2 Weeks Later..
"Aba Aden, utang na loob mong sumama ako ngayon ha? Nako dapat nagpapahinga ako eh" bulyaw sa akin ni Mira.
"Eh syempre gusto ko kaseng may kasama naman akong kaibigan ko. Grabe pagmamakaawa ko kay Ms. Calma makasama ka lang!" Sagot ko naman sa kanya.
Today is Baguio day, yes. Kasama ko si Miracle sa team building para naman maenjoy ko yung Baguio trip ko. Naghihintay kami ngayon ng bus dito sa tapat ng school.
"Alam mo pasalamat ka kaibigan kita eh nako, ni hindi man lang ako nakapag prepare. Nakakabigla ka naman kase." Sabi ni Mira.
"Wow Milagros, hiyang hiya naman ako sa off shoulder cropped-top mo at sa, perfect shorts. Halatang hindi napaghandaan" sarkastiko kong sagot sa kanya.
"Tsaka teka nga, bakit ba ganyan suot mo ha? Nakalimutan mo yatang sa Baguio punta natin. Bahala ka kapag nilamig ka mamaya" dagdag ko.
"Err. Syempre kailangan pang madiinan yung suot ko ano. Alam mo ba nabasa ko sa horoscope ko na sa Baguio ko makikita ang one true love ko. Kaya kailangan kong maghanda ano, alangan namang ikaw lang may bebe sa Baguio dapat ako rin" sagot nya.
"Bebe amp. Puro ka kalokohan. Pag ikaw talaga sinipon sa suot mo bahala ka sa buhay mo"
"Ito naman! Para saan pa at naging kaibigan kita kung di kita mayayakap kapag nilalamig ako. Pwede mo namang ibigay sa akin ang init ng iyong mga bisig, ang haplos ng iyong mga palad sa aking nilalamig, na puso" sabi nya habang niyayakap ang sarili habang nakapikit.
"Feel na feel Mira ah. Pero sorry, reserved na yakap ni munchkin ko sakin e" and yeah, dumating na nga ang libag. Nakaakbay lang naman sya sa akin habang sinasabi ang mga bagay na yon. Agad ko namang tinanggal ang kamay nya sa balikat ko.
"Ohh. Why so cranky, munchkins?" Tanong nya.
"I don't know, Calix. Let's ask your exasperating being shall we?" Sagot ko naman sa kanya.
"Sana all may Munchkin." Sabi naman ni Mira.
I just gave her what-the-hell-are-you-saying look.
"Oh by the way, hindi naman ako papayag na ako lang ang may date. Mira, meet Blast. Though I think you kinda knew each other naman na" Calix said with a wink.
"Ohh yeah yeah, kaya pala familiar sya. Hi Blast!" Bati ni Mira.
"What the hell are you saying?" Sabi ko kay Calix.
"Why? Ikaw lang ba pwede magsama ng kaibigan?" Sabi nya.
"I am talking about 'may date' part. I supposed that's not me you talking about." Sagot ko sa kanya.
"Unfortunately, yes, ikaw 'yon" sagot nya with a big smile.
Oh c'mon. I am expecting peaceful trip but I forgot na wala pala sa vocabulary ni Calix ang salitang 'peace'
"Fortunately, nandito na yung bus namin and I think this is the part wherein bahala ka na sa buhay mo at pabayaan mo ako sa buhay ko, okay? Bye, monkey" pang aasar ko sa kanya as the bus arrived.
"That's sad. Not unless, we're on the same bus no. 42. So, shall we?" Sabi nya sakin habang pinapakita ang bus number nila.
Great. What a wonderful world. Pinagkaitan na ako ng payapang vacay trip and now pati peaceful ride. What wonderful world!
"Hoy Mira, tabi tayo okay? Subukan mong humiwalay kung gusto mong hindi umabot ng Baguio yang chandelier mong hikaw" bulong ko kay Mira. Bulong na may halong panggigigil at pagbabanta.
"Mira, gusto mong tabi na kayo ni Blast? So you can you know catch up or something" alok ni Calix kay Mira.
Tumingin sa akin si Mira bago nya sagutin si Calix.
"Ah-eh, hindi na hehe okay lang haha ano kase ahhh hmm nagsusuka ako sa byahe oo so ayon wag na nakakahiya baka masukahan ko yung kaibigan mo ha ha ha" sagot ni Mira na halatang tensed.
"Good Girl." Bulong ko sa kanya as we sitted.
