Chapter 17
Nakatayo ako sa tapat ng malaking bahay sa isang ekslusibong subdivision. I don't know why I am here. Dapat nga hindi ako nandito. Simula nung nagkagulo na ang lahat ay hindi na ako pumunta rito.
I stared at Nate and mine's house. May matandang babae na naglilinis. I never hired her so I don't know who did. Maybe my parents or his, I don't know and I honestly don't care.
Bigla kong naalala ang saglit na panahon na mag asawa kami ni Nathaniel at ayos kami. He never loved me. And I never loved him. Medyo nahulog ang loob ko sa kanya but I realized that was normal when it comes to living with somebody sa loob ng mahabang panahon.
We got married because that was what out parents wanted. It's not even a big deal lalo na sa mundong ginagalawan namin. Loving someone and marrying them can be considered as a luxury.
Pero kahit pa hindi namin mahal ni Nate ang isa't isa, we cared for each other. Or so I thought. Naalala ko na naman nag gabing dinala niya ako sa ospital, knowing that I was pregnant with his child dahil lang manganganak ang kabit niya sa anak nila at nasa bingit ito ng kamatayan?
Hanggang ngayon hinihiling ko parin na sana anak nalang nila ang nawala at hindi ang Jacobo ko. My baby was innocent. Kahit siya man lang sana ang ibinigay sa akin. Pero hindi. Kinakailangan pa talagang pati siya bawiin sa akin.
I regret this marriage. Pero hindi ibig sabihin neto I'll free my self from this marriage. The moment I let Nate go, magiging masaya na sila ni Danica. At hindi ko gusto yun. Gusto kong malungkot sila. Yung tipong kinakahiya nila na magkasama kasi hindi naman sila mag asawa pero may bastardo sila.
Aalis na sana ako ng makita ko ang isang pamilyar na bulto. It was the man that I hate the most. Lumabas siya mula sa bahay namin. Napakunot ang noo ko sa nakita. At bakit siya nandyaan? Wala ba talaga siyang hiya sa katawan?
Hindi sinasadyang nagkatinginan kaming dalawa. He looks so surprised as if he didn't expect me to be here. Hindi ako nakagalaw ng tawirin niya ang diatansya namin. Tila isdang bumukas-sara ang bibig niya. Tinitigan ko lang siya. Nagngingitngit ang kalooban ko habang nakatingin sa kanya. I really hate this guy.
“Nicole...” panimula niya. Hindi parin ako umimik at nanatiling nakatingin sa kaniya. Halu-halong emosyon ang mapapansin mo sa mga mata niya. I almost laughed out loud. Napaka-plastic.
“Can we talk?” paglalakas loob niyang kausap sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Nararamdaman kong tungkol ito sa annulment. Umismid ako at tumalikod na para sumakay sa sasakyan ko.
“I don't have time to talk to you.” simpleng kong saad at pumasok na sa sasakyan saka ito pinasibad. Bakit pa nga ba hinayaan ko na magpalit kami ng salita? Or hayaan manlamg na malapitan niya ako at makausap? Naramdaman ko lang lalo ang galit ko sa kanya. Lalo na kapag naaalala ko na pangalan ng anak ko ang ginamit nila sa bastardo nila.
On the way to the condo kung saan ako naglalagi ngayon, muntik ko ng masagasaan ang isang batang lalaking biglang tumakbo. Bigla akong napapreno. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Shit! May bata akong muntik masagasaan dahil sobrang distracted ako.
Dali-dali akong lumabas ng sasakyan only to see a small kid na nakatungo. I panicked a bit at nilapitan nag bata. Tiningnan ko muna ang paligid, waiting for his mom to pop out of nowhere and scream at me for almost killing her kid.
"Hey, kid." ani ko. Hindi ito umimik at nanatiling nakatungo. Natakot ako kaya kinarga ko siya at ipinasok sa kotse ko. "I'll be taking you to the hospital, okay? Kalma ka lang."
Hindi ko alam pero bigla kong naisip ang anak ko sa kanya. Nakatungo parin siya kaya nagpapanic na ako. Hindi siya umiimik. I gently held his chin to make him look at me. Natulos naman ako sa kinauupuan ko ng nakita ko ang mukha ng bata.
