi kasama sa plano namin na gawin kitang boyfriend! Pero ginawa ko dahil mahal kita!" Sigaw nya.
"Plano? Ano pa bang mga plano nyo na dapat kong malaman, sige nga! Tara, upo muna tayo, let's discuss all your fucking plans! Ano? Kapag nakaganti ka sa kuya ko, iiwan mo na ako? Kasama ba 'yon sa plano mo? Ha?"
"Aden, please naman maniwala ka sa'kin. I'm sorry kung ginawa ko yun sa'yo pero please, please maniwala ka sa'kin please mahal na mahal kita"
"And what, Calix? You expect me to believe you and your shitty love after ko malaman lahat? Saan ka nakakakuha ng kapal ng mukha? Calix, kuya ko naman yung kakompetensya nyo?! Bakit kailangan ako yung mag suffer?"
Hindi ko na napigilan, I bursted in tears. Calix hugged me and I don't even have the strength para itulak sya.
"Aden, please, you don't have any idea kung ano yung sinakripisyo ko para sa relasyon natin, please give me another chance"
I pushed him away. *SLAP*
"Okay, Calix, let's talk about sacrifices. Yung nangyari sa atin kanina, that was my first time! Naiintindihan mo ba ha? I am virgin!!! For what??? Para lang makuha ng gagong kagaya mo?"
"Calix, sorry, I want to go home. Hindi ko kayang makita ka. Nasusuka ako." I said.
He hugged me while crying, he even kneeled down habang umiiyak. Pero wala akong ibang nararamdaman. Namamanhid ako. Inaalis ko sya sa pagkakayakap sa akin at saka ako umalis para bumalik sa hotel.
Nakasalubong ko sila Filmore,
"Aden, sorry, lasing lang si Blast kanina." Sabi ni Filmore.
I just gave them a cold reply.
"Filmore, may tatlong uri ng tao na hindi nagsisinungaling. Bata, taong galit, at taong lasing. By the way, you don't need to pretend na mababait kayo sa'kin, puntahan nyo yung kaibigan nyo, tutal the birds with the same feather flocks together naman 'di ba."
I said at saka ako tumuloy sa paglakad. Pagdating ko ng hotel room. Agad akong nag empake ng gamit, nanghihina pa rin ako, para akong nawalan ng lakas sa mga nangyayari. I don't know if I'm just overreacting, pero alam kong valid yung nararamdaman ko. First bf ko si Calix and I didn't imagined na ganito yung mangyayari.
Hindi ko alam kung paano ako uuwi, pero kailangan ko talagang umuwi ngayon. Hindi ko na kaya pa mag stay dito.
"Aden." Natigil ako sa pag-aayos ng marinig ko ang boses ni Calix.
Hindi ko sya pinansin at itinuloy ko na lang ang pag-eempake.
"At least, hayaan mo akong ihatid ka sa airport? Please? 'Di ko kayang pabayaan kang umuwi mag-isa" sabi nya.
Hindi ko alam pero naiiyak talaga ako kapag naririnig ko yung boses ni Calix.
"Calix, please, I need space."
"Aden, ihahatid lang kita sa airport, sasamahan lang kitang bumili ng ticket, titingnan ko lang hanggang sa makaalis ka, hindi ako magsasalita, hindi mo ko kailangang tingnan, please?" Sabi nya.
Hindi na ako nagsalita at tinapos na lang ang pag eempake ko. After ko makapag empake ay bumaba na ako ng hotel. Nakasunod lang sa akin sa Calix at pagdatig namin sa baba ay dumiretso ako sa parking. Tumapat ako sa kotse ni Calix pero hindi ko sya tinitingnan. Agad agad nyan binuksan ang pinto para sa akin, at saka sya sumakay at nagsimulang mag drive.
Tahimik lang kami sa buong byahe. At kagaya ng sinabi nya, hindi nya na ako kinausap, hindi kami nagtitinginan.
Kung may choice lang ako hindi naman ako papayag na magpahatid, pero naisip ko na sya ang may dahilan kung bakit nandito ako, sya rin ang dahilan kung bakit uuwi ako kaya dapat lang na ihatid nya ako.
Pagdating namin sa airport ay bumili na kami ng ticket, syempre kung ano yung pinaka maagang flight yun na yung kinuha ko. We need to wait for another 30 minutes before my flight. Anothe half hour of silence. Hindi kami magkatabi sa upuan.
Sa wakas, tinawag na rin yung flight ko. Agad akong tumayo at pumasok sa loob. Ni hindi ko sya tiningnan dire-diretso lang ako hanggang sa makapasok ako sa eroplano.
Ipinikit ko ang mata ko dahil sa antok na nararamdaman ko.
--
Nagising ako dahil sa announcement ng Flight Attendant. Nandito na kami sa Manila. Pagkalapag ng eroplano ay agad akong kumuha ng taxi para makauwi. Pagod na pagod na talaga ang utak ko.
Mga magdadalawang oras din akong nasa byahe at sa wakas ay nasa bahay na ako. Pagkapasok ko sa loob ay agad akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig, naalala ko, hindi pa pala ako kumakain. Pero hindi ako gutom, ewan ko kung bakit pero hindi ako nakaramdam ng gutom.
At natulala nanaman ako dahil hindi pa totally nagsisink in sa akin ang mga nangyari.
"Aden" nagulat at napalingon ako sa tumawag sa akin.
"Kuya.."
![](https://img.wattpad.com/cover/221607478-288-k905502.jpg)
BINABASA MO ANG
The Best of Both Worlds
RomanceThis story will show us how Aden, a fine arts college student handles the different world of his brother and his lover while dealing with his own world.