Part 21

130 3 0
                                    

"Hi, Good morning, Tasia" napasapo ako sa noo ko. Here we go again. Tyler Smith! Tama siya yung lalaki sa cafe 4 years ago. Hindi ko naman alam na dito rin siya nagtatrabaho.

"Good morning din panget!" patawa kong ani. Yes! We are friend's right now, dahil nilinaw niya namn sakin na hindi niya ko type noon. Niloloko lang niya ko dahil, gusto lang daw niya. Oh! Diba gago to eh!

"Bakit ka naman andito sa department namin ha?!" tanong ko habang nagtatype.

Kumamot siya sa ulo. "I need your help, may event na dapat akong e-attend dahil alam mo naman sila mommy!"

"Oh! Bakit mo sakin sinasabi yan! Wala akong paki kahit buong mag damag ka mag party!" yun lang pala sasabihin bakit pati sakin sinasabi.

"Well I need your help nga! Dahil need ko ng partner that night! Eh ikaw lang naman babae kong friend kaya you know.." pakamot-kamoy sa ulo na ano niya.

Aba't bakit ako? Hindi naman ako nagpaparty saka busy ako. "Hoy! Wag ako I'm busy, need kona matapos to ipapublish nato next week!"

"One night lang naman, please ayokong mag partner ng ibang babae! Arte hindi ka naman yummy!" kaya agad akong tumayo para sabunutan siya.

"Oh! Hindi naman pala ako yummy eh ba't ako ginugulo mo! Saka dika rin yummy noh!" patawa kong sabi.

Kaya nakasimangot siyang tumingin sakin. Ang hayop nagpapapuppy eyes pa.

"Ewww! Hoy! Oo na sige na! Sige payag nako, Kaso wala akong isusuot." ani ko habang kumakamot sa batok.

"Don't you worry girl, ako na bahala bukas dadalin kona" biglang masaya niyang ani.

Kaya na pangiti na rin siya. Dahil naiintindihan ko kung bakit ako ang gusto niyang maging kapartner. Kami lang ni Bianca ang nakakaalam ng tinatago niyang serkreto.

Malakas na pagsara ng pintuan ang nakaagaw ng pansin namin ni Tyler habang nagtatawanan.

And he is here Fergie our CEO. His head tilted and his piercing eyes dragger on me. Wala naman akong ginagawang masama ah! Sundutin ko mata mo eh.

"So alam mona palang andito na siya?" kaya agad akong napalingon kay Tyler. "Obviously, diba dahil nasa harap natin" wag moko ngayon birunin babaita ka baka sayo ko mabuhos galit ko.

"Easy girl, hindi naman ako siya kung makatingin ka parang papatay lang?!" imbes na matuwa mas lalo lang akong nainis. "Tumahimik kana lang babae!" ani ko kaya bigla siyang tumawa.

Oo as in halos kulang na lang gumulong na siya sa lapag. Kaya halos lahat ng tao sa department namin ay nakatingin samin even Fergie.

"Tumigil kana bakla nakatingin na lahat satin" kurot ko sa tagliran niya. Gigil na gigil nako sa baklang to eh!

"Ika..w na...man kasi! Wait lang ang sakit ng tiyan ko...." ani niya habang nakahawak sa tyan. "Sana habang buhay na yang sakit mo sa tyan" patawa kong tugon.

"Are you done talking?" malalamim at maotoridad na boses niya.

Kaya bigla kaming sumeryoso ni Tyler. "Shuta ka talaga kapag ako natanggal ikaw bubuhay samin" bulong ko kay Tayler.

"Alis nako baka mapagalitan pako nito! Goodluck sismars!" ani niya pa habang paalis. Ang galing nagawa niya pang batiin si Fergie kahit gusto na itong patayin gamit ang tingin.

"We have an early meeting today about the article in murdered 5 years ago. I want all of you to come in conference room emediately." He said. And leave na parang walang nangyari.

Ang galing ganon lang yun! Grabe ang laki na ng pinagbago mo.

Pagod akong nag-aantay dito sa waiting shed dahil wala pang taxi.

5 years ago the murder about my father. Halos matulala ako buong meeting dahil ang tatay ko ang pinaguusapan namin. Ni isa sa kanila hindi kilala na ako ang anak ni tatay.

Nais ni Fergie na gumawa ng article about kung paanong pinatay ang tatay ko dahil may lumalabas na fake news daw about the connection ng Simpson sa krimen. Totoo naman na sila ang may kasalanan kung bakit nawala si tatay. Ang kapal ng muka niyang iassign ako na magsulat ng kasinungalingan.

Ganyan ka ba talaga Fergie! Ganyan ka kawalang puso! Nagagawin mo ang lahat matakasan lang yung krimen na ginawa mo?

Pagod nako! Pagod nakong intindihan ka....

HER SECRET AGENDA (Hiding Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon