Niloloko ko lang ang sarile! Niloloko ko lang ang nararamdaman ko! Dahil sobrang bigat na gugustuhin kona lang iiyak ang lahat. Ganito ba ang ibig sabihin ng pagmamahal? Ang sakit naman magmahal!
Nasasaktan ako dahil andito siya kasama si Kyline hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng sobra kahit wala naman silang ginagawa. Dahil bagay na bagay sila ni Fergie halos lahat ng andito sa cafe shiniship sila na may fans club na ang Ferline.
"Hoy! Tignan mo si Fergie kung makatingin kay Kyline akala mong mawawala!" kinikilig na sabi nung babaeng naka kulay blue dress.
"Kaya nga tapos kung makalapit akala mong may aagaw! Hays! Sana all" ani ng kasama niya.
"Girls, kung hindi rin sila magkakatuluyan magpapakamatay ako! Bagay na bagay sila parehas mayaman,gwapo/maganda,matalino at mabait." ani ni ateng nakakulay violet ang buhok.
"True ka girl! Kapag nalaman kong may umaaligid kay Fergie na ibang babae! Hindi ko siya titigilan habang hindi umaalis sa landas ng Fergie!" maarteng ani ni nung isang kasama nila.
Kaya mas lalo akong nasaktan. Grabe ang sakit kingina. Wala pa nga! May mga nagbabanta na! Kaya sabi sayo Tasia ikaw lang masasaktan.
"Tasia, table 7 daw may oorder!" sabi ni zarina. Kaya agad agad kong inayos ang sarile ko. Tss. Tasia ano ba nasa trabaho ko!
"Good day, Sir! can I get your order?" Magalang na ani ko.
"Sure miss beautiful" *wink* " I want 1 Caramel Macchiato, 2 Sandwich ang 1 Vegetable salad" nakangiti niyang ani. Tsk! Alam ko ganitong galawan muka siyang playboy sa itsura parang dahil gwapo niya.
"Noted sir!" magalang parin sa ani ko kahit parang gusto kona lang irapan.
Patalikod na sana ko ng bigla niya kong hinawakan sa kamay upang maiharap sa kanya.
"Miss, I'm Tyler Duke Smith, but you can call me babe!" patawa niyang sabi. Akala mo naman nakakatawa babe ka dyan lolo mo babe!
"Sir, mawalang galang na po nagtatrabaho ako dito na puno ng paggalang at kapayapan tapos po ganyan gagawin niyo?!" may diin sa bawat letra na binibitawan ko para malaman niyang naiinis nako sa ginagawa niya.
Wait! Tama ba rinig ko isa siyang Smith? So kapatid niya si Kyline? Well! Ano paki ko kahit pa nga gawin niyang kapatid ang presidente.
"Ang nangyayari dito?!" Isang galit na boretong boses na nanggagaling sa likod ko ang tumigil sa nakakamatay na tingin ko kay tyler the playboy.
"Bro! Whay the fu*k! Ngayon na ulit na kita ah! Long time no see!" lalapit na sana si tyler kay fergie pero biglang niya itong sinungtok .
"Don't you dare to touch what is mine!" agad niya kong hinila paalis sa cafe.
"Hoy! Masakit na kamay ko! Ano bang ginagawa mo! Baka mawalan ako ng trabaho dahil sa ginawa mo! Ano ba Fergie nasasaktan nako!" Halos nakukuha na namin ang atensyon ng lahat ng nasa parking lot.
"Tsk! Ano gusto mong gawin ko hayaan kang bastusin? Yun ba ang gusto mo? Kasama ba sa trabaho mo ang magpahawak n-" di niya natapos ang sasabihin niya dahil isang malakas ng sampal ang natanggap niya sakin.
Ang sakit! Dahil ayon ang tingin niya sakin! Na para akong isang bayaran na babae! Ang sakit sakit! Dahil sa bibig niya yun nanggaling! Ginawa ko naman na ipagtanggol sarile ko! At hindi ako ganon na babae.
"Wala kang karapan na pagsabihin ako ng ganyan! Wala kang karapan na pakielaman kung ano man ang gusto kong gawin! At higit sa lahat wala kang karapatan na kaladkarin ako palabas ng cafe. Dahil hindi naman kita boyfriend ano ano bang tang*na na tawag dun!" halos nanggigilid na ang luha ko dahil sa pinaghalong sakit at galit.
"Hindi naman sa ganon ang gusto kong sabihin an-"
"Tigilan mo nako hindi ko kaylangan ng eksplanasyon mo dahil wala ka namang dahil para gawin yun! Please lang Fergie lumayo kana lang dahil baka-" diko na naituloy ang sasabihin ko dahil diko na kayang pigilan yung puso para na kasing sasabog kung hindi ko iiiyak yung sakit at galit.
"Wag naman sana ganon Tasia concern lang ako dahil na kita kitang hindi komportable kay Tyler dahil alam ko kung ano ang gusto niya sayo! Concern ako dahil-" sinabunutan niya ang kanyang buhok at hindi tinuloy ang sasabihin niya.
"Oo alam kona mahirap lang ako! Kaya nga nagtatrabaho ako sa cafe diba?! Hindi ako ganon na babae Fergie! Hindi ako isang bayaran na babae! Oo mahirap ako wala akong pera na kasing rami na meron kayo! Hindi ako mayaman na kayang mag-aral kung saan mo gusto! Pero kahit hindi ako mayaman may prinsipyo akong tao! Wag mokong gawin tanga!" pinilit kong magpakatatag at sabihin lahat nun.
"Please lang Fergie lumayo kana lang! Please ayaw kita munang makita!" ani ko at agad na sumakay sa tricycle na dumaan sa labas ng cafe.
BINABASA MO ANG
HER SECRET AGENDA (Hiding Series 1)
RomanceMaria Tasia Emily Bonifacio-Villanueva is the eldest, strong, intelligent, and loving daughter. Dahil sa hirap ng buhay at maagang pagkaulila kinaylangan magtrabaho ni Tasia para sa kanilang magkapatid. Isang araw habang busy si Tasia ay hindi niya...