Part 1

245 5 0
                                    

Hoy! babaita baka tumulo laway mo dyan ha!" Sabi ni Zarina habang hawak hawak ang menu ng coffee shop na pinagtatrabahuhan namin.

"Ito naman kitang nagpapahinga yung tao epal kaba!?" Pagod ako galing sa eskwela dahil nagpractice kami kanina. Isa akong myembro ng dance group sa school namin dahil dun lang naman ako may passion at kinakailangan namin yun lalo na ngayong grade 10 para na rin makakuha ng insentive at hindi matanggal sa dean lister yun ang patakaraan sa Medieval Eastern University kung saan ako nagaaral.

"Tumayo kana dyan kapag tayo naabutan ni manager patay na naman tayo dun! Baka sabihin nun hindi tayo nagtatrabho ng mabuti at baka matanggal pa tayo di oras!" Matinis na saad ni estella.

Tamad akong tumayo at inayos ang aking uniform na kulay orange t-shirt na may tatak na Orange Cafe sa likod at black slack. Higit isang buwan narin akong nagtatrabaho dito pinasok lamang ako ni estella dito dahil kaylangan ko talaga ng trabaho lalo na't malapit na akong magcollege kaylangan kong mag ipon ng pangtuition alam kong nagtatabi sila inay at itay ng pera ngunit mas okay nang may experience sa iba't-ibang trabaho para maiapply sa future. Saka kaya ko pa naman imanage ang oras at panahon ko sa pagaaral, pagsasayaw, at pagtatrabaho.

Dali dali akong pumunta sa nakaassingn na table para sakin.

"Good morning ma'am and sir! Can I take your order?" Magalang na ani ko sa mag asawa.

"1 Americano, 1 Iced hazelnut coffee, and two cinnamon bread." Ani ni ma'am na nakasuot ng yellow floral dress habang nakatingin sa menu.

Mabilis kong isunulat sa aking memo ang kanilang order at agad nagpunta sa counter upang gawin ang order nila. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako ang gumagawa ng order nila? Sa orange cafe kasi toka-toka kaya kada table mo ikaw lahat gagawa. Nang matapos kong maihanda ang order nila agad ko itong niserve.

Habang nagaatay ng costumer binubuklat ko ang ginawanag reviewer kanina dahil may test pa kami sa science bukas ng alas otso ng umaga.

Alas nuebe na ng gabi kami na tapos dahil naglinis pa kami sa orange cafe kaya kung minamalas ka nga naman oo! Umulan pa halos wala ng tricycle na dumaraan sa waiting shed malapit sa cafe.

"Hays! Ano ba yan mababasa ang mga gamit ko sa bag!" Naiinis na sabi ko habang pilit na isinisiksik sa gilid ang bag ko. Dahil mas importante ang laman ng bag ko kahit sa sarile ko. Mas okay ng mabasa ako kahit sa mga notes at mga papel na sinulat ko.

Tumitila na ang ulan kaya dali dali kong kinuha sa bulsa ng aking slack ang panyong ipangpupunas ko sa aking braso at bag. Patapos na kong magpunas sa aking bag ng may biglang bumusina sa harap ko. Dahil sa gulat naihagis ko ang bag ko sa bahang bahagi ng daan.

Makakapatay ako! Walangyang sino ba ang lintik na kingina bumusina sa harap ko. Dali dali kong pinulot ang bag ko.

"Mamaya ka saking kingina ka kung sino ka man papatayin kita!" Nanggagaliit na bulong ko.

"Sorry miss! Gusto ko lang naman magtanong kung saan pwedeng dumaan papuntang Medieval Eastern University!" Ani niya. Wala akong pakeilam kung sino man siya or saan siya pupunta ang gusto ko ay patayin siya.

Kaya pagkatapos kong makuha at macheck ang loob ng aking bag hindi naman nabasa yung mga importanteng papel ko ngunit yung cellphone kong di-keypad na nga lang ay nahulog sa bag kaya ayon nabasag at nabasa.

Mabilis kong sinugod ang lalaking bumusina sakin diko makita ang kanyang muka dahil nakahelmet siya at nakaover all black na suot! Tsk! Kingina gangster bato?

"Alam mo kung gusto mong mamatay ako na papatay sayo!" Siguro kung makikita ko lang ang muka ko ngayon pulang pula na ito.

"Sorry miss! Diko naman alam na magugulatin ka pala?" Patawa tawa niyang saad habang kumakamot sa helmet.

"Parang gago ata to! Sino bang taong hindi magugulat alas nuena na ng gabi at nagiisa ka sa daan tapos biglang may bubusina sayo! Kingina ka!" Halos ilabas ko lahat ng hangin sa baga ko habang sinasabi yun.

Huminga muna ko ng malalamin at binalingan ang lalaking nasa harapan ko.

"Oh! Ba't hindi ka magsalita!? Dahil napagtanto mo yung katangahan na ginawa mo dahil sayo nasira cellphone ko di-keypad na nga lang sinira mo pa! Swerte ko kung yung mga importanteng bagay yung nabasa at nasira mo paoatayin talaga kita ng buhay!" Gigil na gigil nako sa lalaki nato ah! Parang walang naririnig nakaestatwa lang siya sa harapan.

Para siyang matatae na diko mawari may gusto siyang sabihin pero di niya masabi. Kaya nagulat ako nung hinubad niya yung jacket niya. Aba't gago toh!

"Hoo-" Diko na tapos ang sasabihin ko dahil bigla niyang inabot sakin ang kanyang jacket. Gulat at pagkalito ang naramdaman ko dahil bakit niya sakin ibibigay jacket niya? Aanhin koto?

"Ahmmm uhmmm miss. nakikita ko black bra mo" Halos bulong na lang na ani niya. Agad kong tinignan ang suot kong white shirt at tama siya bakat na bakat ang bra ko kaya bigla kong kinuha at isinuot ang jacket niya.

Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa.

"Ahm miss sorry talaga kong nagulat kita at nasira ko ang cellphone mo promise papalitan kona lang yan." Mahinahon na ani niya.

Dun lang ata bumalik sa wisyo ang utak ko. Ayaw kona sanang papalitan yung cellphone ko pero kaylangan ko talaga yun saka siya naman yung may kasalanan kung bakit nasira yun.

"Abay! dapat lang noh!" Mataray na ani ko. Kaya bigla siyang natawa hindi lang tawa sobrang tawang tawa siya. Akala ata nito nakikipagbiruan ako.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko? Oo alam kong di-keypad lang ang cellphone ko kaya bakit ganon kaimportante diba? Pero kaylangan ko yun wala akong perang ipangbibili ng bagong cellphone!" Pinilit kung maging mataray kahit naaawa nako sa sarile ko.

Oo nga naman bakit ba galit na galit ako eh di-keypad na cellphone lang yun hindi naman yun katulad ng mga new version ng android.

"Ah! Shit! Lagot!" Ani niya.

Mabilis niyang inabot sakin ang calling card at isang maliit na envelop bago humarurot ng takbo ang kanyang red ducati.

HER SECRET AGENDA (Hiding Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon