Chapter 3

541 26 0
                                    

"Walanghiya ka! Eto pala yung pakakasalan mo?"

"Ilang taon na kayo?"

"Sabi mo ikakasal na 'tong si fafa?" Sunod sunod na tanong ng mga kaibigan ko. Masama ang tingin nilang lahat sa akin. Ngumiting painosente lang ako, "Close na pala kayo?"

"Sumagot ka!" Sabay-sabay na saad nila kaya't napangiwi ako. Natawa lang si Nate na yakap ang bewang ko. Hinalikan niya ang leeg ko kaya nanigas ako habang nagsitilian naman ang mga kaibigan ko. Hinarap ko si Nate, "Para saan yun?"

Bumulong siya, "To give them a show. Sige na ikaw na bahala sa mga nagwawala mong kaibigan at pupuntahan ko yung akin." Saka niya hinalikan ang pisngi ko. Tumango lang ako.

"Sigurado ka bang hindi mo mahal 'yun? Mukhang mahal mo naman ah." Napailing ako. "Ako ang unang makakaalam kung mahal ko man siya. I'll try though, tutal kasal na naman kami." Nakangiting saad ko.

"Pero di nga siya yung bartender diba?" Tanong ni Leann tumango ako, "Oo siya yun. Naghahanap yun ng chix kaya nagbartender sa bar ng kaibigan niya."

"At pinayagan mo?" Tanong ni Cams. Natawa naman ako, "Oo. Ako rin naman naghahanap ng pogi nun e." Saka ako kumindat.

"Ilang taon na pala kayong engaged? Bakit di namin siya fully nakilala hanggang ngayon?" Natahimik ako at napatingin sa kapatid ni Nate nakasama namin ngayon. Tumango ako bilang senyas na siya ang sumagot, "Arranged marriage sila." Nanlaki ang mga mata nila at napailing naman si Cams.

"Mayaman problems. I feel you friend." Aniya at nakipag-apir. Napatawa naman ako.

"Kaya pala may paadvice advice pang nalalaman, nakakarelate pala kay Cams," umirap ako kay Leann ng pabiro.

"Che!" Ani ko, "Iba naman yung kay Cams, months lang bago nila nalaman na sila samantalang ako ilang taon na kami. Naalala niyo yung engagement nina Kirby at Sen?" Tumango sila.

"So yun, kaya ako naginom ng grabe nun dahil yun din yung time na nalaman kong engaged na pala kami." Napasinghap si Tine.

"That was what? Three or Four years ago?" Tanong niya. Tumango naman ako, "Yeah."

Ang dami nang nangyari at hindi man lang nila nalaman.

"Pero sabi mo ikakasal na siya?" Tumango ako, "Oo nga. Ikakasal na siya, sa akin." Nabatukan pa nila ako ng wala sa oras.

"Puntahan ko muna yung ibang bisita." Paalam ko at iniwan na sila.

"Oy mga bruha!" Natawa naman sila at inasar ako, "Wala na, naigapos ka na di na tayo makakapagboy hunting." Ani Megan at sumandal sa bokalista niyang boyfriend. Natawa ako, "Maniwala kayo dun. Papayag yun." Saka ako kumindat.

"Aba boy hunting pala inaatupag ninyo ha?" Ani Zylen, ang boyfriend ni Megan. Natawa naman ako.

"Hoy wife anong boy hunting 'yong naririnig ko?" Ani ng bagong boses natawa naman ang mga kaibigan ko, "Ayan na ang fafa mo besh. Igagapos ka na raw sa kama." Saad ni Sasha at niyakap ang mahinhin niyang boyfriend na si Joey.

"Gapos ka jan. Ano 'to fifty shades?" Tanong ko at mas napalakas naman ang tawanan nila.

"Pwede rin, wife. Salamat sa idea!" Ani Nate kay Sasha na mas kinalakas ng tawa nila. Binatukan ko siya, 'Loko-loko!"

"Sige na magsolo na kayo at slow dance na daw!" Ani Megan at tinulak ako papalayo. "Ganyanan! Ibibigay mo nalang ako sa manyak na'to?"

"Oo."

"Demonyita!" Sigaw ko habang natatawa.

Hinila naman ako ni Nate sa bewang, "Oh pano ba 'to, solo na naman kita?" Aniya.

Nagkunware akong malungkot, "Oo nga e. Hay, sawa na ako sa mukha mo."

"Ako rin."

"Hiwalay na kaya tayo?" Yaya ko ng pabiro. Tumawa naman siya, "Yoko nga. Di ka makakatakas sa akin ng ganun lang ano."

Pinaikot niya ako bago bumalik ulit sa pagsasayaw. "Andito ba yung lalaking mahal mo?" Tanong niya. Nanigas naman ako bago umiling. "Wala."

"Nics--"

"Diba sabi ko ayoko siyang pag-usapan? Maganda ang mood natin Nate wag mo sirain, pakiusap." Napabuntong hininga siya bago tumango, "Sorry."

"And now, for the request of the majority of the guests, a performance from the bride and groom." Nagkatinginan kami bago natawa. "Siya nalang! Wala akong talent!" Ani Nate na nagpatawa sa guests.

"Trust me guys, maganda ang mood wag niyo pakantahin si Nate!" Pagsusulsol ko pa na ikinatawa nila.

"Aray naman wife." Aniya at hinawakan ang dibdib niya.

"At inano kita?"

"Sinaktan mo ang pagkalalaki ko." Tumaas ang kilay ko, "Sigurado ka?" May meaning na tanong ko. Humalakhak naman siya, "Ang green mo ha?" Aniya habang natatawa. Natawa nalang din ako.

"Pero di nga, pakantahin niyo si Nicole. The man who can't be move, pero gawin mong girl ang man at he ang she." Pabiro ko siyang sinamaan ang tingin.

"Kaninong theme song mo yan, at ipapakanta mo sa akin?" Pabirong saad ko na nagpatawa sa kanya, "Si wife naman selos agad. Sige na kumanta ka na."

"What ever." Lumapit siya kay daddy na may dalang gitara at kinuha ito. "Sabayan kita." Saad niya at kumindat.

Nagstrum siya at nagsimulang tumunog. Kanina ko pa hindi masabi pero ako ang may naaalala sa kantang 'yan. Napalunok ako. Ano ba Nicole, past is past.

"Going back to the corner
Where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag,
I'm not gonna move." Pagsisimula niya at alam kong cue ko na 'yon para sumunod.

"Got some words on cardboard,
Got your picture in my hand
Saying, 'If you see this boy,
Could you tell him where I am?"

"Some try to hand me money,
They don't understand
I'm not broke,
I'm just a broken heartedman." Kanta ni Nathan. Napangiti ako, alam kong maganda talaga ang boses niya ewan ko ba't tinatago niya.

"'Cause if one day you'll wake up
And find that you're missing me,
And your heart starts to wonder
Where on this earth I could be

Thinking maybe you'll come back
Into the place where we meet
And you see me waiting for you,
At the corner of the street

'Cause I'm not moving
I'm not moving
Oh, oh oh" tinapos na namin ang kanta. Nagpalakpakan naman sila habang nanatili ako sa sarili kong mundo.

Am I really not moving? Or do I even want to?

Napatingin ako kay Nate na nakangiting nakatingin sa akin. Nakapag-isip isip na ako, it's time that I try. I'll try to move.

Heels and Sneakers ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon