Chapter 27
"Danica, you bitch!" hindi na napigilan na magmura ng marinig ko ang sinabi ni Danica sa phone.
Sinagot niya lang ang pagmumura ko ng nakakarinding tawa. Crazy! Lunatic!
Ngayon ko napatunayan na siraulo talaga si Danica. Baliw na siya at hindi ligtas ang anak ko sa kanya. She used my son's trust in her to take him away and to harm him. I can't let that happen.
"Cussing is bad you know?" halakhak niya. Nakarinig ako ng kaluskos sa kabilang linya. Parang tunog ng damit na nilulukot. I had a very bad feeling.
"Hey baby, do you wanna come with mama? Or you wanna go back to mommy?" rinig kong tanong ni Danica. Medyo malayo na ang boses niya sa speaker.
"Jacob! Jacob! Anak!" pilit kong pinapakalma ang boses ko at tinatawag ang anak ko, "Bakit bigla kang nawala, baby? Hinahanap ka ni mommy. Halika na? Balik kana dito, nak."
"You said you'll take me t-to m-mommy..." rinig ko ang boses ni Jacob sa kabilang linya. Punom-puno ng takot ang boses niya. Nakagat ko ang labi ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Nate.
My son is scared. I have to take him back.
"Oh, did I?" tanong ni Danica at humalakhak muli na para bang nakakatawa ang lahat ng nangyayari sa paligid niya.
Iginaya ako ni Nate palabas ng kainan dahil marami ng nakatingin sa amin at kinausap ng staff si daddy at papa Chase. Dahil siguro sa commotion na dulot namin.
"Hey, Nicole! If you want your son back ibalik mo sa akin si Nate." saad ni Danica.
Nagkatinginan kami ni Nate sa isa't isa. Ibalik si Nate sa kanya?
"Kailan pa ako naging sa'yo, Danica? I'm not your toy." malamig na saad ni Nate.
"You're mine! You're my man! And you're not allowed to be with another girl! Magpapakamatay ako!"
"Nicole's my wife. Pinagbigyan na kita pati na ang pamilya mo noon. Not again." sabi ni Nate. Nakita kong lumapit si Nigel at may pinakita sa kanya. Tumango naman si Nate at tinapik si Nigel. I can see the gratitude in his eyes. Natigilan si Nigel sa ekspresyon ng mata ni Nate, probably not expecting gratitude from his brother who hated him since day one.
"Is that so?" malamig ang boses ni Danica, "Then expect to meet your son's corpse!"
"No! Danica wag mong sasaktan si Jacobo! Nathan, do something! Yung anak ko! Yung anak ko!" nagwawala na ako.
"I know you're tracking my location pero kaya mo bang abutan ang anak mo ng buhay?" nang-uuyam ang boses ni Danica. Nakarinig ako ng tubig sa kabilang linya. Parang tunog ng bagay na nahulog sa tubig. Bago niya pinatay ang tawag.
"No! Nate papatayin niya ang anak ko! Kasalanan niyo 'to! Pinabayaan niyo si Jacob!" sigaw ko. Nakit ko namang napayuko si mama pero di ko na siya pinansin. Niyakap naman ako ni mommy at pinakalma, reminding me of my baby.
"My hindi ko kakayanin pag nawala si Jacob sa akin. Hindi ko na kakayanin. Ngayon ko lang ulit siya nakasama pagkatapos ng ilang taon, hindi ko kakayanin pag nawala siya sa akin. My, hindi ko kakayanin. Hanapin natin siya." hagulhol ko lang ang maririnig sa buong parking lot.
"I got their location! Tara na, dad!" sigaw ni Nigel at nagmamadaling sumakay sa sasakyan niya. Tiningnan lang ako ni Nate bago sumunod sa kapatid niya sa sasakyan.
Halos gumapang naman ako papunta sa sasakyan ni Daddy at akay akay ko ni mommy. Wala kaming imik lahat dahil alam namin kung gaano kaseryoso ang nangyayari ngayon. Nasa bingit ng kamatayan ang anak ko at hindi ko man lang siya mapuntahan.
"Dad please," iyak ko, "pakibilisan, dad. Kailangan nating maabutan si Jacob. Hindi ko alam kung anong ginawa ng babaeng 'yon sa anak ko."
Wala na akong maintindihan sa paligid ko at iyak lang ako ng iyak. I have never been this weak. Kahit nung lokohin ako ni Nate, I never felt like this. Helpless. Na para bang may mga hindi makitang gapos ang mga kamay ko at hindi ako makagalaw. Nakikipag karera ako sa kamatayan dahil hindi ko sigurado ang kaligtasan ng anak ko.
Nakarating kami sa isang lumang pier na hindi ganun ka layo sa kinainan namin. Hindi ko sigurado kung hindi ba talaga ito ganoon ka layo o mabilis lang nagpatakbo ang daddy kaya nakarating kami. Nauna ang sasakyan nila Nigel dito at sumunod ang sasakyan namin pati ang sasakyan nila papa.
Nakarinig ako ng tili mula kay mama at nakita ko nalang si Nate na tumalon sa madilim na tubig ng pier. "Nate!"
"Si Jacobo! Nasa ilalim ng tubig si Jacobo!"
BINABASA MO ANG
Heels and Sneakers ✅
Ficción General[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #6: Cassandra Nicole She should've owned him the same way he owned her. Mind, body and soul. But she knows some things aren't meant to be. She knew he was only hers temporarily. ------------ Last Installment of PDA...