Chapter 16
Tuloy ang pag ikot ng mundo. Araw araw may namamatay. Araw araw may nadidisgrasya. Araw araw may lumuluha pero kahit ganoon alam ng lahat na tuloy parin ang pagikot ng mundo at hangga't buhay ang tao, kahit ano pa man ang danasin niya ay iikot at iikot parin ang mundo.
Kahit saan ako lumingon ay kitang kita ko ang pagkabusy ng mga tao. I sipped on my glass of brandy and stared down at the busy life of these people. They're all busy and nobody notices me. Sabagay, dulong dulo nga naman ang pwesto ko.
It's been four years since I lost my child. And that four years passed like a blur to me. I still mourn for my Jacob. Ang nakakainsulto pa, that damn asshole and his bitch named their kid Jacobo, too. Nagwala ako nung malaman ko yun. Hindi pwede na ang anak ko ay namatay at sa kanila ay nabuhay. In the first place kasalanan nila kung bakit napaanak ako ng wala sa oras.
Galit na galit ako sa kanila as much as galit na galit ako sa sarili ko. That's why as a revenge, hindi ko pinirmahan ang annulment na pinadala sa akin ni Danica at Nate. Gusto kong mahiya sila na makita ng ibang tao na magkasama. Gusto kong makilala si Danica bilang kabit. Gusto kong masira ang buhay ng anak nila at nilang dalawa mismo sa pagsasama nila.
Hindi ako nagpapakita sa kanila kahit nandito lang ako sa Pilipinas. Contrary to what they thought na nasa ibang bansa ako. Naghahanap ng tyempo na makita sila para ipamukha sa kanila at sa mundong ginagalawan nila ang sikreto nila.
“Nicole,” I turned my head to Nigel, the one who called me and smiled a bit.
"Hey there. How's life?" bati ko sa kanya at nagpatuloy sa pag-inom. Nakatitig lang ang lalaki sa akin at saka nag order ng sarili niyang inumin. Walang imikan sa pagitan namin.
I'm not that close with Nigel, we're not even in any kind of relationship. He just feels guilty for what his asshole of a brother did to me. So every once in a while, nagkikita kami at nagiinuman. He still treats me as his sister-in-law.
"How's your brother?" tanong ko pagkatapos kong mangamusta sa kanya. Tinitigan niya muna ako at ngumisi.
"Still the same."
Nalukot ang mukha ko sa narinig. Hindi yun ang gusto ko. Ayokong masaya siya sa buhay niya. Gusto kong sira din ang buhay niya kagaya ng nangyari sa buhay ko. I've become bitter to the world tapos siya isang self-proclaimed family man? My ass.
Tinitigan ako ni Nigel bago may inabot na picture. Isang picture ng bata. Ang anak ni Nate at Danica. Lalong nalukot ang mukha ko. Walang ginawang masama sa akin ang bata pero naiinis ako habang nakatingin dito. Hindi ko rin kayang tawagin sa pangalan ang anak nila sa pangalan nito. Kapag ginawa ko 'yon parang sinasaksak ko ang sarili ko. They used my baby's name for their bastard.
"Aanhin ko' yan?" masungit kong tanong.
"That's their kid," anito. "He looks exactly like my brother when he was younger."
Nagsisikip ang dibdib ko habang nakikinig kaya tumayo na ako. "If you're here to talk about their bastard kid, then feel free to talk to yourself because I'm not interested." saka akmang aalis na.
"I visited the kid, Nics. And I found something unusual." sabi ni Nigel. I noticed he was upset about something. Ayaw ko man makinig, I got curious. Curiosity kills the cat.
Hindi ako nagsalita pero bumalik ako sa pagkakaupo, signaling Nigel to continue talking.
"The kid was pretty much aloof but that's not all," uminom siya at medyo pabagsak na ibinaba ang baso. "The kid's got bruises in his arms, Nics. Lots of it."
To say na nagulat ako would be an understatement. Nate hurts his kid?
"I know what you are thinking but that's not the work of my brother. He wouldn't hurt his kid. Danica on the other hand..." umiling ito na parang di makapaniwala.
"You specialized with kids before right? You were a psychologist before, right?" dagdag pa ni Nigel.
Kumunot ang noo ko at nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung bakit niya sinasabi sakin ito. "Don't tell me you want me to do something about their child? Are you kidding me?"
"I really feel like something is wrong in that house. Nate doesn't go home quite often and the only one that's left to tend to the Jako is his mother and the nannies." mahabang paliwanag ni Nate.
I understand kung ano ang gusto niyang mangyari. Pero hindi porket naiintindihan ko ay gagawin ko na. Responsibilidad yon ng mga magulang. Bakit ako makikialam? And besides wala akong pakialam sa nangyayari sa kanila. Wala na akong pakialam sa problema nila, ang gusto ko lang mangyari ay kumalat ang totoo at mawalan sila ng mukha sa business world kung saan umiikot ang buhay nilang dalawa.
Hindi ko gustong umako ng responsibilidad ng may responsibilidad. And gusto ko para sa kanila ay dagdagan ang problema nila. That's the least I could do for myself and my son na pinatay nila.
Nilingon ko ang litrato sa lamesa at tinitigan ang mukha ng batang lalaking tila nakatingin ng may blangkong ekspresyon sa akin.
Sorry, kid. Kung hindi mo lang sana magulang ang mga magulang mo ngayon...
BINABASA MO ANG
Heels and Sneakers ✅
General Fiction[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #6: Cassandra Nicole She should've owned him the same way he owned her. Mind, body and soul. But she knows some things aren't meant to be. She knew he was only hers temporarily. ------------ Last Installment of PDA...