Chapter 8

457 18 0
                                    

"Hey," ani ng isang tinig. Nanatili akong nakapikit. For f's sake I'm freaking tired. Naramdaman kong may humalik sa balikat ko paakyat sa leeg ko. Nanigas ako bago ko naitulak ang gumagawa nun. "Ouch?" Ani Nate na siyang nang-molestya sa akin.

Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin, "Manyak." Pero natawa lang rin ako kalaunan. Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi. Umatras siya at kumindat. Napansin ko na naka-pajamas na lang siya.

"Morning, wife." Saka siya tumayo at naglakad papunta sa pinto, "Nagluto ako." Tinaasan ko siya ng kilay, "Wag mo akong tingnan ng ganyan. Hindi yun pangsurvival." Napahalakhak ako.

"Morning din. Sige mauna ka na, susunod ako." Tumango lang siya.

Pagkatayo ko ay hindi ko ineexpect na biglang may masakit sa ibabang bahagi ng katawan ko. Namula naman ako ng bonggang bongga. Crap! Buti nalang nakababa na si Nate. Medyo awkward yung pagtayo ko nung una pero naayos na rin kalaunan. Napatili ako ng mahina dala ng kahihiyan saka dumiretso sa CR para maligo na.

Oh goodness.

**

Pagkababa ko ay naamoy ko na ang mabangong aroma ng pagkain. Napangisi naman ako, "Naks! Mukhang masarap ah?" Ani ko pagkarating ko sa baba. Nakangisi naman siya habang nagluluto, "Syempre ako pa?"

Napailing ako, "Bilisan mo may pasok pa tayo." Tumango lang siya bago ako pinaghain. Umupo agad ako at naglagay ng plato at kubyertos.

"Kain na!" Ani Nathan at saka naupo sa tapat ko, napangisi naman ako sa niluto niyang sinangag, tocino at itlog. "ToSiLog much?" Nakangisi kong saad. 

"Harhar, kumain ka na lang kung ayaw mong malate," saka siya nagsimulang kumain. Napatitig naman ako sa kanya bago ako kumain. Hindi rin nakalusot sa akin ang pasimpleng mga sulyap niya. Na kapag nahuhuli ko ay nagiiwas siya ng tingin.

Pinunasan ko ang labi ko saka sumandal, "Spit it out, Nate. What is it?"

"We didn't use protection," aniya at tinitigan ako sa mata. Napalunok ako ng mapagtanto kong, oo nga pala. Hindi kami gumamit ng protection. Well, shit? "And you might get pregnant." Aniya habang nakangiwi.

Pakiramdam ko naman lahat ng dugo ko sa ulo ay bumaba sa kadulu-duluhan ng talampakan ko at malamig din ang pawis ko sa kaba. Are we ready for this?  I mean, we're married and all but...are we ready kung sakaling magkababy man kami?

Nilingon ko siya at nakita kong namamawis din siya, "K-kung..." tumikhim ako, "Kung sakaling mab-buntis man ako, is it okay with you?" Diretsahang tanong ko. Hindi ko pinahalata na natetense ako sa kanya...or atleast I tried.

Tinitigan niya naman ako sa mata bago bumuntong hininga, "I don't know, Nics. I don't know."

Natigilan ako sa sagot niya. Now why did that hurt?

"Just eat Nathaniel, no one gets pregnant at first time." Maybe? Dagdag ko sa utak ko. Tahimik lang naman kaming kumain hanggang sa walang nagsalita at tumayo na ako para magtooth brush ulit. Pagkalabas ko ay nakita kong naka-towel lang si Nate sa bewang at may kausap sa phone.

"Drop it, Cherisse--" ginulo niya ang buhok niya, "I said drop it! It's none of your business anymore." Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan at agad na bumalik sa Bathroom para hindi niya ako makita.

He's still talking to Cherisse?

Bumukas ang pinto ng bathroom. Nakabihis na siya at medyo basa ang buhok niya. Buti na lang nakita niya akong kinukutingting ang toothbrush ko. Ngumiti siya sa akin, "You done?" Tumango ako. "Sige, wait for me outside magtutooth brush lang ako, okay?" Saka siya naglakad papunta sa pwesto ko. Umalis naman din ako agad sa loob ng banyo.

I'm still thinking about the fact na nakikipag usap parin siya kay Cherisse. Hindi naman ako bothered, kaso umatake ang pagkachismosa ko. Wala tayong magagawa, babae ako eh. Inborn na sa ating mga babae ang maging curious.

Naglakad na ako papunta sa kitchen at nagtimpla ng coffee. Nate loved his coffee black. Kung bakit hindi ko alam, dahil kahit nung pwede pa akong magkape at hindi pa ako pinagbabawalan ng doktor, I never drink black coffee. I tried once and let's just say na that will be the last time I'm going to drink black coffee.

"Are we back on this again?" Nilingon ko si Nate sa pag-aakalang ako ang kausap niya dahil nagtitimpla ako ng kape.

"It's for--" natigilan ako nang makita kong nakatalikod siya at may kausap nanaman sa phone. Napataas ang kilay ko, aga agang telebabad.

Nagkibit balikat ako at nilagay ang coffee sa isang thermal na cup. Bigay ito sa akin ni mommy at dahil di na ako nagkakape, ipapagamit ko na muna ito kay Nate. Ingatan niya dapat ito kung hindi masasapak ko siya.

'What's that?" Narinig kong tanong niya. Nilingon ko siya bago sagutin, para makasigurong ako nga ang kausap niya, "Coffee," sinagot ko na nang makumpirma kong ako nga.

Nagtaas siya ng kilay kaya napairap ako. "For you. Black coffee," ngumisi siya at hinalikan ako sa noo saka nagpatuloy sa pakikipagusap sa telepono.

Napansin kong busy siya kaya kinuha ko ang susi ng kotse ko saka doon nagdire-diretso. Natigilan ako ng hawakan niya ang braso ko. Nakakunot ang noo niya at ang ekspresyon niya ay nagtatanong. Inirapan ko siya, "You're busy. See you later." Saka ako pumasok sa kotse ko at kumaway sa kanya.

Too much for going to work together.

Pagkapark ko sa kotse ko ay agad akong lumabas. Dumaan ako sa elevator sa likod. Ang mga nakakita sa akin ay ngumingiti o di kaya ay bumabati. Natigilan ako ng marinig ko ang usapan sa di kalayuan.

"Ang moment nila ma'am Nicole at sir Nate kahapon no? Habol habol pa?" Ani ng isang empleyado and if I'm correct she's Roxann.

Napataas ang kilay ko. Not that it's any of their business. Although that was partly my fault. I ran like a fool just to catch Nate.

"Hindi mo na problema yun at    hindi ko na rin problema. Ang chismosa mo, Roxann." Ani ng kausap niyang si Sassy.

Naglakad ako papunta sa kanila. Natigilan si Sassy at kinakabahang napatingin kay Roxann. "I don't believe our little moment yesterday is part of your work. Isn't it? Or am I lost and I am currently talking to MHM entertainment's staff who's looking for a new scoop?" Napapahiyang yumuko si Roxann at Sassy. I feel bad for Sassy, pinatigil niya na si Roxann napuna ko pa. Still, they shouldn't be talking about our personal lives.

Still it's your fault, you drama queen! Usig ng maliit na parte sa utak ko.

"My bad, I started that commotion. You can talk about it, just not when your working. I don't really mind if you talk about what happened yesterday after work. Okay?"

"Yes, ma'am."

"Okay, back to work. And good morning." Saka ako nagpatuloy ng paglalakad only to see Nathan smirking at me. This pig! Kasalanan niya kaya napapachismis kami! Kung hindi sana siya nag walk out na parang babae edi sana hindi ako magmamadali na habulin siya.

Naglakad siya papalapit sa akin, "Aren't you a bit strict?" He asked when we're alone in the elevator. Inirapan ko siya.

"Not that it's any of your business, Mr. Dela Cruz."

"Actually, Mrs. Dela Cruz, everything about you is my business." He retorted, still smirking.

"Gago." Sagot ko at lumabas na ng floor ko na. Narinig ko ang halakhak niya.

"That's not very nice, Mrs. Dela Cruz!"

Napailing ako at ngumisi bago pumasok sa office ko, greeting my secretary as I entered. Ewan ko talaga sa'yo Nathaniel, ewan ko talaga.

Heels and Sneakers ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon