Chapter 25

331 11 0
                                    

Chapter 25


Maaga akong nagising ngayon. Nabanggit sa akin ni mommy na ngayon ang simula ng enrollment sa grade 1, pwede na rin naman siguro dahil mag fa-five na rin naman siya. Balak ko sanang ienroll si Jacobo, so that he will start to feel that he's part of the society and will start to open up.

Nung isang araw pa ako nakauwi mula sa ospital. I had a mild concussion and just had to rest. Nalaman na rin ng mga magulang namin ang tungkol kay Jacobo at sa sitwasyon namin ngayon.

My father was adamant about us leaving this house and staying with them pero nakisuyo naman sila Papa Chase na ayusin nalang namin ang relasyon namin. He also suggested na dito nalang kami magsi-stay. Medyo nagkainitan pa si daddy at papa Chase pero napigilan naman sila nila mommy at mama.

I also don't believe that it will be a good thing for Jacobo to live in a very unfamiliar environment. Ayos na naman kami ni Jacob dito, lalo na at narito naman si Nate na siyang pinaka kinakagaanan ng loob ni Jacobo.

Kahit pa ba malapit na sa akin kahit papano si Jacobo, hindi naman maikakaila na may mga pagkakataon na si Nate ang gusto niyang makasama. He's such a daddy's boy.

Hindi pa rin lumalapit sa ibang babae si Jacobo but he has no problems naman kapag lalaki, mapa-matanda o bata, ang kumausap sa kanya. Seems like my son really developed genophobia or fear of women. Sana lang ay malagpasan niya ito.

Pagkatapos kong magluto ng agahan namin ay dumiretso ako sa kwarto ni Jacobo. Nakita kong natutulog pa siya. Napansin ko rin ang mga children's book sa tabi niya. Ang alam ko ay tinuturuan siya ni Nate magbasa, minsan naman ay ako kaso nga lang ay mas kumportable siya kung si Nate ang magtuturo sa kanya kaya taga-abot nalang ako ng snacks nila.

Lumapit ako sa study table ni Jacob at inayos ang nakakalat na mga libro bago inilagay ng maayos sa tabi.

"Ang aga mo naman," saad ng isang boses sa likod ko.

Nilingon ko si Nate na nakasandal sa may pintuan. Ngumiti ako, "May breakfast na sa table. Kumain ka na at pumasok. May lalakarin kami ni Jacob."

Lumapit naman siya sa anak namin. "Saan kayo pupunta?"

Lumapit na rin ako at tinitigan si Jacob, ganto pala kapag may anak kana ano? Hinding hindi ka magsasawa sa pagmumukha niya kahit ilang beses ko na siyang tinititigan. Hindi parin ako makapaniwala na may isang poging bata na nanggaling sa akin.  Napatingin naman ako kay Nate na nakangiti ng bahagya. Namin. Anak namin.

"Plano ko sana siyang ienroll. Tatry ko lang naman pero kung ayaw niya, pwede naman siyang i-homeschool. Ang mahalaga makapasok siya."

Tumango naman ito, "I'll come with you. Pwede naman akong umabsent e."

Umiling ako. "Hindi na kailangan. I'll text you-" napatigil ako at napangiwi ng bahagya. I don't have my husband's number. How awkward can this be? Nagpalit kasi ako ng number pagkatapos ng nangyari at hindi naman kami nagkaroon ng pagkakataon para magpalitan ulit ng number.

Natawa naman siya at mukhang alam kung bakit ako napatigil. Inabot niya sa akin ang cellphone niya. Tiningnan ko lang siya at ang cellphone niya kaya nagkibit balikat siya. "Save your number. The password is Jacobo's birthday. January 28."

Kinuha ko naman ng tahimik ang cellphone niya at nakita na ang wallpaper niya ay ako at si Jacob. Nakakalong sa akin ang bata at nakatingin kami sa isa't isa. May kung ano namang humaplos sa puso ko sa nakita ko. He took a picture pala.

Pinagwalang bahala ko yun and entered my number bago miniscall ang phone kong nasa room. "Ayun, done." sabi ko saka inabot sa aknya ang phone niya with my number na hindi pa nakasave.

Heels and Sneakers ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon