Chapter 14

597 25 7
                                    

Uuwi sa bahay para magbihis tas aalis na ulit. 'Yan ang naging bagong set up namin ni Nate. Hindi ko siya pinigilan. Why would I? Pagkatapos kong mapatunayan na kaya niya akong saktan para kay Danica?

Nandun na kami, oo nga't sila ni Danica at magkakaanak na sila pero di niya dapat sinasaktan ang babae. Eh papaano kung walang kotseng nakaharang dun? Edi natumba ako at posibleng napahamak ang baby ko.

Ang araw ay naging linggo, ang linggo ay naging buwan. Pitong buwan,pitong buwan na simula ng mangyari ang hindi ko inaasahan at walong buwan na akong buntis ngayon. Hindi parin alam ng magulang namin ang bagong naming set up. Kapag wala ako ay magdadahilan siya, isa pa ay iniiwasan kong makita nila kami ni Nate. Kung papaano ko ito naitago ng ganto katagal ay isang hiwaga rin sa akin.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit na hindi niya napapansin na tila lumulobo ako. Para bang wala siyang pakialam. At ayoko ring umasa na magkakaroon pa siya ng pakialam sa akin.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi masakit. Masakit dahil nararanasan ko ang pagbubuntis ng mag-isa. Talo ko pa nga ang mga babaeng hindi pinanagutan eh. At least sila, wala silang mga asawa. Ako may asawa nga pero nauwi naman sa ibang babae.

Napakagulo ng set up namin ngayon at kahit na mag-asawa kami ay parang di kami magkakilala. Parang bumalik sa dati naming estado. Hindi magkaibigan at hindi magkaano-ano.

Nagsuot ako ng maluwang sa sweater. Alas nueve na ng gabi at nagki-crave ako ng ice cream. Kinuha ko ang keys ko at bumaba na sa hagdanan. Napatigil ako ng makita ko ang pamilyar na bulto ng isang tao.

Napalunok ako, "Nate..."

Nakatingin siya sa onesies na nakalagay sa sofa. Nakalimutan ko palang kunin 'yon kanina.

"Ano 'to?" malamig niyang tanong sa akina at hinarap ako. Blangko ang kanyang mga tingin. Napalunok ako.

"Damit," sagot ko.

"I know, damn it!" singhal niya, "Damit ito ng baby, Nicole."

"Alam ko, Nate." ani ko at humawak ng mahigpit sa railings ng hagdan.

Mabibigat ang lakad na lumapit siya sa akin. Napaatras ako dahil galit ang mukha niya. Muntik akong matumba kaya't napatili ako. Tinakbo naman niya ang distansya namin at hinawakan ako sa bewang.

Inalalayan niya ako. Akala ko yun lang ang gagawin niya pero nagulat ako ng iangat niya ang suot kong sweater at bumungad ang sando kong hapit. Halata na ang baby bump ko pag suot ko ang sando na 'to. Nahigit ko ang aking hininga.

"Ilang buwan?"

"Walo," sagot ko.

Napamura siya. "That's mine, Nic. At wala kang balak sabihin?"

Nag-init ang ulo ko, "Of course this kid is yours. Anong iniisip mo? Na papalit palit ako ng partner kagaya mo?" akala ko sisigawan niya ulit ako pero natahimik siya.

"Saan ka papunta?"

"None of your business. Kunin mo na ang damit mo at bumalik ka na kay Danica." saka ko siya nilagpasan. Pero hinigit niya ang braso ko, "Bitaw, Nate!"

"That's my kid you're carrying, Nicole dela Cruz!" It gave me chills ng banggitin niya ang pangalan ko kadugtong ng apelyido niya. "It's my business!"

"Talaga lang ha? Nasaan ka kaya nung nakakaranas ako ng morning sickness at matinding cravings? Eh nung nakakaramdam ako ng pagbaba ng self-esteem ko, nasaan ka rin nun? Siyempre, nandun kay Danica. Buntis kasi siya diba?" pinunasan ko ang luhang tumulo sa akin. I hate being emotional pero kaakibat na ata ito ng pagbubuntis.

Heels and Sneakers ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon