Chapter 2

702 27 0
                                    

Chapter 2

"You said waited. So ibig sabihin hindi na?" I laughed at tumango, "Of course. I'm not that stupid para mag-antay sa taong di alam na andito ako. My parents raised me to be wise. And besides, he's now happily married." mahabang lintanya ko. Tumango naman siya at napatitig sa likod ko.

Naramdaman ko namang may tao, "Is that the reason why you agreed to this arrangement?" natigilan ako sa boses na 'yon at pinanlakihan ko ng mata si Samuel as if saying 'What the hell!? Why didn't you tell me he's there!?'

Nilingon ko si Nate na nakatitig sa akin, "Excuse us Sam." saka ko hinila palabas si Nate.

Nang makalabas na kami ay hinarap ko siya, "Right from the start you knew I never liked commitments." I told him using my calmed voice. Di ko siya sinusumbatan dahil wala akong karapatan.

Natahimik naman siya at tumango. Nanliit ang mga mata ko, "Are you expecting more from this relationship?"

"Who's the guy?" magkasabay na tanong namin.

Napataas ang kilay ko, "You don't know him." saka naglakad papunta sa kotse ko. Tahimik niya naman akong sinundan, "I know that it's not part of the contract--"

"Hey! Hey! Walang kontrata. You're free to ask." putol ko sa kanya. Loko-lokong 'to. Bakit ba lagi nalang pakiramdam niya may kontrata kami? "You're my finacee and I know you feel like asking pero ayoko munang pag-usapan siya. How was the business trip by the way? Ngayon ko lang naalala."

Tinitigan niya at akmang may sasabihin but thank heavens he let it go, "It was fine pero I don't think kaya nating ihandle ang company ni Uncle Sam."

Did I told you na Samuel is his uncle?

"Oh so, you mean walang maghaha--"

"No," aniya at umiling, "Not wala. Ako ang maghahandle nito since mas appropriate na ikaw ang maghandle ng company natin at ako sa kay Uncle. Madali lang naman 'to e." tumango nalang ako.

Nagulat ako ng hilahin niya ako bigla, "Where are we going?" nagtatakang tanong ko. Ngumisi siya, "Date tayo."

Napailing nalang ako at tumango.

"Sa lahat ng niyayaya ko makipagdate ikaw pinakapaborito ko." saad niya habang kumakain kami ng kwek-kwek.

"Bakit? Kasi ako ang 'fiance' mo?" natatawang saad ko habang kinu-quote ang salitang 'fiance'.

Natawa naman siya, "Baliw. Kasi sa'yo tipid!" sabay halakhak niya.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Ah ganun? Halika nga rito at kukutusan kita ng isang beses. Halika!" saka ko siya hinabol.

"Is this the part kung saan tatakbo ako habang sinasabing 'Habulin mo'ko!'?" nakngisi siya. Inirapan ko siya, "Diba dapat ako gumawa nun? Ako yung babae."

"Babae ka pala?"

"Lintek ka talaga." saka ko siya binatukan. Nagtawanan kami at kumain. Nanigas siya bigla kaya nagtaka ako, "Husband? Bakit?"

"Crap. Kasal na natin next month." Aniya.

Nanlaki ang mga mata ko. Nabanggit nga pala ni Samuel kanina. Parang nanlamig ako bigla. I'm not ready.

"Shit."

**

Kring. Kring. Kring.

"Hello?" Inaantok kong saad. Suminghap ang nasa kabilang linya. What the hell? "Oh my? Ate Nicole? Bagong gising ka lang ba?!" Kumunot ang noo ko bago sumagot, "Oo. Bakit ba?"

"Ate ngayon ang kasal niyo ni Kuya Nate!" Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kalendaryo. "Holy macaroons!" Saad ko at pinatay na ang tawag.

Nagmadali akong maghubad ng damit at tumakbo papunta sa cr. Ginamit ko ang mamahaling shampoo na regalo sa akin ni Cams. Syempre kahit pa arranged lang ang kasal na'to, kasal ko parin to. Bigla naman akong nakaramdam ng guilt dahil hindi ko nainvite ang mga kaibigan ko sa kasal ko. Habang nagpeprepare ay tumunog ang doorbell ng bahay ko.

Bumaba ako at binuksan ang pinto. Nakita ko ang mga kaibigan ko na nakapokerface. Nakagat ko ang labi ko, "Uhm, pasok?"

"Anong pasok!? Ikakasal ka na palang leche ka di mo man lang kami sinabihan?!" Sigaw ni Tine napangiwi naman ako. Masama ang tingin nilang lahat. Sasagot pa sana ako nang biglang may maliit na boses na sumigaw, "Oh my Gosh, ate Nicole! Malelate ka na! Anim na oras nalang!"

At dun nawala ang tension dahil nagmadali rin silang tulungan akong mag-ayos. Ang kulot ko nang buhok ay mas pinakulot at nilagyan nila ako ng make-up.

"Ang damit mo nasaan?" Tanong ni April tinuro ko ang aparador ko kaya't pumunta siya doon. Napasinghap siya, "Oh my, eto yung dress na kasama ng dress na binili ni Jensen diba?" Tumango ako at nagiwas ng tingin.

"Anong dress?" Tanong ni Cams. Natawa ako, "Wala ka na nun Cams. Lumabas ka matapos mong bilhin yung dress na para sa'yo para ata mambiktima." Namula naman ang mukha niya.

"Wag kayo yun ang unang pagkikita namin ni Miguel." Saka siya kumindat. Napangisi naman ako.

"Ano, ready ka na?" Tumango ako. "Let's get this over with."

**

Hawak ko ang kamay ni daddy habang naglalakad sa red carpet ng beach. Beach wedding ang gusto nina mommy at tita.

"Minsan, napapaisip ako. Paano kaya kung hindi ka pumayag sa arranged marriage na ito?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. Napangiti ako ng bahagya, "Edi hanggang sa mamatay ako, single ako." Pabirong saad ko.

"Hindi ka ba galit sa amin anak?" Tanong ni daddy.

"Yung totoo?" Tumango siya. Ngumiti ako, "Hindi po. Kung tutuusin marami pa naman akong taon para mahalin si Nate na lagpas sa pagiging kaibigan e." Tumango siya at hinalikan ang noo ko bago binigay ang kamay ko kay Nate.

"Wife." Ani Nate at ngumiti. Nginitian ko siya pabalik, "Husband."

"Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung bakit ganyan ang tawagan niyo." Naiiling na saad ni daddy, "Nathaniel, kahit pa panatag ang loob ko dahil ikaw ang pakakasalan ni Nicole hindi ako mangingiming tadtarin ka ng baril kapag sinaktan mo ang unica hija ko." Napangiwi naman si Nate.

"Kay Nicole palang tito bugbog na ako kaya't wag na po kayo umasang masasaktan ko siya ng sinasadya." Nagtawanan ang mga guest na nakarinig pati na rin si Tito Ken, ang judge na tito ni Nate na magkakasal sa amin. Oo judge lang dahil napagusapan namin nina Mommy na wag na sa simbahan. Di ko kaya magsinungaling sa harap ng Diyos.

Patuloy ang pagpiplay ng kantang 'Back at One' na napiling wedding song namin. Napangisi ako ng mahinang kumakanta si Nate. "Five, make you fall in love with me." saka niya ako kinindatan. Ngumuso ako, "Asa" I mouthed.

Nagsimula na ang seremonyas hanggang sa dumating na ang pinakakantay ng malalandi kong kaibigan. "Do you Nathaniel Ragen Dela Cruz take Cassandra Nicole Perez as your lawfully wedded wife?"

Tinitigan niya ako sa mata at may emosyon akong nakita. Kumunot ang noo ko, was that doubt? "I do." Nawala lahat ng ngumiti siya.

"Do you Cassandra Nicole Perez take Nathaniel Ragen Dela Cruz as your lawfully wedded husband?" Tanong ni tito.

"I do." Sagot ko habang nakatitig kay Nate di siya makatingin ng diretso sa akin.

"At eto na ang inaantay niyo," nagtawanan ang mga guest pero seryoso parin kami ni Nate. Ano ba ang problema niya? "I now announce you as husband and wife you may now kiss the bride." Nakarinig ako ng cheers namalayan ko nalang na lumapit si Nate. "What's wrong? Kung ayaw mo bakit ka nag I d--" di ko natapos ang sasabihin ko namg halikan niya ako sa labi ng walang pasabi. Gusto ko mamula dahil narealize ko na ito ang unang beses na hinalikan niya ako sa labi. Sa pisngi at sa leeg madalas pero sa labi ni minsan ay hindi.

Nang bumuwag siya ay hinawakan niya ang mukha ko, "Stop overthinking. Nagalala lang ako baka di ako nakapagtooth brush." Saka siya humalakhak.

Napailing ako, "Kadiri ka talaga kainis." Saka ako natawa.

Heels and Sneakers ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon