Chapter 20
Nagising ako ng makaramdam ng lamig. Medyo masakit din ang ulo ko. Bigla kong naalala ang nangyari kaya napabangon ako mula sa pagkakahiga na siyang nagpasikip lalo sa dibdib ko. Parang nabigla ata.
"Lie down. Wag mong biglain ang pagbangon mo at baka mahulog ka." napalingon ako sa nagsalita. It was Nathaniel.
Paano nangyari 'yon? Si Nigel ang kasama ko kanina. "What happened?" tanong ko. After I saw the results I remember blacking out. After that I don't remember what happened because I was not aware anymore.
"Pauwi na sana kami ni Jako ng marinig namin ang tilian sa office mo. I rushed back to you because I had a bad feeling. Nagulat nalang ako ng karga karga kana ni Nigel na walang malay. You were so pale I thought..." di nito natuloy ang sasabihin at napalunok.
Hindi niya na kailangang tapusin ang gustong sabihin. He thought I died or something, I guess. He knows I had a heart problem at siguro inisip niya na dahil na naman iyon sa kaniya.
Bigla kong naalala ang resulta ng DNA test na binabasa ko kanina bago ako magcollapse. Jacobo is alive. And he is with his father.
Biglang sumama ang tingin ko kay Nate. "Masaya bang paglaruan ako?" malamig na tanong ko rito.
Umakto si Nate na para bang hindi niya ako naiintindihan but he can't fool me. I know that result was legit. I knew the doctor who tested us. At walang mapapala ang mga tao doon kung dadayain man nila iyon.
"What are you talking about?"
Kumuyom ang palad ko and I started to shake. "My son... Alam mo ba kung gaano ako katagal nawalan ng patutunguhan sa buhay ng malaman kong nawala ang anak ko? Alam mo ba na walang araw na hiniling ko na sana ako nalang ang nawala at di ang anak ko?" nanginginig ang boses ko habang nagsasalita.
Nanatiling nakatitig sa akin si Nate. Naiinis ako sa kanya. Bakit nagmamang maangan pa siya? Alam ko namang alam niya ang nangyayaring ito.
"Nawalan ng saysay ang buhay ko ng mahigit four years. Tapos malalaman kong buhay pala ang anak ko? Tapos malalaman kong ginawa mo sa akin 'to? Ibalik mo ang anak ko sa akin, Nathaniel!" sigaw ko.
Napatayo si Nate, "What kind of sick joke is this? Buhay ang anak natin? What the hell are you talking about?"
"Give me back my Jacobo!"
Napatigil naman siya at saglit na tumitig sa akin. Muling umiling iling siya at pagak na natawa, "You've got to be kidding me." aniya at tila nanghihina na napaupo.
Nate isn't actually stupid. Mabilis rin siyang makapick up at sa reaksyon niya alam niya na kung ano talaga ang nangyayari.
"Paano... Ano?" di niya matuloy tuloy ang sasabihin.
Ako naman ngayon ang nagtaka. Hindi ba't kaya nasa kanya ang anak ko ay dahil kinuha niya ito sa akin? Hindi ba't kagagawan nila kung bakit ako nagdusa ng ilang taon sa paniniwala na patay na ang anak kong iningatan ko ng ilang buwan sa aking sinapupunan?
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Nigel na may dalang plastic na parang pagkain. Napansin nito agad ang tensyon sa pagitan namin ng kapatid niya. Pinakalma niya agad kami.
"Last week, I had Nicole and Jako tested. At kanina lang lumabas ang resulta. Nauna ko iyong basahin dahil malakas ang kutob ko. When I saw it, agad akong pumunta sayo para kunin si Jako. Not just for the therapy but to see his mom." anito na parang kumumpirma sa nabasa ko at sa naiisip ni Nate.
Their Jacobo is my Jacobo. Hindi ko alam kung papaano nangyari ang ganun at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Lalo akong nagalit ng maalala ko ang kalagayan ngayon ng anak ko. Hindi makalapit sa babae, kahit sa akin. Hindi marunong magsulat. Dapat grade one na ito or kahit sana kinder man lang pero mukhang hindi nila pinag-aral.
BINABASA MO ANG
Heels and Sneakers ✅
General Fiction[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #6: Cassandra Nicole She should've owned him the same way he owned her. Mind, body and soul. But she knows some things aren't meant to be. She knew he was only hers temporarily. ------------ Last Installment of PDA...