Ate Emily gising na po! Pinapabangon kana po ni inay diyan at papasok na tayo." Ani ng nakababatang kapatid ni Tasia.
Pinilit ni Tasia na imulat ang mga mata ngunit parang ang bigat ng mga ito. At sobrang lamig rin ng nararamdama niya para siyang nasa south korea.
Ilan minuto ang lumipas ngunit di parin bumabagon si Tasia kaya sinabi ito ng kanyang kapatid. Dali daling nagpunta ang nanay ni Tasia sa kwarto nito dahil malapit ng mag ala-syete at baka malate ito sa klase.
"Tasia gising na! Aba't anong oras na ah! Sabi kasi sayong wag ka ng magtrabaho sa orange cafe eh! Baka pinapagod mo sarile mo!" Pagalit na sabi ni inay. Lalo lang sumasakit ulo ko sa kakabunganga ni inay.
"Inay ang sakit po kasi ng ulo ko baka po dahil naulanan ako kagabi!" Nanglalambot na ani ko kay inay.
Dali daling kumuha si Aling Marites ng palanggang puno ng tubig at bimpo, nagdala na rin siya ng pagkain at gamot upang guminhawa ang pakiramdam ng kanyang anak. Hindi mapigilan maawa ni Aling Marites sa kanyang anak dahil bukod sa pagaaral ay nagtatrabaho na ito sa murang edad. Pilit naman nilang pinagsasabihin ito na wag na magtrabaho ngunit sadyang matigas ang ulo ni Tasia kaya wala silang magawang mag asawa kundi suportayan ang anak.
Nagising akong punong puno ng pawis. Mukang gumaan na rin ang pakiramdam ko ngayon. Buti na lang talaga at andyan si inay dahil siguro akong kung wala sila diko alam kung saan kami pupulutin at anong mangyayari samin ni Stacey.
Dali dali akong bumangon at nagshower ng katawan at lumabas sa aming kwarto. Maliit lamang ang aming tahanan na may harden sa harapan. Gawa sa pinaghalong semento at kahoy ang ginawang pundasyon ng pader at bubong na may kalawang na. Kapag kabukas mo sa pintuan makikita mo agad ang aming sala na merong isang supa at dalawang maliit na supang gawa sa kahoy. Wala kaming tv at tanging radio na bigay lamang ng aming kapitbahay ang nakukuhanan namin ng impormasyon tungkol sa balita. Ilan lakad lang ay matatanaw mona rin ang aming kusina king saan merong isang lamesa kung saan pwedeng maghanda ng mga rekados pang ulam at kainan. Meron rin itong maliit na lababong yari sa kahoy at isang gripo. At panghuli sa kanan bahagi ng aming bahay ay meron dalawang kwarto. Sa unang kwarto ay doon nakapwesto sila inay at itay at sa pangalawa naman ay samin ni Stacey.
"Oh! Anak gising kana pala maayos naba ang pakiramdam mo?" Mahinayong saad ni inay habang naghahanda ng ulam para sa hapunan.
"Opo nay! Magaling ata ang nurse ko!" Masayang sabi ko at niyakap ito sa likod. Diko mapigilang maluha dahil sa sobra sobrang pagmamahal na natatanggal ko sa kanila ni itay. Sobrang swerte namin ni Stacey dahil kahit kapos sa pera ay binigyan kami ng dalawang magulang na sobrang mapagmahal,mabait, at maalagain.
"Oh! Sya tawagin mona si Stacey at handa na ang hapunan." Pautos na saad ni inay.
"Eh! Diba natin hihintayin si itay?" Patanong na ani ko. Napapansin ko lately lagi ng gabi umuuwi si itay galing sa construction company na pinapasukan niya. Kaya ginugusto kong magtrabaho para makabawas gastusin sa kanila.
"Gagabihin yun! Dahil malapit ng matapos ang ginagawa nilang publishing company." Tugon ni inay. Kaya sinunod kona lang ang utos niyang tawagin si Stacey.
Alas syete na ng gabi nung na tapos kaming kumain ako na ang nagpresintang maghugas ng aming pinagkainan ayaw lumayag ni inay ngunit dahil mas makulit at matigas ang ulo ko napapayag ko siya. Pano naman kasi buong mag hapon akong nakatulog dahil narin siguro sa pagod at ulan kahapon.
Habang naghuhugas ng pinggan hindi maalis sa isipan ko ang imahe ng lalaking nakasira ng cellphone ko. Alam ko sa pustura palang nito ay mayaman at makapangyarihan siya. Lalo na dahil sa ninigay niya sakin envelope na naglalaman ng 20 thousand pesos. Sa una saya yyng naramdaman ko dahil ngayon lang ako nakahawak ng ganon kalaking pera pero napagtanto kona sobra naman ata yung 20 thousand para sa di-keypad na cellphone.
Isipang diko maalis sa akin isipan ang nakasulat sa calling card na binigay ni kurimaw. Yung na ang itatawag ko sa kanya ngayon. Masayang sabi ko sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
HER SECRET AGENDA (Hiding Series 1)
Storie d'amoreMaria Tasia Emily Bonifacio-Villanueva is the eldest, strong, intelligent, and loving daughter. Dahil sa hirap ng buhay at maagang pagkaulila kinaylangan magtrabaho ni Tasia para sa kanilang magkapatid. Isang araw habang busy si Tasia ay hindi niya...