Chapter 29
"Alam mo ba? Galing ako sa check up kanina tapos sabi nila sa akin lalaki na naman daw ulit ang baby natin. Grabe ka, Nate! Dapat pagkagising mo babae na naman ha. Nakakadalawa ka na ng lalaki sakin." Sabi ko kay Nate habang pinupunasan ang katawan niya.
Matindi ang ipinayat ni Nate simula ng ma-coma siya. Pero hindi ko naman siya pinapabayaan at umaasa parin akong magigising siya. I know he won't leave us. Kahit gaano katagal ang abutin ayos lang sa akin.
It's been almost 5 months mula ng ma-coma siya. Halatang halata na rin ang tiyan ko dahil 6 months na ito. Ngayon lamang ako nakapagpacheck ng gender ng anak namin. Iniisip ko kasi kung gusto ko ba ng surpresa pero hindi ko rin naman matiis.
"Miss na miss na kita. Kailan ka ba gigising?" Bulong ko dito bago hinalikan ang noo niya.
"Miss na miss ka na rin ng anak mo. Mukhang okay naman siya Nate. Kaso nagkaroon siya ng trauma sa mga babae at sa tubig. Ako lang ang babaeng kaya niyang lapitan. Kahit sila mommy ay hindi niya malapitan." Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang anak kong si Jacob.
Kahit pa pumapasok na ito ngayon ay hindi maikakailang matindi ang distansya nito sa mga kaedad nitong bata. Lalo na kapag kasama niya ang mga anak ng kaibigan ko. Buti na nga lang at may mga anak na lalaki ang mga kaibigan ko. Kung wala ay baka wala ng makausap si Jacobo.
"Nakakulong na rin pala si Danica, mahal ko." Nakangiting saad ko rito. "You should be thankful to your brother. Mukha na siyang ermitanyo ngayon para lang masolve ang kaso mo."
"Geez! Thanks for the compliment, Nics!" Saad ng kakapasok lamang na si Nigel. Umupo ito saka inilapag ang bag sa lamesa sa tabi nito. "God! I'm so damn tired." Saka ito umob-ob sa naturang lamesa.
Saglit akong umalis sa tabi ni Nate at itinabi ang bimpo na pinampupunas ko sa kaniya para bigyan ng unan si Nigel. "Dun kana mahina sa watcher's bed. Eto unan kukuha akong kumot na extra sa nurse station."
Umiling naman si Nigel at winasiwas ang kamay bago tinanggap ang unan. "Kahit wala ng kumot etong unan nalang. Itutulog ko muna talaga 'to at napakasakit na ng ulo ko," hindi na ito nagantay pa ng sasabihin ko at tila patay na natutulog agad ito ng mapalapat ang likod sa kama.
Nigel, he's... complicated. Hindi ko alam kung ano talaga ang trabaho niya at kung bakit matindi ang connection niya. Malaking sindikato ang nasa pamilya ni Danica pero nalaman niya iyon at nagawan niya ng paraan na mapakulong ito.
Pero alam ko na may mga bagay na mas maigi pang hindi ko nalang alamin. Being observant and sensitive has always been my talent. Kung ayaw sabihin ng isang tao ang sikreto niya ay hindi dapat pinipilit. It doesn't work that way. Isa pa kung tama ang hinala ko na delikado ang trabaho ni Nigel ay hindi niya rin gugustuhin na malaman ko pa ito lalo na at kagagaling lang namin ng isang sakuna at hindi pa kami nakakalagpas.
What you don't know won't hurt you, ika nga. The less I know the better. Pero baka rin masyado lamang akong nagiisip ng kung anu-ano. Baka naman ako lang ang nagiimagine na delikado ang trabaho niya ngunit hindi naman talaga.
It's just that this brother-in-law of mine seems like an enigma. May mga pagkakataon na tila ba kilalang kilala mo na siya pero may mga pangyayari naman na papatunayan na mali ang iniisip mo. Madalas palabiro ito pero batid kong malalim ang pagkatao niya. I just know it.
Napailing iling na lamang ako at itinuloy ang pagkuha ng kumot sa nurse station saka ito ipinatong kay Nigel. It's the least I can do sa tulong niya at sakripisyo para kay Nate. Although, alam kong maaaring magselos si Nate kapag nalaman niya kung gaano ako kabait sa kuya niya.
Bumalik naman agad ako sa tabi ni Nate. "You're missing a lot, husband. Kailangan mo na gumising."
**
"Push, misis!" Sabi ng doktor sa akin. Agad naman akong umire. Hirap na hirap ako sa pag-ire dahil nagiinarte ang anak ko at ayaw lumabas.
"Misis kapag hindi siya lumabas ngayon mapipilitan kaming i-caesarian section ka." Ani ng doktor.
Napailing naman ako. Hindi ako pwedeng mag CS dahil hindi ko maalagaan ng maayos si Nate at ang mga bata kapag may tahi akong puproblemahin.
Anak naman bakit katigasan ng ulo ang minana mo sa tatay mo?
Sinubukan ko pa uling umire. Namamasa na ang gilid ng mga mata ko. I felt lonely all of a sudden. Silently wishing na sana nandito si Nate kaso ang magaling na asawa ko ay nakaratay parin.
"I can see the head! Push pa misis. Hingang malalim. Yan. Now, push!"
Halos mabingi ako sa sarili kong sigaw. Nakarinig ako ng iyak ng bata pero nanlalabo na ang paningin ko.
"Doc bumababa na ang heart rate ng pasiyente!" Naramdaman kong nagpanic sila. Kinakausap ako ng doctor pero hindi ko na sila maintindihan hanggang sa hinayaan ko nalang na lamunin na ako ng dilim.
Nate.
-----------
Last chapter na susunod.
BINABASA MO ANG
Heels and Sneakers ✅
Ficción General[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #6: Cassandra Nicole She should've owned him the same way he owned her. Mind, body and soul. But she knows some things aren't meant to be. She knew he was only hers temporarily. ------------ Last Installment of PDA...