Ilang buwan din ang nakalipas bago tuluyang naging normal sa dati ang lahat hindi parin ako sanay. Dahil sa bawar sulok ng bahay namin lagi kong naaalala ang lahat.
Kaya nagdesisyon akong lumipat ng bahay. Meron namang akong naging ipon dahil narin sa pagtatrabaho sa orange cafe. Mahabang paguusap ang namagitan samin ni Stacey bago ko siya napapayag dahil ayaw niyang umalis sa bahay namin. Dahil andun lahat ng alaala nila nanay at tatay.
Pero hindi ako magiging maayos kung patuloy akong kakainin ng lungkot at pighati ng pagkawala nila.
"Stacey naman sana maintindihan moko! Hindi naman natin ibebenta itong bahay ang gusto ko lang ay lumipat dahil hindi ko kayang tumira dito! Lahat na lang ng bawat sulok nito ay naaalala ko sina inay at itay kaya pano ako magiging maayos kung ganon?!" Halos magmakaawa nako kay Stacey para makalipat lang.
"Pero ate ayon na nga lang ang meron tayo eh! Tanging alaala nila inay! Bakit ayaw mo ba nun?!" Ani ni Stacey habang nanghigilid ang luha.
"Hindi naman sa ganon bunso, ang akin hindi ako magiging maayos kung mananatili ako dito! Hindi natin to ibebenta lagi natin itong bibisitahin at lilinisin."
Ilan oras rin ang lumipas at pagtatalo ang namagitan samin. Pero napapawag ko rin siya dahil kaylangan kotong gawin dahil kaylangan kong bumalik sa dati.
Nagstop ako ng senior high school dahil ilan exam, activities, at hindi narin ako naging active sa pagsayaw kaya nawala ako sa dean lister. Hindi ko kaya ang presyo ng tuition fee sa Medieval Eastern University kaya huminto ako para magtrabaho.
Halos wala nakong tulog dahil apat ang trabaho ko sa isang araw dahil kaylangan kong tustusan si Stacey sa pagaaral lalona't malapit na siyang magcollege.
5:00 palang ng umaga ay gumigising nako upang maghanda ng almusal at baon ni Stacey. Ginagayak ko narin ang mga paninda dahil 6:00 ng umaga ay naglalako nako ng kahit anong pagkain dito samin. Sa pagsapit naman ng 10:00 ng umaga ay gagayak nako upang pumasok sa restaurant na pinapasukan ko na matatapos ng 4:00 ng hapon. 5:30 ang bukas ng orange cafe kaya nakakapagpahinga naman ako ng ilang minuto. At panghuli ay 10:00 ng gabi nakapasok ako sa red club dahil sa tulong ni Zarina.
"Stacey gising na magaalasais na ng umaga!" Pasigaw na tawag ko kay Stacey. Dahil andito ko sa kusina habang nasa kwarto siya sa taas. Maliit na upahan lamang ang pinili ko dahil dalawa lang naman kami.
Andito kami nakatira sa Casiona Devela malayo layo sa Divina Eastern dahil dito lang ako nakahanap ng murang upahan at murang eskwelahan na pwedeng pasukan ni Stacey.
Maraming dorm dito dahil malapit lamang kami sa Gonzaga University kaya kinuha kona 3,000 a month libre na lahat kaya kinuha kona. Meron siyang maliit na harden sa harapan na pinagtataniman ko ng iba't-ibang gulay at halaman, pagpasok mo agad na bubungad sayo ang maliit na sala na merong tv, sofa,at maliit na lamesa sa gitna, kapag dumiretso ka naman ay agad mong makikita ang kitchen kung saan meron lamesa sa gitna at maliit na lababo, na may katabing cr. Meron rin itong second floor dahil andoon ang dalawang maliit na kwarto.
Inakyat kona si Stacey dahil hindu parin siya bumababa dahil baka malate siya sa first subject niya.
"Hoy! Babaita gumising kana dyan anong oras na oh!" Nuhoghog ko ng nihoghog si Stacey dahil tulog mantika oa naman ito.
"Hmmmmm! weigure?! Inaantok pa me eh!" Aba't nagkorea pa.
"Lintik kang bata ka kakak-drama mo yan gumising kana dyan dahil 5:20 ng umaga!" Sabay palo ko sa pwetan niya.
"Aray ko naman unnie!" Paarteng saad ni stacey habang hinahawakan ang pwetan niyang pinalo ko.
"Anong oras na bumangon kana dyan! Sabi kasing wag magpuyat sa gabi! Panay ka k-drama!" Pagalit ko
"Hindi ah! Nagreview ako kagabi noh!" Pasagot na ani ni stacey.
"Sige saan tungkol nireview mo?!" Tanong ko dahil alam kong nanoood lang to kagabi eh!
"Haysss! Ate alam mo arat na kumain! Dami mong sinasabi baka malate nako, Bahala ka ikaw idadahilan ko!" Agad agad na takbo ni Stacey papuntang kusina.
Aba't lokong bata to ah! Ako pa ang naging dahilan ng pagkapuyat niya.
BINABASA MO ANG
HER SECRET AGENDA (Hiding Series 1)
Storie d'amoreMaria Tasia Emily Bonifacio-Villanueva is the eldest, strong, intelligent, and loving daughter. Dahil sa hirap ng buhay at maagang pagkaulila kinaylangan magtrabaho ni Tasia para sa kanilang magkapatid. Isang araw habang busy si Tasia ay hindi niya...