"Nicole Perez--" natigilan ako sa pagsasalita, "Uh, Dela Cruz, speaking." Pagpapatuloy ko. Hindi pa rin talaga ako sanay na tawagin na Dela Cruz ang sarili ko.
"I see. You're my brother's wife, then?" Isang baritonong boses ang sumagot sa kabilang linya. Muntik ko ng maihulog ang cellphone ko. Napaayos ako ng upo. What?
"Nigel?" Pagkukumpirma ko. Natawa naman siya.
"Yes. Oh so you know me." Napataas ang kilay ko. May sapak ba 'to sa ulo? Malamang kilala ko siya. Kapatid siya ng asawa ko.
"Syempre. Kapatid ka ni Nate. Kapatid ka ng asawa ko. And besides nakukwento ka niya sa akin." Pagpapaliwanag ko, "But that's not my point. Why did you call me. I know of you but I don't know you personally for us to have this conversation."
"It's simple, really. Just do tell my brother I'm coming home." Saka namatay ang tawag.
**
Kumakain kami ni Nate ng hapunan ng biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ng kapatid niya. "Nate?"
"Yeah?"
"Your brother called." Napatigil siya sa pagkain and I immediately regretted that I told him that news while eating. Mukhang ganado pa naman siyang kumain. Damn it, Nicole. Ang daldal talaga ng bibig mo!
"Nigel? Why would he call you?" Nakakunot ang noong tanong niya.
"Yun din ang hindi ko alam pero pinapasabi niya na he's coming home." Mas kumunot pa ang noo niya, if that's even possible, dahil sa narinig. Hindi ko talaga alam ang totoong nangyari sa kanilang magkapatid pero halata namang naguguluhan si Nate. I know part of him is happy that his brother is coming home but a small part of his brain hates it because he'll be back to being the second choice.
"Nate? Are you okay?" Tanong ko ng tumayo siya. Nilingon niya lang ako saglig bago nginitian ng pilit at umalis. Nagsisi tuloy akong ginambala ko ang pagkain niya. Psychology ang course ko nung college at tinuro sa amin ang behavior ng mga tao pero may pagkakataon talaga na insensitive ako.
Napabuntong hininga ako at inayos nalang ang pinagkainan namin. Nawalan na rin ako ng gana kaya't nilinis ko nalang.
Pagkarating sa kwarto ay nakita kong nanunuod si Nate ng tv pero alam kong wala doon ang focus niya dahil tagusan ang tingin niya sa tv. Umupo ako sa tabi niya. I fought the urge to hug him.
"All my life, Nigel was the best son and I was the black sheep."
Muntikan ng malaglag ang panga ko. Nagkwento siya. Talagang nagkukwento siya. Dati pag napupunta sa kapatid niya ang topic, it's either iniiwas niya ang topic o hindi talaga siya sumasagot. But now...
"He was everyone's favorite. Loved by everyone because of his good traits. But when he eloped with his girlfriend after he heard the news about the two of you being arranged, they all put the blame on me. Saying it was my fault why Nigel ran away."
"But it's not, Nate. Don't let those comments bother you."
Nilingon niya ako at tinitigan sa mata. Punong-puno ng emosyon ang mga mata niya at hindi ko alam kung anong nangyari pero pakiramdam ko I'm drawn to his eyes.
Unti unti siyang lumapit sa akin, "You keep on making me feel like I'm worth it, Nicole. Why do you keep on doing that?" Bulong niya.
"Nate, we're supposed to be talking." Mahinang anas ko.
He should be letting his heart out. I want him to show his emotions. I know what he's doing right now. He's distracting me and it's working.
"Should we really?"
**
Pagdilat ng mga mata ko ay nakaamoy ako ng sigarilyo. Alam ko na agad na si Nate yun at naninigarilyo sa veranda. Ginagawa niya lang iyon kapag stressed out siya. I hate it pero wala akong magawa minsan dahil ang tigas ng ulo niya.
Kinuha ko ang robe ko na nakapatong sa sofa dito sa kwarto namin at sinuot ito. Tahimik akong naglakad at tumabi sa kanya. Nakatingin siya sa malayo pero alam kong alam niyang nandito ako sa tabi niya.
"Something wrong?" Tanong niya sa akin.
I chuckled at the irony, "I should be the one asking you that question. After all, ikaw itong gumising ng madaling araw para lang manigarilyo hindi ba?" Nakita kong ngumisi siya bago pinatay ang sigarilyo.
"Go back to sleep. I'll just brush my teeth tapos susunod ako." Aniya at hinalikan ako sa noo. Napatingin ako sa kanya habang naglalakad papunta sa banyo. He's bothered dahil sa sinabi ko at dahil dun naba-bother na rin ako. Hindi ako sanay na ganito siya kaseryoso dahil the Nate I know is very playful. Unlike this Nathaniel. I don't know this guy.
Napatingin ako sa labas. Or maybe I still don't know him after all? Maybe all I knew was the playful side? Ang bahagi niya na pinapakita niya upang pagtakpan ang insecurities niya sa katawan at sa kapatid niya?
Lumabas siya ng banyo habang nagpupunas ng mukha at nakita akong nakatitig sa kanya. Ngumisi siya, the same smirk he used to give me.
"I'm not one of your patients, wife. Stop looking at me like I'm some kind of a lunatic." aniya at inakbayan ako.
Hindi nalang ako nagsalita at sumandal nalang sa dibdib niya. Makikinig ako kung magkukwento siya. I won't force it out of him. If he wants to talk about it, I'll listen.
BINABASA MO ANG
Heels and Sneakers ✅
General Fiction[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #6: Cassandra Nicole She should've owned him the same way he owned her. Mind, body and soul. But she knows some things aren't meant to be. She knew he was only hers temporarily. ------------ Last Installment of PDA...