Chapter 11

447 19 0
                                    

"Hi!"

Tinaasan ko ng kilay ang lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon. Lumabas ang dimple niya na ngayon ko lang nakita. Di na rin nakakapagtaka since actually, ngayon lang naman talaga kami nagkausap at nakita.

"So you're my brother's wife?" Nakangisi niyang saad.

"Yes and you are the infamous Nigel Dela Cruz, I see." Umangat lang ang labi ko at nilagpasan na siya.

Kasalukuyan akong nasa mall at hindi ko alam kung anong trip ng isang ito ang at sinusundan niya ako. Tumitingin tingin ako ng mga sapatos na susuotin ko sa party na dadaluhan ko.

"Stop following me, Nigel."

"Oh sweetheart, I'm not. It's a coincidence that we're going to the same direction. Destiny, I suppose?" Nakangisi niyang saad.

Hindi ko mahanap kung alin sa katangian ng lalaking ito ang naging rason para maging paborito siya ni tito, ng daddy nila. 

Inirapan ko siya at nilagpasan, "Kung hindi pa rin nagsisink in sa'yo, gaya ng sabi mo kanina, asawa ako ng kapatid mo kaya't tigilan mo ako kung ano man ang iniisip mong kalokohan. I'm your sister-in-law."

"But you could've been my wife." Napailing siya at ngumisi, "Sayang no?"

"Not exactly. Maiwan na kita. Excuse me." Hindi ko na nilingon si Nigel kahit tinatawag niya ako.

Nababastusan ako sa ugali niya. Bakit ba siya ganun? Hindi ba niya alam ang salitang respeto? How could you say that to your brother's wife? Kahit pa sabihing arrangement lang ito, I demand respect from him. Hinayupak siya. Nakakainis!

"Wife?"

Parang nawala na parang bula ang sira ng mood ko ng marinig ko ang boses na iyon.

"Husband," ngumiti ako at niyakap siya. Bahagya akong natigilan sa ginawa ko pero nagpatay malisya nalang ako. Di kalaunan ay umalis ako sa pagkakayakap namin na parang wala akong nararamdamang pagkailang. "What are you doing here?"

"Nasabi kasi ng assistant mo na nagbalak ka daw magshopping at may dadaluhan kang party next week?" He had this soft smile in his face. I chuckled.

"Unfortunately, I do have a party to attend next week. Ikaw ba? Kamusta ang business with Danica?"

"It's okay." Ngumiti siya at napatingin sa likod ko. Biglang nawala ang ngiti niya ng makita ang kung ano sa likod ko.

"Little brother, stop looking at me like you want to kill me. Didn't you miss me?"

Napapikit ako ng marinig ang boses ng kapatid ni Nate na pinaglihi sa kabute at sulpot ng sulpot kung saan saan. Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin. What is he doing here? Sinusundan ba talaga niya ako?

"What do you want Nigel?" Malamig na tanong ni Nate.

"Aww. No more 'Kuya Nigel', Nathaniel?"

"Cut the bullshit." Akmang susugod na si Nate. Ang init ng ulo.

"You want the truth? I'm here to see my supposed bride-to-be. I'm having regrets, Nate. You know? She's beautiful."

Tinago ako ni Nate sa likod niya. Hindi naman niya ako matatago dahil una sa lahat ang tangkad ko at isa pa hindi pwedeng di ako magpakita sa bwisit na yan. Kanina pa siya.

"My wife brother. My wife." Pinagdiinan ni Nate ang wife. Napatingin ako sa kanya bigla. Hindi ko alam pero kumakalabog ang dibdib ko at pakiramdam ko nangangapal ang mukha ko habang sinasabi niya yun.

Heels and Sneakers ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon