Chapter 15

566 26 8
                                    

"Nicole... wake up. Please," 

"Bes, gising na parang awa mo naman." 

"Nic...kailangan ka pa namin..."

**

"Doc akala ko ba okay ang naging operasyon? Doc she's still critical. Hindi namin kakayanin kung pati siya mawawala." 

"We did our best but it's her body that's not responding... I'm sorry."

**

Nakatayo ako sa isang hardin. That's weird dahil wala naman akong naalalang hardin na ganito ka ganda. Very peaceful. 

"Mama!" 

Nakangiting nilingon ko ang boses. Isang batang lalaki. My Jacobo? Bakit ang laki mo na agad? 

"Mama, I love you! Please come back?" ani Jacob at biglang umiyak. Parang hinahati ang dibdib ko kaya't niyakap ko siya pero wala akong nahawakan. Ng tingnan ko siya ulit ay wala na siya. Andito parin ako sa hardin pero ako nalang mag-isa. 

"Jacobo? Jacobo! Anak nasaan ka?" sigaw ko pero parang walang nakakarinig. 

"Please... ayokong mag-isa..." 

**

Malamig. Yan ang una kong napansin. Sinubukan kong gumalaw pero masakit. Tuyong-tuyo rin ang lalamunan ko at hindi ko alam kung bakit. Parang tumambay ako sa disyerto ng sampung araw. 

"Nicole?" I heard somebody asked. Gusto kong idilat ang mga mata ko pero parang nasisilaw ako sa mga ilaw kaya't nahihirapan ako.

"Call the doctor!"

"Oo, teka lang!"

"Nicole? Please open your eyes. Gising na. Ang tagal mo ng natutulog dyan." Her voice broke. Tingin ko I'm still a bit disoriented kaya di ko mapag-sino ang may-ari ng boses pero kilalang kilala ko ang boses nayon.

"Mrs. Dela Cruz, this is your doctor can you open your eyes? Slowly. No rush."

I tried. And tried. And tried. And I succeeded in opening my eyes. Ang bumungad sakin ay ang di pamilyar na mukha ng isang doktor na babae na nakangiti sakin, sumunod ay ang mukha ng mga magulang ko. Ang mommy ko na umiiyak at ang daddy ko na naluluha. The next are my friends, pati sila umiiyak. And Nigel. May partikular na mukhang hinahanap ang mga mata ko. Pero wala siya. Hindi ko siya nakita. Nakaramdam ako ng disappointment.

Sunod na dumapo ang tingin ko sa tyan kong halos impis na. And there I remembered everything.

"W-Where's my baby?" Mahinang tanong ko. Hirap akong magsalita dahil parang tuyot na tuyot ang lalamunan ko. Pinainom ako ng tubig ng nurse pero napansin kong wala paring nagsasalita sa kanila.

"Mom? Dad? Guys? Nasaan ang anak ko?" Kinakabahan na ako sa hindi nila pagsagot.

"Anak, I'm sorry..."

Yun palang ang sinabi ni mommy pero pakiramdam ko nawalan na ako ng hininga.

Umiling iling ako habang tumatawa ng pagak, "You have to be kidding me please wag naman ganitong biro. Nasaan na ang anak ko? Nasaan si Jacobo? Nanganak na ako diba?"

"Oo, Nics. Nanganak ka na pero. . ." Di maituloy si Sen ang sinasabi dahil naiiyak na siya.

"I think we should let her doctor speak." Sabi ni Nigel na ngayon lang umimik.

Tumingin ang doctor sa mga magulang ko. Like asking for a confirmation at tumango naman ang mga magulang ko bilang pagsang-ayon.

"You see, Nicole. You've been in coma for three weeks." She started and the way she speaks to me was as if she was speaking to a child. I'm no child. Ang daming paliguy-ligoy. I just want my son and get this over with bakit ba pinapaikot ikot nila ako?

"Where's my son, doc? Please wag niyo na akong paikot-ikutin."

"You lost the baby, Nicole. His heart was so weak he didn't survive. Idagdag mo pa na premature sya. 8 months is very critical compared sa 7 months." Marami pa siyang sinabi pero walang ibang nagregister sa utak ko.

'You lost the baby, Nicole'

"No..." Umiling iling ako. Nagsimula ko ng maramdaman ang pagtulo ng mga luha ko. "No. No! Sinungaling kayo!"

I screamed. And screamed. As if it will lessen the pain. The pain of a mother losing her child. Pero hindi. Kahit magwala ako dito ngayon at basagin ang lahat ng gamit dito hindi na maibabalik ang anak ko.

Naghinala ako kanina ng hindi nila ako agad sinagot pero ayokong maniwala sa hinala ko. Kasi kahit ganon, alam ko sa loob ko. Buhay ang anak ko. At hinahanap niya na ako. Hindi pwedeng mangyari to. Alam kong buhay siya.

"Buhay siya. Please. . . Stop lying to me. Ibigay niyo na siya sakin. Please." Paghihisterikal ko pero walang gumalaw sa kanila.

"Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko 'to. I deserve to die!" Hinablot ko ang dextrose ko. I felt the pain and saw the blood dripping from my hand but the slight tug of pain in my hand can't be compared to the pain in my heart.

"Tranquilize her." Utos ng doktor. Pero nagwawala ako. Bakit ba nila ako pinipigilan eh hindi naman sila ang nawalan. Hindi nila maiintindihan ang sakit. Knowing na paggising ko wala na ang anak ko.

I felt a prick on my skin at maya maya ay nakaramdam na ako na parang di ko na control ang sarili ko. They might have controlled my actions pero di nila mahahawakan ang damdamin ko. At kahit galit ako sa sarili ko, mas galit ako sa isang partikular na tao.

Kasalanan nya ang lahat ng ito. Kasalanan niya kung bakit namatay ang anak ko. At sisiguraduhin kong hindi lang ako ang mahihirapan. Sila ring dalawa.

Yung ang nasa isipan ko bago ako tuluyang nilamon ng gamot na itinurok sa akin.

---------------------------

It's been a while. Medyo nahihirapan na ako ituloy ang mga stories ko. At mukhang mapapatagal bago ko ito masundan ulit pero salamat kasi nagbabasa parin kayo. Marami lang talagang nagyayari sa akin sa labas ng wattpad. Medyo hindi na ganon ka buhay ang pagkahilig ko sa pagsusulat. I'll find my inspiration someday pero sa ngayon, on hold muna lahat ng stories ko. Salamat sa pagbabasa. I'll update when I can, if I can. =)

Heels and Sneakers ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon