Chapter 18
Nanatili akong nakatitig kay Nigel sa sinabi niya. Wala akong masabi. Nababaliw na ba siya?
"Are you f ucking insane?" naiinis na tanong ko saka tumayo na para bang napapaso ako sa batang kanina ay nasa tabi ko.
Umiling siya at umupo sa tabi ng bata. "Don't get me wrong, matagal ko ng napapansin na may pamilyar ang mukha ni Jako. Yes, I know malaki ang pagkakahawig ng mukha nila ni Nate. Pero nung nakita ko kayong magkasama, para kayong pinagbiak na bunga. Jako's face is like a combination of yours and Nate's." mahabang paliwanag ni Nigel.
Kumuyom ang kamao ko sa narinig ko, "Nababaliw kana nga! Do I need to remind you na pinatay ng kapatid mo ang anak ko? This kid is his son with his mistress. This kid is not mine! Hinding hindi ko matatanggap ang batang ito." bahagyang pumiyok ang boses ko dala na rin ng halu-halong emosyon.
Nakarinig kami ng kaluskos ni Nigel kaya sabay kaming napalingon sa bata. Nagising pala ito. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng tumingin ito sa akin. The way he looks at me makes me think what the hell was happening inside their household. Bakit kung makatingin ang batang ito ay tila isang matanda na? His eyes looks so matured, like it had been through a lot and had seen a lot. And he is only 5 years old.
Napalunok ako ng laway ng yumuko ang bata pagkatapos naming magkatinginan. Napaiwas naman ako ng tingin. Alam ko narinig ako ng bata. Hindi ko sigurado kung naiintindihan niya na ba ang pinag-uusapan namin ni Nigel.
"Hey, kiddo. Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Nigel sa pamangkin.
"I'm fine, tito. Can you take me with you now?" tanong nito sa maliit na boses.
Hindi ko alam pero parang nabasag ang puso ko sa narinig. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya lumabas ako ng kwarto. Narinig ko pa ang pagtawag ni Nigel sa pangalan ko.
Bakit? Bakit ako nasasaktan? Bakit ako nagiguilty sa isiping narinig ako ng batang iyon. Kung tutuusin naman ay tama naman ang sinabi ko ah? Wala akong sinasabing masama.
Napaupo ako sa bench na provided for watchers. Hindi ko maintindihan kung bakit naiiyak ako. Alam ko noon pa man na malapit talaga ako sa mga bata. But I have never been affected by a kid this way. Parang gusto kong mag sorry pero para saan? I did nothing wrong.
I did nothing wrong... Pero bakit pakiramdam ko I did do something wrong?
Pinunasan ko ang luhang nakatakas sa nga mata ko. Napatingin ako sa dumaan sa harapan ko na si Nigel. Napasulyap ito sa akin bago tuluyang tumigil sa harapan ko.
"I'll be paying for the hospital bills. Can I ask you a favor and watch over him?" anito at iniwanan ako. Ni hindi man lang ako nito inantay na makapagsalita. Na makatanggi man lang.
Bumuntong hininga ako at tumayo na para bumalik sa ward kung nasaan ang bata. Nakita kong nakaupo ito at nilalaro ang mga daliri. May cellphone sa tabi nito na sa tingin ko ay kay Nigel. Nakabukas ito pero hindi man lang ito tinapunan ng tingin ng bata.
"Hello," bati ko sa bata. Marahas na napatingin ito sa akin. Kung kanina ay kalmado ito, ngayon naman ay nahahalata ko na tila asiwa ito at di mapakali. Napakunot ang noo ko. I maintained a safe distance between us.
"It's okay, di ako lalapit. Dito lang ako." sabi ko sa kanya. Tinitigan niya lang ako na parang iniisip kung seryoso ba ako o hindi.
Lalong napakunot ang noo ko. I'm having a bad feeling about this one. It's not my first time to encounter a problem like this but I don't want to think about it. Hindi maganda ang nabubuong konklusyon sa utak ko.
"Are you hungry?" tanong ko sa kanya. Nakayuko ito at hindi umiimik.
Umupo ako sa bakanteng bed na katapat ng sa kanya. Sinusundan niya ako ng tingin na para bang ready na siyang tumakbo the moment na lumapit ako.
Huminga ako ng malalim, "I promise, hindi ako lalapit. Dito lang ako hangga't di mo ako pinapalapit sayo." pangako ko sa kanya.
Di siya umimik pero maya maya ay umiling siya. I guess tungkol ito doon sa naunang tanong ko. Kinapa ko nag bag ko at nakitang may blueberry muffin doon. I don't like chocolates pero dapat pala meron din ako nun baka gusto ng mga bata.
"I have this oh," ani ko at pinakita ang muffin sa kanya. Nakatingin lang siya. Ngumiti ako sa kanya ng bahagya, "I don't have chocolates because I don't like it pero if you want I can buy you one."
Matagal siyang tumitig sa akin bago yumuko. "I don't like chocolates," anito sa mababang boses.
Parang nabigla ako sa sinabi niya. Biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ng doktor at ni Nigel kanina. We look a like. We both don't like chocolates.
Napalunok ako. I hate this feeling. Kasalanan ito ni Nigel. Ayaw kong umasa pero alam ko deep inside, gusto kong maniwala na mala teleserye ang buhay namin at anak ko nga ang batang ito. Mababawasan ang galit ko kung sakali. Kaya kong kalimutan ang pagtataksil ni Nate at pagpapabaya nya sa akin nung panahong buntis ako. Basta buhay ang anak ko.
Napahinga ako ng malalim. No, di ako pwedeng umasa. Baka di ko na kayanin kung sakaling hindi ko nga anak ang batang ito. Kung sakaling malalaman ko na hindi pala talaga siya ang Jacobo ko.
Baka ikamatay ko na naman pag binuhay ko ang pag-asa ko. Napatitig ako sa bata at dahan-dahan na inabot ang muffin sa bed nya. Hindi ako lumapit pa. Hinayaan kong dahan-dahan nya ring abutin ang muffin na naakalagay sa bed niya. Ayaw ko siyang biglain. Ayaw kong matakot siya sa akin.
Gusto kong isara ang puso ko sa batang ito... Pero paano nga? Paano nga kung may nangyaring pagkakamali? Hindi ko nakita ang anak ko na namatay. Hindi ko nakita ang labi ng bata. Paano nga kung siya talaga itong batang nasa harapan ko? Anong gagawin ko?
Paano ko siya aagawin? Paano ko malalaman?
Huminga ako ng malalim at kinurot ang sarili ko. Kailangan kong magtino. Hindi pwedeng maniwala ako sa kanila ng walang proof man lang.
Napalingon ako sa pinto ng may babae na pumasok. Mukhang isang Phlebotomist. May dala dalang test na mukhang pangkuha ng dugo.
Walang pasabi itong lumapit sa bata. Nakita ko kung paano nanigas ang bata at nanginig. I know this. I know this so well.
"Miss, I'm sorry pero pwede bang lalaki nalang ang kumuha ng dugo niya?" biglang sabi ko. Mukhang nabigla ang babae sa sinabi ko. Sumimangot ito kaya nagsalita ako ulit.
"I'm that kid's therapist. I'm sure you can understand." sabi ko at ngumiti. Mukhang nagulat ito nung una at tumingin sa bata na may kung ano sa mata saka nagpaalam, saying na hahanap siya ng lalaki na available.
Kitang kita ko ang paghinga ng maluwag ng bata at ang pagkalma nito unti unti.
Napakuyom ako ng kamao. Anong ginawa nila sa batang ito? I have my thoughts on it pero parang ayaw kong makumpirma. Baka hindi ko kayanin. Sobrang apektado ako sa bata lalo na at may posibilidad na nabubuo.
"What happened?" tanong ni Nigel pagkabalik niya. Kasama na nito ang kukuha ng dugo ng bata at lalaki na ito.
Nakita ko na malaya at masunuring nagpakuha ng dugo ang bata dito. Lalo akong nakaramdam ng pinaghalong takot at inis.
"Nigel, can we talk?" tinitigan muna ako nito bago naunang lumabas.
"That kid," panimula ko. "That kid is afraid of women." ani ko. Kita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko.
"What?"
"I need you to take him to me. I have to know, Nigel." ani ko. Nanatiling tahimik si Nigel.
"I'll try. Bantay sarado si Jako sa bahay nila. Hindi ko rin yan gaano madalaw doon. Hindi ko man gaano maintindihan, alam kong may rason ka bakit gusto mong makita ang bata. But I can't promise." alanganing saad nito.
Nakagat ko ang labi ko. This can't be. Alam kong tunog pakialamera na ako pero may kung anong nag-uudyok sa akin na gawin ito. Baka lumala at walang makaalam.
Biglang nagsalita si Nigel, "Fine, I'll do that. Pero payagan mo ako bilang kapalit, na ipa-DNA test kayong dalawa."
Napatahimik naman ako at napasulyap sa bata. Tahimik na ulit ito at tapos na kuhanan ng dugo. He looks so much like Nate to me. Pero paano kung hindi ako ang nanay nito? Kaya ko bang buhayin ang pag-asa ko only to crush it again kapag hindi naman ako ang ina ng bata?
Pero how can I save the kid?
"Fine," pagpayag ko kay Nigel.
BINABASA MO ANG
Heels and Sneakers ✅
General Fiction[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #6: Cassandra Nicole She should've owned him the same way he owned her. Mind, body and soul. But she knows some things aren't meant to be. She knew he was only hers temporarily. ------------ Last Installment of PDA...