Part 20

134 5 0
                                    

Halos 4 years na ang lumipas bakit ngayon pa, bakit dito pa. Matagal kung inihanda yung sarile at puso ko pero sa isang sulyap lahat ng sakit at hirap na dinanas ko lahat nun bumalik. Niloloko ko lang ang sarile ko na okay nako na nakalimutan kona siya.

Hindi ko pala siya kayang kalimutan siyang yung unang lalaking nagparamdam sakin ng tunay na pagmamahal, sa kanya ko naramdaman ang sobrang kaligayahan, dahil sa kanya meron akong isang Natasha.

Pero hindi ako papayag na makita at malaman mo na anak mo si Natasha handa akong makipagpatayan wag mo lang malaman na anak mo siya.

Dahil hindi ko kayang pati siya ay makuha mo, Hindi ako papayag na mapaikot mo ko ulit.

"Hoy! babaita kanina kapa dyan tulala, ah! Siguro crush mo si sir noh?" makahulugan na tingin ni Bianca sakin.

Andito kami sa canteen para kumain ng lunch.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan" agad akong umiwas ng tingin at kunwaring tumitingin ng sa menu.

"Well! Hindi naman kita masisi kanina nga parang nahulog na ang panty ko! Nung ngumiti siya!" malanding ani niya bahang kinakagat pa ang daliri.

"Hoy! Tumahimik ka Bianca kapag may nakarinig sayo at sinumpong ka bahala ka!" ani ko.

"Yun nga ang gusto ko eh! Ang tawagin niya ko!" pahampas niyan sabi habang tumitirik ang mata.

Oh! God! Please itong babae talaga na ito panay kalibugan ang alam.

"Tara na nga at umorder na tayo baka iba ang kainin ko mamaya!" makahulugan niyang ani at tinawag ang waiter.

Umorder lang ako ng vegetable salad dahil wala akong ganang ngumuya ngayon.

"Si ate diet! Uso kumain!" ani niya habang sumusubo ng steak.

Kaya agad ko aiyang singot. "Wala akong ganang kumain ngayon saka need kong magtipid malapit nangpumasok sa school si Natasha alam mona..."

"Ay! Oo nga pala malapit ng mag daycare si baby girl."

"Oo! Kaya kaylangan kong magtipid saka si Stacey malapitna rin mag 4th year sa college sure akong maraming gastusin! Hayss....."

"Alam mo te! Ikaw na! Buti hindi ka pumapanget! Jusko nakakahagard mga problema mo!" ani niya ng tumatawa.

"Well! may magagawa bako ako lang mag-isang nagtatrabaho"

"Bakit kasi hindi mona lang hanapin ang ama ni Natasha! Hello bubuntisin ka tapos tatakbuhan? Ano siya sinuswerte?" ani niya na parang siya yung may ank kay Natasha.

Tanging ngiti lang ang tinugon ko dahil wala akong masabi. Dahil kaynino ko sasabihin? Kay Fergie? Para saan? Eh mukang masaya naman na siya. Saka 4 years na ang nakalipas sure akong hindi maniniwaang anak niya si Natasha.

"Kaya ko namang buhayin ang anak ko! Hindi ko kaylangan ng tulong nun!" ani ko ng pagtapos na kaming kumain.

"Well! Sabi mo eh!" ani niya na naunang pumasok sa washroom.

Nasa waiting shed ako nag-aantay ng taxi. Ni hindi ko man lang siya na kitang lumabas sa office niya. Ano naman pakeilam ko diba?

"Mommy, kiss!" ani ng 4 years old na si natasha. Nakasuot na siya ng ternong panjama na may design na panda.

Agad ko siyang binuhat at hinalik.

"Bakit gising pa ang baby ko? Asan si tita Stacey mo baby?" ani ko habang buhat palakad si Natasha.

"Busy pa po si tita Stacey, rereview daw po siya eh!" ani niya habang humihikab.

"Hmmm! ang cute talaga ng baby ko. Osige! Punta kana sa kwarto natin bibihis lang si mommy! Okay!" pautos sa sabi ko sa anak ko bago dumiretso sa walking closet na may banyo na.

Lumipat kami dito 4 years ago. We are here in Manila dahil maraming opportunity dito na pasukan. Habang si Stacey naman ay nag-aaral ngayon sa Delivega Demanila University.

Nasa isang condominium kami nakatira na mas malaki, kumpara sa apartment namin noon. Meron siyang 4th floor kung saan kami nakapwesto mas pinili ko dito dahil para mas payapa at tahimik lalo na kapag nagsusulat ako ng article, story, at iba pang libro.

"Baby, bakit gising kapa?" tanong ko kay Natasha. "Because, I want you to read a story.... please... mommy!" lumapit ako sa kanya at kinuha ang The Three Little Pigs.

Tinabi kona ang libro dahil tulog na siya sa aking bisig.

"Wag ka munang lalaki anak ha! Dito ka muna kay mommy!" malungkot na ani ko.

Ayoko muna siyang lumaki dahil gusto kong ienjoy ang panahon ko habang na bubuhay pa. Dahil alam ko kapag nag kaedad na siya magkakaroon na siya ng sariling gusto, maaaring mag bago rin siya ng kaonti. Ayoko munang tumanda siya dahil kaylangan ko siya.

Siya ang dahilan kung bakit ako naging ganito. Dahil sa kanga natututo akong maging malakas, masikap, at magmahal ng walang hinihingin kapalit.

Hinalikan ni Tasia sa pisngi ng anak at inayos ang paghiga nito.

"Sorry baby if hindi ko pwedeng sabihin sayo kung sino ang ama mo, I want to protect you from him." bulong ko sa malungkot na boses.

Ayoko lang na masaktan ka kapag hindi ka niya tinanggap dahil baby ang ama mo ay may sariling pamilya. Ayoko kitang makitang husgahan dahil sa anak ka namin.

Lahat na saktan ako wag ka lang. Dahil hindi ko kakayanin yun, ikakamatay ko kapag may nanakit sayo...

HER SECRET AGENDA (Hiding Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon