"Take a seat" Sir Guidance Councilor said.Tahimik ang paligid. Nakayuko lang ako. Hindi ko alam kung bakit, pero kinakabahan ako.
"Could you just tell us bakit kami nandito?" Pinutol ni Calix ang katahimikan.
"I think alam nyo naman kung bakit kayo nandito. Pero uunahan ko na kayo, our school is not againts LGBTQ society, in fact, major sponsor pa nga ang school natin sa Pride March." Paliwanag ni sir.
"So? What now?" Naiiritang sabi ni Calix.
I hold his hand. I mean, way to say calm down. I don't know why did I do that. Napansin kong napatingin si Sir sa kamay namin kaya bumitaw ako agad.
"Going back, Mr. Albrecht, Mr. Del Atamiranos, may relasyon ba kayo?" Tanong nya.
"Wal–"
"What if meron?" Hindi ko na natapos ang sagot ko dahil biglang nagsalita si Calix.
"Calix, calm down. Please" I said.
"Again, hindi againts ang school sa sa mga kagaya nyo, just tell me the truth, may relasyon ba kayong dalawa?" Sabi ni sir.
"Hindi againts ang SCHOOL, what about you, sir? Is there any problem kung may relasyon kami? And what about "kagaya nyo" statement, kagaya namin na? Just say it, sir" matapang na sagot ni Calix.
Lalo akong naging uncomfortable sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Or may dapat ba akong gawin o hayaan ko na lang si Calix ang sumagot?
"Mr. Calix, kumalma ka. Oo o hindi lang ang sagot sa tanong ko. Okay, hindi againts sa mga bakla or gay ang school natin, so again, may relasyon ba kayong dalawa?" Halatang nagpipigil lang rin si sir na magalit dahil sa pinapakitang attitude ni Calix.
Natahimik muli ang paligid. Hindi ko malaman kung bakit hindi masagot ni Calix ang tanong sa amin. Sasabihin lang naman nyang 'wala po'
Pero since dalawa kaming nandito, ako na ang sasagot para sa kanya.
"Yan ang hirap sa inyong mga bakla eh" sabi ni sir.
Natigilan ako sa sinabi nya.
"Masyado kayong entitled. Gusto nyo lahat mag adjust para sa inyo. Ultimo CR, gusto nyo meron kayong sarili. Tapos, hindi pa sapat na naghahalikan at naglalandian kayo sa public, gusto nyo pa talagang pinapaalam sa lahat ng tao" dagdag pa ni sir.
"Gago pala 'to eh" sabi ni Calix at akmang tatayo na pero pinigilan ko sya ng kamay ko. Hinawakan ko sya sa braso at saka hinila paupo.
"Mawalang galang na ho, sir. Sobra naman ho yata yung mga lumalabas sa bibig nyo. Una sa lahat, hindi porket bakla eh entitled ka na, tao pa rin naman ang mga bakla, may karapatan, karapatang pilit tinatanggal ng mga homophobic na kagaya mo" sabi ko sa kanya.
Hindi ko alam kung anong ginagawa ko at kung saan ako humuhugot ng tapang. Pero sobra talaga sya sa mga sinabi nya.
"Excuse me, Mr. Aden? Ganyan ba ang attitude ng isang matinong studyante? Ipinanlalandakan nyo pa sa lahat yang inmoralidad nyo. Hindi ba kayo natatakot sa Diyos?" Sabi naman nya.
"Excuse me rin ho, sir. Ganyan ba ang mindset ng taong nakapag tapos ng Masters Degree? Bakit kayong mga relihiyoso, kayo talaga yung madalas judgmental samantalang magugulat na lang kami na mas marami pa kayong baho kaysa sa'min. I'm not saying na lahat ng relihiyoso ha, pero based sa mga kakilala ko ganyan kayo. Una sa lahat, hindi kasalanan ng mga bakla na bakla sila, dinidiktahan lang sila ng mundo na kasalanan nila 'yon. Pangalawa, hindi ko alam kung bakit may mga taong homophobic kagaya mo, sir. As if nakakahawa ang pagiging bakla kung mandiri kayo. Sa tingin mo, bakit sila nagrerequest ng isang bagay na sa tingin nila eh magiging comportable sila? Dahil yun sa mga taong kagaya mo! Traumatized ang mga bakla dahil sa bullying, alam mo yung bullying? Dapat alam mo yan kase Psychology Major ka. 'Wag mong isisi sa bakla ang pagiging judgmental at homophobic mo, ugali mo na talaga yan. Pangatlo at huling sasabihin ko sa'yo.."
Tumayo ako at binagsak ang dalawang palad ko sa lamesa nya na syang ikinagulat nya at ni Calix
"Oo! May relasyon kami ni Calix! Happy?! Tara na, Munchkin!" Sabi ko sabay kuha ng kamay ni Calix.
Iniwan naming nakanganga yung homophobic na Guidance Coucilor. Pero bago kami makalabas ng pinto, humarap akong muli sa kanya.
"PS: kilala mo naman siguro ang kuya ko. At kilala mo rin siguro kung sino ang boyfriend ko sa school na 'to. Kung ako sa'yo sir, hindi ko na palalakihin ang issue na 'to." Sabi ko sabay labas ng office nya.
Hinila ko si Calix hanggang sa makarating kami sa Fire Exit.
"Kita mo na?? Napaka careless mo kase!" Sabi ko sa kanya.
Pero sa hindi ko malamang dahilan, nakatingin lang sya sa akin. Nakangiti. Na parang ewan.
"Hey?! Nakikinig ka ba??" Naiirita kong sabi sa kanya.
"Yeah. Sorry. Iba lang kase pala talaga yung dating kapag ikaw nagsasabi ng "munchkin" word." Sabi nya.
Seriously.
"Tanga ka ba? Tuwang tuwa ka na sinabi ko sa kanyang bf kita eh alam mo naman bakit ko sinabi 'yon" sabi ko sa kanya. Bahagyang nagbago ang expression ng mukha nya.
"Calix. Itigil mo na 'to please?" Sabi ko sa kanya.
"Bakit, Aden? Ngayon pa? Ngayon pa ba ako titigil?" Sabi naman nya.
"Calix. Hindi ko alam kung anong dahilan mo bakit ginagawa mo 'to pero nahihirapan na ako eh" sabi ko sa kanya. Napasandal nalang ako sa pader.
"Aden ginagawa ko 'to kase gusto kita. Kahit konting feelings ba wala ka talagang nararamdaman para sa akin?"
"Calix, sorry"
"Tang ina naman. Hindi naman kase sorry yung gusto kong marinig" sabi nya.
"See what happened earlier? Calix, ayokong maglinis ng kalat mo. Ni hindi nga ako pumayag na manligaw ka, eh. Tapos ako yung kailangang mag suffer?" Sabi ko naman.
Natahimik ang paligid.
"Okay. Fine. Siguro nga walang patutunguhan lahat ng ginagawa ko para sa'yo. You're right" sabi nya.
Hindi ko alam kung bakit parang may sumaksak sa dibdib ko nung sinabi nya 'yon.
"Calix?"
Napatingin kami sa pinto ng Fire Exit dahil sa boses ng isang babae.
"Blanche?" Nagtatakang tanong ni Calix.
—
"Hoy!!! Bakla ka sinabi mo yung kay sir!!?" Sabi Mira sa akin.
Nandito kami sa lobby ng school. Sinabi ko kase sa kanya yung mga sinabi ko sa Guidance Office.
"Oo! At hindi ko. Alam kung bakit ko sinabi 'yon pero yari talaga ako! Ugh! Bwisit na Calix kase yan!" Sabi ko naman.
"Pero don't you think na baka ito na yung chance to show them your true colors? Omg!! I'm so proud!!" Sabi nya.
"Mira, you know that's not possible."
"Why not? You're currently in the metamorphosis stage, Aden. You're a Pupa. And what if si Calix yung way para maging fully-developed Butterfly ka na?" Sabi nya.
May point sya. Pero ito nga ba yung gusto ko? Gusto ko nga ba maging Butterfly? Kung talagang nasa metamorphosis stage ako, it's inevitable na maging fully developed, pero what if, ayaw ko?
"Ay, sino yan??" Sabi ni Mira.
Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko si Calix at Blanche sa labas ng school, naglalakad papasok sa building namin. Mira's actually refering sa kasama ni Calix.
And for my surprise, nasa harap na namin sila nang di ko namalayan. Ano nanaman bang problema nitong lalakeng 'to.
"Hey! Aden, right? Sorry hindi na ako nakapag pakilala ng maayos kanina. Btw, I'm Blanche Margot Villasista, girlfriend ni Calix"
Nanlaki ang mata namin ni Mira sa narinig namin.
"G-GIRLFRIEND!?" Sabay na sigaw namin ni Mira.
BINABASA MO ANG
The Best of Both Worlds
RomanceThis story will show us how Aden, a fine arts college student handles the different world of his brother and his lover while dealing with his own world.