Nakatitig lang ito sa akin with his blue eyes. Unang pumasok sa isipan ko ang lalaking kinamumuhian ko. Pero that's not what bothers me the most. Because this kid... Looks so familiar.
**
"He's fine just a little bit of shocked," sabi ng doktor. Medyo tumitig pa ito sa akin kaya naramdaman ko may sasabihin pa siya sa akin.
"What is it doc?"
"I'm sorry, but I can't help but notice. The kid's got a lot of bruises. I didn't really mean to pry, but how are things at home?" napakunot ang noo ko sa tanong niya at nilingon ang batang natutulog na ngayon. Behave na behave lang siya kanina at di umiimik. I don't even know if that was a good thing or not.
"I'm sorry, I think you're getting it wrong. I'm not his mom." umiiling na saad ko habang nakangiti.
Kumunot ang noo ng doktor, "Really? But he looks like you at some angle." mahinang saad nito. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ng doktor. I don't think so, he looks a lot like Nathaniel.
"Let's go back to the topic, the kid has bruises some are old and some are new. I wonder what was happening, I thought you were his mom so I wanted to ask." anito at akmang aalis na. I understood naman kasi disclosing private matters like this should not be discussed with a stranger.
But for some reason hindi ko kayang pigilan ang sarili ko magtanong." How is he physically?"
Tinitigan ako ng doktor. "To be honest, it's not good. His wounds don't heal well and I suggest that he stays here for further examination."
Nakagat ko ang labi ko at tiningnan ang natutulog na bata. Masyadong pinabayaan ni Nate ang anak niya. Sobrang sama ng loob ko kahit di ko naman kaano ano ang bata. Parang ako yung nasasaktan.
"Iaadmit ko ang bata for further tests. I'll be his guardian kasi di available ang parents niya." Nagalangan naman nung una ang doktor na nakausap ko pero pumayag na rin siya.
Tinabihan ko ang bata at tinitigan ang mukha nito. Kamukhang kamukha niya si Nate kapag natutulog. Biglang kumirot ang dibdib ko. I thought kapag nakit ako ang anak nila Nate ay magagalit ako dito. Pero looking ath this kid's state, pakiramdam ko naman hindi ko kayang magalit sa ganitong nakakaawa na bata.
I fetched my phone from my pocket and called Nigel. I didn't tell him why pero I called him saying where I am right now.
Dahil hindi naman malayo ang bahay ni Nigel sa ospital ay nakarating siya agad. Nagtataka ang mukha niya nung maabutan niya ako sa entrance ng emergency room. Hindi ako nagsalita at hinayaan lang na sundan niya ako.
"What the fuck!" he exclaimed nang makita niya ang pamangkin na nakahiga sa hospital bed.
"Shut up." walang gana kong saad at umupo sa gilid ng bed ng bata.
"Why is Jako here? Anong nangyari sa kanya?" di mapakaling tanong neto.
"Muntik ko na kasi siyang masagasaan kasi bigla siyang tumakbo sa harap ng sasakyan ko. Pero di ko naman siya natamaan." tiningnan ko yung bata na natutulog ngayon. Umikot siya paharap sa akin. Hindi ko alam pero inabot ko ang buhok niya at pasimpleng hinaplos.
Napatingin ako kay Nigel kasi nakatingin siya sa aming dalawa ng bata. Nakaawang ang ng bahagya ang labi niya at may kung anong emosyon sa mata nya.
"What is it?" tanong ko.
Tumiim ang titig niya sa akin. "I'm not sure about this but I want to try it."
Nagtaka maman ako. Ano ba ang tinutukoy nito? "What do you mean?"
"Gusto ko kayong ipa-DNA test ni Jako."
BINABASA MO ANG
Heels and Sneakers ✅
General Fiction[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #6: Cassandra Nicole She should've owned him the same way he owned her. Mind, body and soul. But she knows some things aren't meant to be. She knew he was only hers temporarily. ------------ Last Installment of PDA...