Prologue

323 10 0
                                    

Diko maiwasang mamangha habang nakatingin sa building na aapplyan ko ngayon araw. Well, Tasia this is the Sampson's Publishing Company in front of you. This is the first time na nakita ko sa personal ang SPC lagi ko lang kasing nakikita o nababasa sa tv at internet ang tungkol sa sikat sa publishing book na ito. Well mukang maaga pa naman maglalakad lakad muna siguro ko. Hindi ko maiwasan mapagala ang aking paningin sa bawat sulok ng gusali. Sure ako napakayaman ng may ari ng kompanyang ito.

"Next, Ms. Maria Tasia Emily Villanueva! Please proceed to the main office!" Halos mapangiwi ako at mabingi sa sobrang lakas na sabi ng speaker. Pano ba naman kasi ilang pulgada lang ang layo ko sa napakalaking speaker nila. Dali dali akong naglakad't takbo. Chineck muna ng security guard ang bag ko ngunit diko mapigilang kabahan dahil sa dami kong nakikitang magaapply din.

"Eto ang ID number mo at floor ng main office, Nandito ka for applying sa writing department diba?" Tanong ni kuya guard

"Opo!" Nanginginig na tinanggap ko ang ID number at floor kung saan ako iinterviewin.

"Sana matanggap ka miss, mukang maraming gustong magapply ngayon siguro ubusan na ng trabaho no!?"

Halos pagpawisan ako sa sinabi ni kuyang guard. Dahil malamang tama siya dahil higit sa 100 ang mga taong narito mapa babae o lalaki talagang ninanais na makapasok sa isang sikat na publishing company lalo na sa SPC agency.

"My gosh! I can't believe this! Dream job ko to! Lalo na sabi sa nakalap kung impormasyon bago daw ang mamamahala ng company ngayon! Dahil dina daw kaya nila Mrs. and Mr. Simpson dahil daw sa katandaan pero ang diko lubos maisip sino ang papalit?" Bulong ng isang babaeng naka mini skirt na naka corporate attire.

"Oo nga! Ang alam ko kasi wala namang nababalitang may anak sila Mrs. at Mr. Simpson." Anaman ng babaeng naka corporate attire

"Well! Sure naman akong gwapo at mayaman ang papalit sa mag asawang yun! Dahil di naman sila kukuha ng papalit kung hindi mayaman,gwapo, at matalino!" Ani ni ateng nakamini skirt.

"Oo tama ka! Kaya dapat galingan mo para makapasok tayo! Malay mo ngayon dumating ang bagong CEO! Baka mabingwit natin!" Malanding sabi ni ateng naka corporate attire habang naglalagay ng red lipstick.

Napalunok ako at napatingin sa damit na suot ko nahiya ako nang bahagya dahil kumpara sa mini skirt at corporate attire nila na walang itutumbas sa suot kong white polo shirt na nakatuck in sa kupas na pantalon na may butas pang maliit sa tuhod. Hindi man lang ako nakapag lagay ng pulbos at liptint.

"Jusko naman Tasia dika man lang nagayos kahit onti!" Bulong ko.

Pero wala naman para sakin yun, Ang kaylangan ko ay matanggap ngayon para magkaroon ng maayos na buhay at marangal na trabaho.

Nang na hanap ko ang floor kung saan ang main office dina ko nagpatumpit-tumpit pa. Tinulak ko ang pinto at nakapasok nako sa loob. Maiihi yun ang naramdaman ko pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob ng main office. Dahil tanging tunog lang ng aircon at orasan ang naririnig ko. Pero nakakamangha ang lawak ng kwartong ito. Dahil sa pinagsamang kulay itim at grey na pintura ng pader, kulay gintong furniture, at higit sa lahat isang napakalaking bookshelf na punong-puno ng iba't-ibang libro.

"Ikaw ba si Miss. Maria Tasia Emily Villanueva?" Gulat akong napalingon sa lalaking tumawag sa pangalan ko.

"Opo! Ako nga po si Maria Tasia Emily Villanueva!" Pilit kong hindi pinahalatang nanginginig ang boses ko.

"Have a sit Miss. Villanueva!" Nakangiting sabi ng lalaking kausap ko at itinuro ang bakanting upuan sa harap ng isang kulay royal blueng lamesa.

Agad naman akong na upo at inayos ng bahagya ang aking buhok at onting pawis sa noo. Nagdasal ako sa isipan ko na sana matanggap ako at mabait ang magiinterview sakin pero base sa pinakikita ng lalaking ito mukang mabait naman siya.

HER SECRET AGENDA (Hiding Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon