Chapter 19

266 13 2
                                    

Chapter 19

Tatlong katok ang nagpaangat sa akin ng tingin. I'm here in my office. For the past 4 years bumalik na ako sa aking trabaho. I had clients but not as much as before dahil aminado akong hindi naman talaga nakafocus sa pagtatrabaho ang atensyon ko at isa pa unlike overseas, hindi gaano naappreciate ang pagkakaroon ng therapist dito. The stigma is still present.

Nakita ko sa pinto si Nigel na ngumiti ng tipid. "Come in," ani ko at tumayo.

Nakita ko sa likod niya na hila hila niya ang bata. It is funny na hindi ko parin kayang tawagin ang bata sa pangalan nito. Ngumiti ako sa bata habang nakatingin lang ito sa akin na para bang may gagawin ako dito na masama.

My heart hurt pero pinigilan kong magreact na unprofessional. Kapag therapist ka, hindi ka pwedeng basta basta nalang magpaapekto kaya kailangan kong magkaroon ng Psychological intervention sa sarili ko. Para hindi rin ako maging biased at magampanan ko ang work ko ng maayos.

"Hi, kid. How are you?" pagkamusta ko rito. It's been a week mula ng huli kaming nagkita. Wala parin akong nakikitang pagbabago sa bata. Hindi ko rin siya napapanatili sa ospital kagaya ng gusto ng doctor dahil ayaw nito magstay doon. Kaya nung araw din na iyon ay pinalabas siya.

"Uhm, I forgot to tell you we're not alone." ani Nigel. Napakunot ang noo ko saka napatingin sa pinto ng bumukas ulit ito. Sinakop ng pabango niyang pamilyar sa akin ang opisina ko. Tila kinakabahan siyang nakatingin sa akin.

Napatuwid naman ako ng tayo bago naglakad pabalik sa upuan ko dahil parang nawalan ng lakas ang mga paa ko. Tiningnan ko ng makahulugan si Nigel pero di ata ito tinablan. Napabuntong hininga na lang ako.

"Good morning, Mr. Dela Cruz. I'm sure you are aware of what I am about to do." panimula ko. Saglit na pumormal ang mukha ni Nate bago tinapunan ng tingin ang anak.

"Actually, hindi ko alam kung ano ang purpose ng pagpunta namin dito. My son is fine." pagbibigay diin nito sa akin.

Napataas ang kilay ko at lumapit sa bata na bahagyang nanigas pero mukhang pamilyar na ito sa akin kaya di na kagaya nung unang beses. Inabutan ko ng candy ang anak ni Nate at hindi na siya hinawakan bago ako lumingon kay Nate.

"Are you aware of the bruises on your son's body? Is that what you call fine?" hindi ko maiwasang hindi magtaray sa kanya. Ganun na ba siya ka pabayang ama sa anak niya? Ang daming pasa sa katawan ng bata tingin ko hindi iyon normal at ang tanging magsasabing normal ang batang ito ay siyang hindi normal.

"Nics, he is still a child. Children plays a lot so having bruises are normal." pagrarason nito sa akin.

I wanted to scoff at the stupidity of the guy in front of me. Napakatanga talaga.

"I can't blame you if you don't see what I can," I threw him a dirty look. "After all you never really cared for the people around you," dugtong ko pa.

He looked like he ate something sour dahil sa sira ng mukha niya. Tumikhim naman si Nigel para patigilin kaming dalawa. Napansin ko ang envelope sa kamay ni Nigel at bahagya akong nakaramdam ng kaba. I think I know what's inside that envelope.

"Can you both go out? I'd like to talk to him alone." hindi naman umalma si Nigel at hinila na lang ang kapatid.

Naiwanang nakayukong nakaupo ang bata sa couch. Pinaglalaruan nito ang mga daliri. I can see symptoms of anxiety on the kid. Tumalungko ako habang nagabot ng panibagong candy dito.

"Kamusta ka?" nakangiti kong tanong. "I'm Nicole. Pwede mo akong tawaging tita Nicole. Simula ngayon, we'll be meeting each other at least once a week for 6 months. Okay ba 'yon sayo?" malumanay na tanong ko.

Heels and Sneakers ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon