Halos 9:30 PM na kaming nakapagsara ngayon dahil sa dami ng tao kanina. Diko narin napansin ang pag-alis nila Fergie dahil mas nauna akong nagpalit ng damit.
Habang nag-aayos ng gamit dito sa waiting shed nakatanggap ako ng isang tawag galing kay stacey.
"Hello! Bakit napatawag ka sta-" Diko na tapos ang sasabihin ko dahil sa balitang sinabi ni stacey.
"Ate si ta...tatay! Wala na siya ateeeee! Ate kaylangan ka namin ni nanay andito kami sa Urla National Hospital ngayon!" Halos diko na maintindihan ang sinasabi ni stacey dahil sa ingay ng ambulance at tao sa UN Hospital.
"Hello ate? Ate ano ba? Ate kaylangan ka namin dito? Nay-" Biglang namatay ang tawag ni stacey. At doon palang ako nagising sa ulirat.
Para akong tanga na humahagol-gol sa daan habang tumatakbo. Halos diko na makita ang daan at hindi kona rin alam kung tama ba itong daan na tinatahak ko. Naiwan kona ang bag at cellphone ko sa waiting shed dahil sa panghihina at pagmamadali na pumunta sa UN Hospital.
"Wag ngayon please! Lord please! Wag wag po ang mga magulang ko! Lahat gagawin ko wag mo lang kunin magulang ko!" Halos wala ng boses na lumalabas sa bibig ko dahil sa pagtakbo at pagiyak.
"Kingina naman asan na ba mga sasakyan dito?!" Pagod at galit ang nararamdaman ko habang palingalinga linga sa daanan.
Nakarating nako sa hospital pero huli na ang lahat. Wala na! Wala na sila nanay at tatay! Pano na kami?! Pano nako?! Pano na si stacey?! Diko kaya! Hindi ito pwede!Hindi ko ito matatanggap! Ayokong tignan! Ayokong pumasok sa loob nun! Bakit magulang ko pa?!
"Ate kay..langan mong pirmahan yung mga pa...peles para maasi..kaso na! Kaylangan ng dalin nila na-nay at tatay sa mor..ge!" Humihikbing sabi ng kapatid ko.
"Ayoko! Lalabas sila nanay at tatay dyan stacey diba?" Halos magmakaawa nako sa kapatid ko.
"Please po! Parang awa niyo na gagawin ko ang lahat buhayin niyo lang magulang ko!" Halos lumuhod nako sa harapan ng doctor at nurse.
Ilan araw na ang nakalipas ngunit hindi lumabas ng kwarto si Tasia mas pinili pa niyang magkulong at umiiyak buong maghapon. Pang apat na araw na ngayong nakaburol ang mga magulang niya. Ngunit hindi pa niya ito nakikita. Ayaw niya dahil hindi niya kayang tanggapin ang nangyari sa magulang niya.
Ayon sa nalaman niya binaril daw ang tatay niya dahil natagpuan nitong patay sa isang liblib na lugar malapit sa construction company na pinagtatrabahuhan nito na naging dahil ng atake sa puso ng kanilang ina na nauwi sa pagkamatay.
"Sorry! bunso kung ikaw lahat ang umaasikaso! dahil ako dapat ang gumagawa ng lahat ng yan pero hindi ko pa kasi matanggap eh!" Saad ni Tasia habang patuloy sa pag-agos ng kanyang mga luha.
BINABASA MO ANG
HER SECRET AGENDA (Hiding Series 1)
RomanceMaria Tasia Emily Bonifacio-Villanueva is the eldest, strong, intelligent, and loving daughter. Dahil sa hirap ng buhay at maagang pagkaulila kinaylangan magtrabaho ni Tasia para sa kanilang magkapatid. Isang araw habang busy si Tasia ay hindi niya...