Chapter 5

145 8 3
                                    

"Pahinga muna tayo, Aden. Pagod na ako" angal ni Mira. Nandito kami sa bungad ng school namimigay ng flyers. One week after maging official nominee ako for Student Council president, naging busy na ang buhay namin ni Mira, isama mo pa si Karl dahil sya ang gumawa, nag-isip at nag-design ng content para sa flyers namin.

"Err. Okay sige tara punta muna tayong canteen? Bili tayo maiinom uhaw na uhaw na ako" sabi ko naman.

"Guys! Naubos ko na yung mga flyers. Naipamigay ko na sa mga taga Engineering dept!" Sabi naman ni Karl na hinihingal pa. Sa layo ba naman ng building ng colleges namin.

"Thanks, Karl. Thanks din Mira. Hindi ko alam kung kaya ko 'to ng wala kayo" sabi ko naman sa kanila. Naglalakad na kami papuntang cafeteria.

"Okay lang Aden. Basta pag nanalo ka 'wag mo kaming kakalimutan ah!" Sabi naman ni Karl.

"Oo nga, bestfriend mo pa rin ako ha! Nako baka maging busy ka na wala ka na maging time sa akin" sabi naman ni Mira.

"Napaka drama mo eh ikaw nga dahilan kaya ako nandito! Kita mo tuloy hirap na hirap tayo" sabi ko naman.

"Ay, hello Aden" parang kilala ko yung boses. Boses palaka eh. At paglingon namin sa likod. Boom! Parang neneng b ang kanyang katawan. Neneng b as in neneng bitch.

"Ay hi Cleo. May kailangan ka? Ano? Away?" Sabi naman ni Mira. Pero hinawakan ko sya sa braso a way to say 'wag na nyang patulan. After kase ma-announce yung nominees, hindi na rin kami tinantanan ni lucifer, este ni Cleo. She even put quote sa flyers nya like, 'iboboto nyo ba ang isang kapatid ng isang notorious bully? Vote wisely.' Hindi ko rin alam kung saan nakuha neto squammy attitude nya eh maganda naman sya at mukhang galing sa respetadong pamilya.

"What now, Cleo?" Tanong ko sa kanya.

"Ay. Wala naman Aden, napansin ko lang kase na parang ang haggard nyo na. Well sabagay, personal nga pala ninyong binibigay yung mga flyers nyo. Sa akin kase mga loyal supporters ko nagbibigay eh." Sabi nya sabay smirk. Tapos yung dalawang babae sa likod nya na mukhang bisugo eh tinitingnan kami mula ulo hanggang paa.

"Ahh sino? Yung mga mukhang macho dancer na nagtatrabaho sa bar? Ano ba binayad mo don? Dignidad mo ba?" Woah. Mira. Ikaw ba yan? Love that clapback!

Tumaas lang yung kilay ni Cleo at nag smile.

"Here. Blotting paper yan. Para sa oily face. Gamitin mo. Bago pa prituhan ng itlog yang mukha mo hahahaha" sabi ni Cleo while giving the blotting paper.

"No need. Kase this oily skin? Ito yung nagpapatunay kung sino talaga ang nag eeffort at nagsisipag para makuha yung position. This oily skin assure all of the students na hindi ako magha hire ng ibang tao para gawin ang trabaho ko. So make yourself fresh always Cleo. Mahirap na, baka mabura kilay mo. See you on the debate day. Tara na guys" sabi ko naman sabay talikod. Minsan talaga dapat binibigyan ng isang bagsak mga ganyang tao eh.

Nandito kami sa Pavilion sa garden after namin bumili ng maiinom sa canteen.

"Aden, ML tayo!" Sabi ni Karl.

"Ay tara tara. Rank ha" sabi ko naman.

Binuksan ko ML ko.

"Invite mo 'ko Karl" sabi ko.

"Oo wait" sagot naman nya.

"Nice. Naka squad ka na pala. Buhatin nyo ko ha haha" sabi ko naman.

"Yeah squad yan sa department namin. Nagulat nga ko eh sinama nila ako." Sabi naman ni Karl.

"Ako na MM" sabi ko. Tapos pinili ko si Popol and Kupa.

A/N: For those who plays Mobile Legends, this is for you. For those hindi naman po naglalaro this is gor you also I will make it simple and short lang para hindi po kayo masyado maguluhan. Love lots!

~ WELCOME TO MOBILE LEGENDS, FIVE SECONDS BEFORE THE ENEMY REACH THE BATTLEFIELD, SMASH THEM! ALL TROOPS DEPLOYED ~

So ayun nagsimula na yung game namin. Tapos kasalukuyan na akong nagfafarm.

"Karl, ikaw ba yung Tank?" Sabi ko

"Ha? Hindi si –"

"Tangina ang bobo naman mag-set ng tank na 'to!" Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Karl. Dahil naiinis na ako dahil mukhang matatalo pa kami sa isang bobong kakampi.

Nagchat ako sa game.

~ Bobo mo naman tank! Ayusin mo set mo ~

"Huy Aden, galit na galit ka naman chill lang bro! Game lang 'to" sabi naman ni Karl.

So nagfocus na lang ako sa laro baka sakaling manalo pa.

– DEFEAT –

"Tangina GG! Bwiset nabawasan pa star ko. Hayup na yan." Sa sobrang inis ko chinat ko yung gumamit ng Tank.

– Bobo ka kase eh! Mag tiktok ka na lang quit ML ka na! –

"Hahahaha Karl, tingnan mo. Chinat ko yung gumamit ng Tank." Tapos pinakita ko sa kanya yung chat ko.

"Shet! Aden! Bakit mo chinat ng ganyan???" Sabi naman ni Karl. Nagulat ako sa reaksyon nya kase parang natakot sya at nataranta.

"Eh bakit ba naiinis ako eh." Sabi ko naman sa kanya.

"Tanga ka hindi mo ba kilala sino yan??" Sabi naman nya.

"Hindi! Bakit sino ba 'to?" Sabi ko naman.

"Ako." Napakunot ang noo ko dahil sa nagsalitang lalake sa likod ko. At paglingon ko.

"C-calix?" Oo. Si Calix nga. Nakatayo sa likod ko at nakatitig sa akin kasama ang mga barkada nya.

"Calix, pasensya na mainit kase ulo ng kaibigan ko pasensya na talaga!" Sabi naman ni Karl.

"Ikaw yung kasama namin sa game??" Tanong ko sa kanya.

"Oo ako nga. Yung sinabihan mong bobo? Oo ako nga" sabi naman nya. Nagsisimula na akong kabahan pero hindi ko pinahalata.

At hindi ko inaasahan ang mga susunod na pangyayari. Tinulak nya ako sa poste ng Pavilion at ikinulong ako sa dalawang braso nya. Nilapit nya ang mukha nya sa akin at saka sinabing...

"Papayag akong mag quit ng ML at mag-tiktok, basta ikaw kasama ko sa lahat ng videos ko. I am willing to do all kinds of VIDEOS kasama ka" sabi nya with pakindat at seductive eyes pa.

"Ano ba!" Sigaw ko sa kanya sabay tulak. Nag smirk lang sya sa akin.

"Karl, Mira, tara na" sabi ko sabay kuha ng mga gamit ko.

"Aden? Okay ka lang?" Sabi ni Mira

"Ha? Ahh.. oo naman bakit?" Sagot ko naman.

"Ah.. ehh.. saan ba tayo pupunta? Nandito na tayo sa parking ng school" sabi naman ni Karl.

Shet. Anong ginagawa namin dito. Hindi ko namalayan na sa paglalakad ko dito na kami napadpad.

"Err guys sorry. Hindi ko napansin." Sabi ko sa kanila habang kinakamot ulo ko.

"See. Hindi ka okay. Hayaan mo na si Calix. Alam mo namang inaasar ka lang nun. Tara na balik na tayo?" Sabi ni Mira. Naglalakad na kami pabalik pero may narinig kaming kakaiba.

"Ano? Lalaban ka pa? Ha? Tayo!" Yan yung naririnig naming boses ng lalake. Hinanap namin kung saan nanggagaling yung boses.

"Matapang ka lang pala magsalita, eh!" Sabi ulit nung lalake. And mukhang alam na namin kung saan nanggagaling yung nagsasalita. Sa CR ng boys sa parking. At sumilip ako para tingnan kung anong nangyayari and for my surprise... it's kuya. May hawak syang dos por dos na kahoy at kasama nya ang buong gang nya. At nagulat ako dahil may tatlong lalakeng nakahandusay sa sahig at duguan.

"Ngayon, sabihin nyo sa buong block nyo na iboto si Aden at hindi si Cleo naiintindihan mo?" Sabi ni kuya doon sa isang lalake habang hawak nya ang kwelyo nito. Nagulat ako sa narinig ko. So kung tama ang pagkakaintindi ko, binubugbog ni kuya ang mga 'to para iboto ako? Wtf! Hindi na ako nakatiis kaya pumasok ako sa loob.

"KUYA!" natigilan ang lahat sa sigaw ko.

The Best of Both WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon