"Bakit parang gulat na gulat ka?" Sabi niya.
"H-ha? Wala naman. Hindi ko lang iniexpect na makikita kita sa ganitong lugar." Sagot ko naman.
Nakakagulat naman kase talaga. Anong ginagawa ni Calix, leader ng Calisto Gang, sa Student Council office.
"Ahh alam ko na. May detention ka ano? Nandito ka para magrender? Bakit? Sino nanaman ba ang binully nyo?" Sabi ko sa kanya.
"Ang galing mo ah. Paano mo nalaman yan." He answered habang umuupo sa table.
"Madali lang. yung mga tipo mo kase yung wala namang gagawing tama sa school kundi magbulakbol at mang-harass ng schoolmate" sabi ko naman.
"Masyado kang judgemental, Mr. Del Altamiranos."
"You don't have the rights to call me by my surname" I said.
"Then should I call you, mine?"
WHAT. THE. ACTUAL. FCK.
Katahimikan.
"Huh. Lakas din talaga ng tama mo ano?" Sagot ko naman.
"Ganyan ba dapat makipag-usap ang isang freshman sa junior nya?" Sabi naman nya.
"Respect begets respect. Bakit kita irerespeto? Karespe-respeto ka ba?" Sagot ko naman.
"Bakit ba ang sungit mo sa'kin? Tell me, anong ginawa ko sa'yo Aden"
Hindi ko alam pero iba yung naramdaman ko nung sinabi nya yung pangalan ko. Parang nanlamig yung paa at kamay ko, nanghina yung tuhod ko and there's something in my stomach.
"Alam mo, hindi ko alam bakit ako nakikipag usap sa'yo pero maiwan na kita Mr. Calix" sabi ko sabay lakad palabas pero nagulat ako dahil hinila nya. At inihiga sa table. Alam nyo yung position na nakahiga ako sa table, hawak nya dalawang wrist ko at nasa harap ko sya and his face is just 2feet away from mine.
"Ano bang ginagawa mo. Bitawan mo nga ako Calix. Hindi na ako natutuwa!" Sabi ko sa kanya.
"Hindi kita bibitawan dahil hindi mo pa sinasagot tanong ko. Bakit ba ang init ng dugo mo sa'kin?" Sabi naman nya.
"Sino bang hindi? Makita ko pa lang mukha mo, kumukulo na dugo ko at alam kong ganon din silang lahat" sagot ko naman.
"Sa gwapo kong 'to? Hahaha kahit sino kaya kong paibigin. Ikaw pa kaya?" Sabi naman nya.
Okay. Confirmed. Nababaliw na nga ang lalakeng ito.
"Oh sorry"
Napatayo si Calix dahil biglang may pumasok sa meeting room. Isang babae. At ako, naiwang nakahiga sa table.
"Sorry omg akala ko kase wala pang tao kaya tuloy tuloy ako pumasok, pero uhm lalabas muna siguro ako hehe" sabi nung babae sabay labas.
At bumalik naman ako sa senses ko at tumayo.
"Kasalanan mo 'to eh! Kung ano ano kase ginagawa mo! Bwiset ka! Ano na lang iisipin non!?" Sigaw ko sa kanya. Pero pabulong, may sigaw bang pabulong? Ah basta.
"Hahaha ano namang pake ko sa iisipin nya. Simula pa lang 'to Aden" sabi naman nya sabay labas ng meeting room.
Simula? Anong simula? Ano bang gustong mangyari ng Calix na 'to? Ugh!
After 1hr..
Dumating na si Ms. Calma and tatlo kaming nandito. Ako, tapos may dalawa pa isang lalake, at yung babaeng nakakita sa amin ni Calix kanina. Ugh. Naalala ko nanaman.
"Mr. Del Altamiranos, ayos ka lang ba? Bakit ganyan itsura mo?" Sabi sa akin ni Ms. Calma, dahil kumunot ang mukha ko ng maalala ko yung nangyari kanina.
"Ah, eh. Wala ma'am yes po okay lang ako sorry" sabi ko naman, at nakita kong napangiti yung babaeng nakakita sa amin. Nakakahiya talaga. Humanda ka sa'kin Calix nako.
Si Ms. Calma nga pala ang overall in-charge sa Student Council, sya din ang Guidance Councilor ng school namin.
"Teka, nasaan ang President ng Juniors?" Sabi ni Ms. Calma.
"Oh, nandyan ka na pala. Kumpleto na tayo. Sige na maupo ka na dyan" sabi ni Ms. Calma while looking at the door.
At paglingon ko..
"Calix!" Napasigaw ako at nagulat silang lahat.
Katahimikan...
"Mr. Del Altamiranos? Ayos ka lang ba talaga? Kanina pa iba ang mga kinikilos mo?" Sabi ulit ni Ms. Calma.
Nag-bow lang ako to apologize. Pero teka hindi ko talaga akalain na President ng SC 'tong mokong na 'to? Tapos dito pa sya umupo sa tabi ko. Ugh. Masama ba talaga manakit ng kapwa? Sure na ba 'yon?
"Gulat ka 'no?" Nagulat ako dahil bigla syang bumulong.
"Sino bang hindi? Sino mag-aakala na Council body ang jerk na kagaya mo" sabi ko sa kanya.
"Gigil na gigil ah. Gusto manakit?" Pang-aasar nya.
"Kung pwede lang, eh. Pa-isa nga!" Sagot ko naman.
"Shet. Pa-isa? Uhm. Medyo mabilis ka ha, pero, sige. After meeting ba? Sa condo ko o sa place mo" sabi nya sabay kindat.
Ang gwapo! Este ang gago!! Ano bang pinagsasabi ng lalakeng 'to! Jusko hindi ko na kaya makipag-usap sa kanya kaya tumalikod na ako. At humarap kay Ms. Calma.
"Okay listen, pinatawag ko kayo ngayon para sa unang project ng school natin. This is an outreach program for street kids. Bago ang lahat, ipapakilala ko muna kayo sa isa't isa.
"This is Mr. Aden Clyde Del Altamiranos, 1st year representative" then nag smile ako sa kanila. Maliban syempre sa libag kong katabi.
This is Mr. Romeo Ceibme, 2nd year representative." Nag wave lang sya ng kamay sa amin. Bakit parang may katunog pangalan nya?
"This is Mr. Calix Avery Albrecht, 3rd year representative" and syempre hindi ko sya tiningnan. Bukod sa kutong lupa sya eh kilala ko naman na sya so no need.
"And last but not the least this is Ms. Candilaria Gozun, 4th year representative"
"Candy na lang po ma'am hehe" sabi nya. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil hanggang ngayon nahihiya pa din ako.
"Okay Ms. Candilaria" Ay. Kakasabi lang ma'am. Napailing na lang si Candy pero nakangiti.
So, I hope you guys blend well to each other. Since partnering ang gagawin natin. Kailangan ko ng full cooperation ng bawat isa. This is the first program for this batch of Student Council. Since we don't need too much people I've decided na presidents muna ang participants. Dito rin natin masusubok ang ability nyo as leader. Effectiveness as president at higit sa lahat, initiative. But of course I'll make sure na mag-eenjoy pa rin naman kayo in this program and a plus points for your professors. So, Let's discuss the program. Shall we?
![](https://img.wattpad.com/cover/221607478-288-k905502.jpg)
BINABASA MO ANG
The Best of Both Worlds
RomanceThis story will show us how Aden, a fine arts college student handles the different world of his brother and his lover while dealing with his own world.