Chapter 23

268 11 0
                                    

Chapter 23

"Temporary Restraining Order? Really? How dare you!" sigaw ni Danica kay Nate na nakatingin lang dito.

Dinig na dinig ko sila dahil nakaawang ang pinto siguro dahil na rin sa pagmamadali ni Nate. Sumilip ako sa siwang pero di ko pinahalata na nandito ako. Tingin ko naman ay wala pang ideya si Danica na magkasama na ulit kami ni Nate sa isang bahay.

"Don't make a scene." saad ni Nathaniel.

Namewang si Danica at nagtaas ng kilay. Kitang kita ko ang galit sa mga mata nito. Hindi ako gumawa ng ingay at inobserbahan lamang si Danica.

Malayong malayo siya sa Danica na sopistikada na una kong nakilala bilang anak ng dalawa sa mga taong kilalang business world. Nagmumukha siyang desperada ngayon. Her eyes are so wild and I know so are her thoughts.

"Bakit? May itinatago kana bang babae dyan sa bahay nyo ng walang kwenta mong asawa?" tumawa ito ng pagak. "Matapang kana ngayon, Nathaniel?" dagdag pa nito.

"Wala akong tinatagong babae, Danica. Magigising mo ang bata."

"Ibalik mo sa akin ang anak ko! Nasa akin ang custody sa bata!" nagwawala na ulit ang babae.

Pigil pigil ko ang sarili ko na lumabas at sabihin na hindi niya anak ang Jacobo ko. Akin si Jacobo. Anak ko iyon.

"Hindi ko ibabalik sayo ang anak ko. Hindi mo anak si Jake. Kayo ang malakas ang loob na kunin ang anak namin ni Nicole." lumakas ang boses ni Nate at ramdam ko ang galit niya.

Natigilan naman si Danica. Kinabahan ako ng makita ko ang pagkawala ng buhay sa mga mata niya. I've seen cases like this before. Tila may pisi na naputol sa katinuan ng babae sa harap ni Nate.

"What the f uck did you say?" nanginginig ang boses ni Danica.

"I said–"

"Danica!" napalingon  kaming lahat ng dumating ang tatay nj Danica at kasunod naman nito ang nanay niya. Agad nilang hinawakan si Danica na parang isang puppet at tiningnan si Nate.

"Mr. Daniel." saad ni Nate na parang pagbati sa kaharap na lalaki.

Kumunot ang noo ng matanda at masamang tiningnan si Nathaniel. "Anong gulo ito, Nathaniel? Hindi mo na nga pinakasalan ang anak ko pagkatapos mong mabuntis, ngayon naman ay bibigyan mo siya ng TRO?"

Tumawa ng pagak si Nathan, "That woman hurt my kid. At alam naman nating pareho na hindi siya ang nanay ni Jake. Tama ba?"

Kita ko kung paano tinakasan ng kulay ang mukha ng nanay ni Danica bago niyakap ang anak at akmang dadalhin na papunta sa kotse nila.

Hindi ko na napigilan ang magpakita."So it's true? Isa kayo sa dahilan kung bakit nagkapalit ang patay na anak ni Danica sa anak ko?"

"Nics..." tawag ni Nate sakin bago tumabi sa akin.

Tinginan ako ni Danica, "So you're back, bitch."

Ngumisi lang ako at lumapit sa kanya sa kabila ng protesta ni Nate. Hinawakan rin ako nito sa kamat pero winaksi ko lang. Walang mapaglalagyan ang galit ko.

"Yes and I'm here to take back my child."

"Wala kang anak dito! Jacobo is my son! Mine!" sigaw ni Danica at nagsimula na naman magwala. Pilit itong nagpapapasag sa hawak ng ina para malapitan ako at masaktan. Agad naman akong hinila ni Nate sa likod niya.

"No! Harapin mo ang katotohanan! Your kid died and mine lived! Siguro kaya namatay ang anak niyo ay dahil bunga naman talaga siya ng kasalanan! He didn't deserve to have a mother like you!" sigaw ko. Pinipigilan na rin ako ni Nate at binubulungan na kumalma.

Tila lalo ko lang sinindihan ang topak ni Danica dahil ng makawala siya sa nanay niya ay agad niya akong sinugod at dinamba. Hindi ko naman siya inurungan. I'm taller than her at mas malaki rin ang built ng katawan ko.

Naririnig koa ang pagpigil nila sa akin at kay Danica pero napatigil lang ako ng marinig ko ang boses ng anak ko.

"Mama?" sabay kaming napalingon ni Danica sa pinto  at nakita ang isang batang lalaki na nagkukusot ng mata habang nakatingin sa amin dalawa. Panay din ang tulo ng luha sa munti nitong mata. Parang sumikip ang dibdib ko sa nakita.

Sinamantala naman ni Danica ang distraksyon saka inumpog ng malakas ang ulo ko sa sahig. Narinig ko ang iyak ni Jacobo at ang sigaw ni Nate.

Parang nabingi naman ako at nahilo sa ginawang pag-umpog ni Danica sa akin. Agad na umalis sa pagkakapatong sakin si Danica at sinuklay ang magulong buhok gamit ang kamay niya. Kitang kita ko ang di niya sinserong ngiti bago tinawag si Jacobo.

"Come to mama, Jake."

Pinilit ko namang tumayo pero nahihilo ako at ramdam ko ang mainit na dugo na tumutulo pababa sa pisngi ko. "No. Wag mo siyang palalapitin kay Danica."

"I'll take you to the hospital!" nagpapanic na saad ni Nate. Umiling ako at pumikit. Tila may isang matinis na tunog akong naririnig. Nakakaliyo ang tunog at umiikot ang paligid ko.

"Take my son away from her." saad ko at nilingon si Jacobo na nakatingin sa akin. Ngumiti ako. "Everything's fine, anak. Go back inside, okay?"

"No! Jacobo! Come here, at once!" sigaw ni Danica. I saw my son flinched at lalong nabuhay ang inis ko sa babae.

"Stop scaring my kid, you crazy bitch!" saad ko at pinilit na bumangon para lapitan siyang muli.

"Stop it, Danica. We're going home!" sigaw ng tatay nito at kinaladkad si Danica palayo sa amin. Nagwawala naman ang huli at ayaw magpapigil. Sinampal naman ito ng tatay nya na ikinasinghap ng nanay niya.

"Stop this nonsense. I won't ruin our family image for you! Pumasok ka sa kotse! Now!" saka ito naunang maglakad.

Inaya maman ng nanay niya si Danica na nagpatangay din naman pero hindi bago ito lumingon sa akin na may makahulugang tingin.

"Hindi pwedeng anak ko lang ang mawala, Nicole. Hindi pwedeng akin lang." saka ito tumalikod sa amin.

Aminado akong natakot ako sa banta niya pero hindi ko pinahalata. "That was a grave threat and I have my witness. You should be careful." sabi ki habang nakasandal kay Nate.

Ngumisi lang ito habang kinakaladkad. "No. You should be careful." saka niya tinapunan ng tingin si Jacobo na nakalapit na pala sa amin ni Nate.

Tiningnan ko ang humaharurot nilang sasakyan palayo. Bago ko hinayaang tangayin ako ng kadiliman. Huli kong narinig ang pagtawag sakin ni Nate at pag-angat ko sa lupa.

She can't hurt my Jacob. Not while I'm around.

Heels and Sneakers ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon