Nandito kami sa locker ni zarina upang magpalit ng uniform dahil diretso na kami sa orange cafe para magtrabaho.
Kaso mas nauna akong na tapos kay zarina kaya naisipan ko munang bumili ng skyflakes at mineral water para kainin habang naglalakad papunta mamaya sa cafe.
Napahinto ako sa paglalakad dahil na kita kong dumaan sa hallway ng gymnasium yung red na ducati kahapon or baka kamuka lang ng sasakyan ni kurimaw. Tsk! Kamusta na kaya yun? Hoy! Tasia itigil mo yan dapat galit ka!
Hindi parin ako nakakabili ng bagong cellphone dahil ayaw kong gastusin yung binigay na pera ni kurimaw dahil ang laki laki naman nun pang walang buwan na allowance kona katumbas nun.
Nagseserve nako ng mga orders sa table ko habang si zarina ay naglilinis sa counter dahil diko maasikaso pano ba naman kasi buong barangay ata yung kakain sa table 4 na toka ko ngayon ang dami nilang inorder. Well wala naman akong magagawa mas mabuti nga yun dahil baka mag bigay sila ng tip sakin mamaya.
"Hayssss! Sa wakas makakaupo na rin!" Pagod na umupo ako saglit sa counter dahil masakit na talaga ang mga binti't braso ko kakabalik sa table 4.
Ang dami ata naming costumer ngayon araw at karamihan dito ay taga Medieval Eastern University pa. Andito rin yung ibang kadance group ko pero mas marami nga lang ang kababaihan ngayon araw. Dahil kalimitan ang costumer namin is business man.
"Oh my gosh! Tama nga ang na sagap kong balita na dito sila magmemeeting." Ani ng taga MEU na kulay pink ang buhok.
"Ye! Right I told you!" Ani nung maarteng nagpapay-pay gamit ang kamay.
"You know girls I bet he is going to be mine!" Ani naman nung nasa gitna nila na parang siya ang leader.
Well pustura palang ng mga ito mukang mayayaman at maaarte na!
"Tasia, Table 5 ka muna sabi ni manager busy pako sa table 8 eh!" Sabi ni Ryle ka-worker ko.
"Oh sige!" Agad na sagot ko. Dali dali kung kinuha ang menu at memo ko at agad na pumunta sa table 5.
"Good day sir. welcome to orange cafe, my I take your order?" Magalang na ani ko. Diko pa nakikita ang costumer dahil busy ako sa pag-aayos ng memo para sa ioorder niya sinusulat ko ang table 5 at date ngayon.
"Ahmmm sir can I take your order!" Ani ko ulit dahil nakatingin lamang siya sakin at hindi nagsasalita. Ako na agad ang nag-iwas ng tingin at binigay sa kanya ang memo.
Dahil kapag sinuswerte ka nga naman Axl Fergie Aidan Versoza ang nakaupo sa table 5. Pero ang pinagtataka ko lang kung bakit ganito siya tumingin sakin kaya mas lalo akong naiilang dahil ang sasama ng tingin ng estudyante sakin.
Deputa pala kayo eh! Diko naman alam kung bakit ganito tingin natong kumag nato sakin wala naman akong pakeilam kung sino siya kaya diko na lang pinansin yung mga babaeng nanglilisik ang matang nakatingin sakin.
"Ahimmmm! 1 Americano and carrots cake please!" Ani niya.
"Noted sir! Yun lang po ba wala na kayong idadagdag pa?" Mabilis na sulat ko sa memo at baling sa kanya.
"Yes!" Mabilis na ani niya.
Kaya umalis nako agad doon at inihanda ang order niya.
Nang matapos kong gawin ay mabilis kong sinerve sa table 5 dahil diko na kayang magtagal pa dahil yung tingin ng mga babae sakin parang papatayin na nila ako. Mga tanga pala to eh! Nagtatrabaho ako rito di naman ako tulad nilang nag-aabang sa lalaking ito.
Malakas na tawanan ang narinig ko nung may dumating na bagong costumer at dumiretso sa table 5 kaya agad nakong naghanda ng menu at memo dahil toka kona ang table 5 sa araw na nito.
"Good day ma'am and sir! welcome to orange cafe, my I take your order?" Magalang na bati ko at agad na inabot ang menu.
Diko mapigilang lingunin si Fergie dahil ramdam ko ang tingin niya sakin. Nang magtama ang mata namin ay bigla siyang bumaling sa katabing babae.
Maganda ito naka crop top na pink na may tatak na LV at mini skirt, may kulay ash gray na mahabang buhok, maayos na kilay, matangos na ilong, at mapulang labi. Wala siyang masyadong koloreta sa muka hindi tulad ng kasama niyang mukang pupunta sa party. Mahinhin rin siya dahil tanging tango at maiikling sagot lang ang sinasabi niya.
Satingin ko mag jowa silang dalawa dahil kulang na lang halos ikandong na ni Fergie yung babae sa kanya.
Kaya hindi ko maiwasang tignan ang suot ko naka uniform ako ngayon meron akong mahabang buhok na aabot sa pwetan na kulay black, matangos rin ang ilong ko, at mapulang labi na kadalasang kinaiingitan ng iba dahil parang kylie jenner daw dahil sa hugis nito. At aaminin ko malaki ang hinaharap ko na nagbibigay ng magandang hubog sa aking katawan dahil sa manipis na bewang at may kalakihang pwetan.
"Miss I want 1 Café Latte and 2 sandwich." Ani ng lalaking naka kulay blue shirt.
"I want 1 Café Mocha and 1 vegetable salad" Sabi ng babaeng naka kulay red dress.
"I want 1 Alphonso Mango Milkshake, chocolate cake and 1 water." Sabi nung babaeng may kulay blue na buhok.
"Ako miss, I want your number!" Saad nung lalaking malapit sakin. Kaya agad kong napagmasdan ang itsura niya. Sa unang tingin playboy ito or maybe fuck boy.
"Sir?" Takang tanong ko kahit alam kona ang gusto nitong iparating hindi ako katulad ng mga babaeng magkakandarapa sayo.
"Wala joke lang yun baka mapatay ako di oras dito noh! Mahal ko pa buhay ko! I want Cafe Americano and cinnamon bread." Patawa niyang saad sabay sulyap kay Fergie.
BINABASA MO ANG
HER SECRET AGENDA (Hiding Series 1)
RomanceMaria Tasia Emily Bonifacio-Villanueva is the eldest, strong, intelligent, and loving daughter. Dahil sa hirap ng buhay at maagang pagkaulila kinaylangan magtrabaho ni Tasia para sa kanilang magkapatid. Isang araw habang busy si Tasia ay hindi niya...