Part 16

118 3 0
                                    

Nagising ako sa isang malakas na paghughog sa akin balikat. Ang bigat ng pakiramdam ko na mas gugustuhin na matulog na lang buong maghapon.

"Ate ano bang nangyari sayo kahapon at nilagnag ka?!" tanong ni Stacey habang tinutulungan akong bumangon.

Ano nga bang ang dahilan kung bakit ako nilalagnat ngayon? Walanghiyang Fergie dahil sa kanya toh!

Muntik nakong maubo " Baka napagod lang ako dahil sa dami ng costumer kahapon!" halos hindi ako makatingin sa kapatid ko baka mabasa niya nasa isip ko.

"Saka ate nagtext si Kuya Fergie kahapon na dun ka natulog sa condo niya! Bakit hindi kan lang umuwi?!" sumisingkit na ani niya.

"Ahmm... Ka..si ano..." agad niyang pinutol ang sasabihin ko. "Nako ate! Ako nagsasabi sayo kawawa ka kapag na inlove ka dun!" ani niya.

Bigla akong nakaramdam ng mabigat sa aking dibdib. Oo alam ko kaya simula bukas iiwas nako. Dahil alam ko ako lang ang malulunod sa gagawin kong paglayag sa pag-ibig na ito.

Bigla kong sinabi. "Tskk! Tumigil ka nga tinulungan niya lang ako dahil nahimatay ako sa cafe kahapon!" pagsisinungaling ko. Dahil hindi naman niya alam na nagtatrabaho ako sa bar.

"Oh! siya ate pasok nako pinagluto na kita ng sabaw saka andun narin yung gamot mo!" ani na mabilis na tumayo at inayos ang uniform.

Agad akong tumango. "Oo ako na kaya kona sarile ko! Sige pumasok kana galingan mo para wala lagnat ko" patawang ani ko.

Lumipas ang buong maghapon na tanging magtulog at pagpapahinga ang ginawa ko. Nagtext narin ako kay Zarina na hindi ako makakaosok sa cafe ngayon dahil may sakit ako.

Nakatanggap ako ng isang mensahe.

From: Stacey panget.

Ate hindi ako makakauwi ngayon dahil need namin tapusin yung thesis na ginagawa namin dahil sa isang araw na ang pasahan nito. Don't you worry panay kami babae dito!
Magaling kana ba? Text back kapag nabasa moto! Love you te!

Haysss! Ano na yang bata nato. Pero wala akong magagawa dahil naiintindihan ko siya minsan narin akong nag overnight dahil sa paggawa ng thesis namin noon.

Kaya nagreply ako agad na magaling nako ng onti saka sabi ko mag ingat siya at galingan niya dahil hindi ko siya papapasukin sa bahay kapag hindi siya nakapasa.

Habang tumatawa ako dahil sa nireply ko isang katok ang narinig kong nanggagaling sa labas.

Akala ko ba mag oovernigth ai Stacey?

"Wait lang" pasigaw na ani ko.

Meron naman siyang susi ng bahay bakit kumakatok pa siya?

"Diba ma..." gulat ako pagtapos kong buksan ang pinto.

"So Zarina is right dito ka nga nakatira" ani niya habang nililibot ang mata sa loob ng apartment ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" gulangtang parin akong nakatingin sa kanya.

Nakasuot lang siya ng isang simpleng blue t-shirt at black maong short. Na mas kinapogi niya pa.

"Nagpunta ako kanina sa cafe at hindi kita kaya nagtanong ako kay Zarina kung bakit hindi pumasok and need she said na may lagnat ka kaya nagpunta ko dito!" ani niya.

Halos maputol ang paghinga ko ng bigla siyang tumingin sakin.

Ayan na naman! Ang lakas ng tibok ng puso ko! Jusko Tasia tigilan mo yan!

"Okay naman nako ngayon! Saka bakit kaoa pumunta rito?" ani ko nung naramdaman kong napatagal ata paniniting ko sa kanya.

"Nagdala ako ng pagkain! Saka ako naman ang naging dahilan ng pagkakasakit mo!" ani at bigla-bigla na lang pumasok sa loob.

Aba't loko toh ah! Patawa tawa pa! Oo ikaw yung dahil kaya dapat na alagaan moko! sabi ko sa isip ko na patawa tawa pa. Ano ba yan Tasia itigil mona yan!

NEXT CHAPTER SUPER SPG
READ AT YOUR OWN RISK😜

HER SECRET AGENDA (Hiding Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon