Hello mga ka-reads! Please vote as you read the chapters. Your support is very much appreciated. Spread love they said so I love you guys ❤️Maraming salamat po! — otor
★★★★★
"Tanong lang, nalaglag ka ba sa duyan nung baby ka tas nauna ulo mo? Lakas ng tama mo, eh" sabi ko kay Calix.
"Sa'yo lang naman malakas tama ko" sabi naman nya.
Pta. Kailan ko ba 'to makakausap ng matino. Pwede bang sapakin ko na lang sya agad? Yung walang nang intro intro?
"Alam mo kapag hindi ka pa tumigil—"
"Announcement, students"
Napatigil ako sa pagsasalita. Dahil sa announcement na nanggagaling sa mga megaphone speakers ng school namin.
"Mr. Aden Del Altamiranos, please go here in the guidance office"
Luh. What? Wait. Ako yun 'di ba? Pangalan ko yun 'di ba? Shet!
"Nako, Munchkin, you're in trouble" sabi ni Calix libag with kindat at alam mo namang nangdedemonyo lang.
"...and Mr. Calix Albrect, pumunta ka rin dito sa guidance office. Thank you"
Hahahaha tawang tawa ako sa pagmumukha ni Calix nung narinig nya ang pangalan nya. Pero hindi ko rin maiwasang kabahan kung bakit kami pinapatawag. Shet naman oh.
Tahimik lang kaming naglalakad papuntang guidance office. Kinakabahan rin siguro si Calix dahil ngayon ko lang sya nakitang ganito katahimik. Though, ang angas pa rin niyang mag-lakad, maybe he's just acting cool kahit kinakabahan na sya. Anyway, wala akong pake.
"Buksan mo na." Sabi ni Calix sa akin. Nasa tapat kami ngayon ng office ng guidance counselor. Jusko. Ano nanaman po ba ang meron. Hays.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip ng bahagya. Nakita kong napatingin sa pinto si Ms. Greta, yung head ng guidance.
"Oh Mr. Aden pasok" sabi nya.
At agad akong pumasok kasunod si Calix. Laking gulat ko dahil may dalawang lalake rin sa loob ng office at mas ikinagulat ko ng makita ko ang mukha nila.
Pareho kaseng putok ang labi nila na animo'y sinapak. I think I'm not the one who's in trouble here.
"Mr. Aden, Mr. Calix this is James, first year student and this is Mac, third year. And nakita silang nag-aaway sa garden. Kanina ko pa tinatanong kung anong pinag-aawayan nila at umabot sila sa ganyan sitwasyon." Sabi ni Ms. Greta.
"Okay? So bakit kami nandito?" Tanong ni Calix. Pakabastos talaga neto. At higit sa lahat walang common sense. Alam naman nyang pananagutan namin 'tong dalawa as president nagtatanong pa.
Sinimangutan ko lang sya at inirapan.
"Pinatawag ko kayo dito para kausapin ang dalawang 'to. Then kayo ang magbigay ng final verdict. Alam nyo naman kung ano ang mga punishment sa ganyan. Teach them a lesson" sabi ni Ms. Greta.
"Pero 'di ba trabaho nyo yun?" Sabi naman ni Calix.
"Ahh eh, teka nga Calix manahimik ka muna oo" bulong ko sa kanya.
"Ms. Greta, okay lang naman po sa amin na kausapin sila, pero okay lang po ba na hindi dito sa office nyo? Hmmm let's say sa garden kami." Sabi ko naman.
"Okay, Mr. Aden, but make sure na maaayos nya ang gulo sa dalawang batang 'to" sabi ni Ms. Greta.
Nag nod lang ako. Then pumunta na kami sa garden.
BINABASA MO ANG
The Best of Both Worlds
RomanceThis story will show us how Aden, a fine arts college student handles the different world of his brother and his lover while dealing with his own world.