"Nakakapagod. Naubos yung energy ko" sabi ni ate Candy habang tinatapik tapik yung likod nya.
"Ang mahalaga, masaya yung mga bata" sabi naman ni Kuya Romeo.
Tapos na yung outreach program namin. Nakapagligpit na rin at heto kami, naglalakad papuntang sakayan.
"Candy, hihiwalay na ako ha. Nandyan na kase yung sundo ko" sabi ni Calix.
Oo nga ano? Bakit hindi ako magpasundo kay kuya. Ay, hindi nga pala pwede kase nandito si Calix baka magkarambulan pa dito.
"Ano pang tinatayo tayo mo dyan?" Sabi ni Calix habang nakatingin sa'kin.
Uhm. Anong tinatayo tayo ko dito? Dapat ba nakahiga ako?
"Pinagsasabi mo? Okay ka lang?" Sagot ko sa kanya.
"Halika nga dito" sabi nya sabay hila sa kanang wrist ko.
"Oy ano ba baliw ka ba bitawan mo nga ako!" Sabi ko naman.
"Sige pumiglas ka pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh, ano hindi ka titigil? Mahiya ka naman" sabi nya and yeah nakatingin na nga yung mga taong nadadaanan namin.
"Baliw ka na ba? Ano bang ginagawa mo" sabi ko pero pabulong lang.
At nagulat ako ng bigla nya akong bitawan.
"Sakay na" sabi nya. Sabay turo sa sasakyang nasa harap ko.
"Ano 'to?" Sabi ko
"Kotse. Tanga ka ba?" Sabi naman nya. Aba'y pilosopo ang hayop.
"Mas tanga ka! Ang sinasabi ko anong kalokohan 'to at pinapasakay mo ako sa kotse mo" sagot ko sa kanya.
"Ihahatid na kita." Sabi nya
"No need. Matapos mo ako kaladkarin papunta dito?" Sabi ko.
"Bakit kapag inaya ba kita sasama ka? Hindi. So wala akong choice kundi kaladkarin ka" sabi naman nya.
"Pake ko sa'yo. Uuwi na ako" sabi ko sabay talikod.
"Woah, mag-7pm na pala. Hays. Kailangan ko na umuwi, dayo lang ako dito, mahirap na baka mapagtripan ako." Sabi nya and obviously pinaparinig nya sakin.
Sa totoo lang, hindi ko na alam kung paano ako babalik sa pinanggalingan ko, at hindi ko rin kabisado dito. Kaya pikit mata akong lumingon sa libag na nasa likod ko.
"Ano? Sasakay ka ba? Aalis na ako." Sabi nya.
Wala naman akong choice kaya sumakay na ako. Kaysa naman maiwan ako ditong mag isa.Tahimik lang ako buong byahe dahil hanggang ngayon bwisit pa rin ako sa libag na yan.
"Aden, gutom ka na ba?" sabi nung libag.
"Nagsasalita na pala libag ngayon" sabi ko. Natawa ng bahagya yung driver nya.
"Pinapahiya mo naman ako kay manong Berto ehh. Bakit ba ang sungit mo? Gutom ka na siguro ano" sabi nya.
"Hindi ako gutom okay?" Sabi ko.
Pero biglang nagkatinginan si Calix at driver nya sabay tawa. Bakit? Kumulo lang naman ng pagkalakas ang pesteng tiyan ko. Hindi man lang makisama! Ugh!
"Manong daan muna tayo sa restorantè" narinig kong sabi nya.
"Excuse me, pakiuwi na lang ako please" sabi ko naman.
Kruu. Kruu.
Ay. Walang pagsagot.
"Uh hello? Tao po? Libag? Nandyan ka pa ba?" Sabi ko in a sarcastic way pero wala pa ring sumagot.
BINABASA MO ANG
The Best of Both Worlds
Любовные романыThis story will show us how Aden, a fine arts college student handles the different world of his brother and his lover while dealing with his own world.