-
Mga isang oras na rin kaming nasa byahe. At nakakaramdam na rin ako ng antok.
"Aden, may tanong pala ako" sabi ni Mira.
"Hmm?"
"Si Kuya August pala, akala ko isang buwan lang siya doon?" Tanong nya.
"Naextend sya. Dad's not getting any better. Based sa pag uusap namin last time" sabi ko naman.
"Sorry to hear that" she said.
"It's okay, Mira. Let's just sleep." Sabi ko sa kanya then I smiled.
I don't know if gaano ako katagal nakatulog, pero nagising ako dahil naramdaman kong nagbababaan na ang mga tao. At ramdam ko na ang lamig. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko. And yeah, nakahiga ako sa balikat ni Mira at nakayakap ako sa kanya dahil na rin siguro sa lamig, mukhang tulog din kase sya.
"Mira.." Mahina kong sabi habang inaangat ang ulo ko para gisingin sya.
"AHHHHHHHHH"
Nanlaki ang mata ko at napasigaw! Ng makita na hindi si Mira ang katabi ko!
"C-calix? Bakit nandito ka???" Sabi ko kanya pagkatapos kong mapa balikwas sa pagkaka higa ko sa balikat nya.
"Munchkin naman, nagulat ako sa'yo? Gusto kase kitang makatabi kaya lumipat ako dito." Sabi naman nya.
Lumingon lingon ako sa paligid at mukhang nasa baguio na kami. At nakita ko si Mira sa pwesto ni Calix at.. Magkayakap sila ni Blast habang tulog. Seriously?
Agad akong tumayo para gisingin si Mira.
"Tabe!" Sabi ko sabay hawi ng paa ni Calix.
"Hoy, sleeping beauty, gising!" Sabi ko kay Mira.
Unti unti na syang nagising at agad nanlaki ang mata nya ng makita nyang ako ang gumigising sa kanya. Sinenyasan ko syang bumaba na kami ng bus.
"Ano bang ginagawa mo ha? Bakit si Calix na yung katabi ko?!" Sabi ko sa kanya pagbaba namin ng bus.
"Sorry, Aden. Nabudol nya ako eh ang galing nya mag salestalk. Huhuhu" sabi naman ni Mira. Jusko. Kundi ba naman mamuti buhok mo sa mga 'to.
Nandito na kami ngayon sa lobby ng hotel at kinukuha na ang mga susi ng kwarto namin. Napansin kong hindi ako ginugulo ni Calix simula nung bumaba kami sa bus.
"Mr. Aden, eto po yung susi nyo." sabi ni ate receptionist.
"Thanks" sabi ko pagkakuha ko ng susi.
"Pwede na po kayong umakyat." Sabi nya.
Pinuntahan ko muna ulit si Mira.
"Mira, aakyat na ako ha. Text mo ako kung anong room number ka, okay?" Sabi ko naman.
Nag nod lang si Mira and umakyat na rin ako. 3rd floor ang room ko number 305. And here, nakita ko na sya.
"Hello, munchkin" halos tumalon ang puso ko sa sobrang gulat. Jusko naman. Anong ginagawa nanaman neto dito.
"Alam mo, ang saya ko na sana eh kase di ko nakikita pagmumukha mo simula kanina, pero heto ka nanaman ngayon, nanggugulo. Pwede ba? Patahimik mo naman mundo ko." Sabi ko naman.
"Paano naman yung mundo ko, kung palalayuin mo ko sa'yo? Eh ikaw yung mundo ko, Aden"
Uhmmm. Susuka na ba ako?
"Wow. Alam mo, advice ko lang ah, patingin ka na sa professional, mukhang lumalala ka na, eh." Sabi ko habang binubuksan ang pinto ng kwarto ko. Laking gulat ko ng pumasok rin sya pagkapasok ko.
"Excuse me? Pwede ka nang umalis. Magpapahinga ako." Sabi ko sa kanya.
"Not a chance" sabi nya sabay angat ng hawak nya.
"Oh, room number 305 ka pala, eh so ano pang–" napatigil ako sa pagsasalita ko ng marealized kong pamilyar ang room 305.
Dahan dahan kong tiningnan ang hawak kong room number at napapikit na lang ako sa sobrang stress.
NOOOOOOOOO! NOT AGAIN!
![](https://img.wattpad.com/cover/221607478-288-k905502.jpg)
BINABASA MO ANG
The Best of Both Worlds
Storie d'amoreThis story will show us how Aden, a fine arts college student handles the different world of his brother and his lover while dealing with his own world.