CHAPTER 4

1.5K 6 0
                                    

"Opppsss..! dahan-dahan baka ka madapa" sabi ni Myta sa kaibigang si Rizza Maine sa mabilis nitong paglalakad
" Oo nga naman! ano bang nangyayari!? tanong ni Tina at Jenelyn  habol sila.
" Tumawag si Nana nasa hospital daw si Richie boy nag LLBM" nasa mukha nito ang Labis na pag aalala.
" Sama kami" sabi ng mga kaibigan
" Kundi namin alam na kapatid mo si Richie boy isipin kong anak mo siya, sa tindi ng pag aalala mo." ani Tina
"Puro kayo kalokohan!" sikmat ng dalagita " kinakabahan na nga ang tao puro pa kayo biro." pagkalabas ng gate ng school agad itong pumara ng tricycle at napahatid sa hospital "Nana.., ano pong nangyari?" tanong niya ng makita ito sa emergency room.
" Sinisibulan yata ng ngipin." sagot nito
"Ano pong sabi ng doctor?"
" Kailangan daw iconfine para di madi hydrate daw yun sabi ng duktor."
"Hooo..!? " halos mataranta
" Rizza Maine calmed down! Baka kung mapano ka!" sabi ng mga kaibigan.
Siyang pag dating ni Ritszard nasa anyo nito ang labis na pag aalala "Nana anong nangyari?"
Muli itong nagpaliwanag habang nakatunghay sila sa natutulog na bata awang-awa sila rito dahil kahit natutulog ay sumisirit ang puwit idinextrose na nga ito.
Lumapit aang isang nurse sinabihan silang kumuha ng room para sa pasyente.
" Room daw. "sabi ni Rizza Maine kay Ritszard
" Kayo ang parents? "tanong ng attending doctor
" Hindi po! "panabay na sagot nila
" Mga kapatid sila dok" si Nana Sela ang sumagot.
" Ahhh..." tanging nasabi ng doctor
" Solo lang o may kasama?" tanong ng binata
" Kung anong available." sagot ng dalagita
Agad tumalikod ang lalaki, Lumapit naman ang dalagita sa mga kaklaseng nagbubulungan.
Rizza Maine ang pogi talaga ni Papa Ritszard." bulong ni Tina
" Oo nga! " kinikilig na ayon ni Jenilyn at Myta
" Akala ko pa naman concern kayo sa kapatid ko, yun pala gusto nyo lang makita si Ritszard. " kunwa'y nagtatampo
" Concerned naman talaga kami, kaya lang bonus na si Papa Ritszard. "kinikilig na wika ni Myta
" Tumpak!!! " sagot ng dalawa pang kaibigan naghigh five pa.
SA lalapit ang lalaki" Rizza Maine kailangan daw bumili ng gamot (ipinakita ang mga reseta) kulang ang pera ko meron ka ba dyan? " Di napapansin ang mga kasama ng step-sister.
"Paano ba yan sa school ako galing" hinalukay ang pitaka may nakaipit na one thousand binalingan ang mga kaibigan "girls baka meron kayo dyan pahiram muna  ibabalik ko bukas. "
Nagkanya-kanyang dukot umabot ng two thousand kasama pera ni Rizza Maine "pwede na kaya 'to?
" Pwede na siguro " inabot ang pera" salamat girls" nginitian ang mga ito
"Your welcome..." sabay-sabay na sagot nagkukurutan
Napailing na lang si Rizza Maine tinalikuran  ang mga ito  at hinarap ang kapatid " ang hirap ng ganito Nana kung buhay lang sana sina Daddy at Tita walang problema" himutok niya
"Pagsubok lamang ito ineng, malalampasan nyo rin ito"
"Sana nga po."
" magdasal tayo, magtiwala ka lang sa kanya di kayo pababayaan ng diyos" anito pa.
" E di ikaw ang magbabantay "ani Jenilyn
" Malamang. Hindi naman pwede si Nana maidad na yun,  si Ritszard naman kailangan ng maaga sa bakery. "
" Ang hirap talaga ng napasukan nyong sitwasyon ni pogi." ani Myta
" Oo nga, narito na 'to wala laming magagawa! "napailing
SA lalapit ang binata" room 205 tayo sa third floor" iniabot sa kanya ang mga reseta three hundred a day tatluhan. "
Pinauwi na nila si Nana Sela hatid ni Ritszard babalik ang huli para dalhan siya ng pagkain at pamalit na damit, napagkasunduan nilang hanggang ten ng gabi magiistay ang lalaki para may kahalili siya sa nagliligalig na bata. Siya baka mag absent na muna.
SA mata ng mga kasama nila sa room walang di  naniniwala na pamilya sila panay ang bulungan ng mga ito.
"Kaya pala naman  kay gwapo ng baby ay kaygaganda ng magulang." bulong ng isang bantay sa kapwa bantay
" At kay babata pa." sagot ng kausap
SA papaano'y halili sila sa pahehele sa nagliligalig na bata.
DI nakatiis ang karatig nila " neng, ilang taon ka na?"
" Sixteen po."
"Ay, kay bata pa nga!" anito sa katabi
Nagkatinginan sila ni Ritszard Di man hayagang magsalita alam nilang pinagkamalan na naman sila.
Nakangising bumulong ang una " aga mo kasing lumandi." Di napigilang mapahagikgik pinagpapalo naman niya ito. Inirapan
Kinabukasan maagang pumalit si Nana Sela kaya maaga siyang naka uwi, natulog siya sandali at nag half day sa school.
Ang may idad na babae na ang nakausap ng doktor
"Apo nyo po."
" Alaga ko dok."
" Ang babata pa ng parents parehong teen-ager"  ang doctor
" Dok, mga kapatid sila." sagot niya
"Ohhh.., pasensiya akala ko-" Di naitinuloy ang sa sabihin " nasaan ang parents nila?
" Patay na po. "
" Ano..? " sabi ng kausap
Napaantanda ang isang nakikinig" Jesus maryosep!!! "
" Aba'y lahat kami rito ay nag akalang mag asawa sila, kasi di naman sila magkamukha. "sabi ng isang may idad na bantay.
" Kapag hanggang mamayang hapon ay di na siya dumumi pwede na siyang lumabas bukas. " sabi ng doktor
Nagising ang bata" dah.., dah.., dah.., mah.., mah.., mah... Lingap ang mata nito.
" Naghahanap ng mommy at daddy tulad nitong baby ko." sabi ng isang inang naroroon.
"Oo nga at mah at dah ang tawag nya sa mga kapatid." paliwanag niya
Kinahapunan pag dating ni Rizza Maine kasama uli ang mga kaibigan sinabi ng Nana ang sabi ng Doctor.
"Thank god, mas mabuti nga sigurong sa bahay natin siya  alagaan Nana."
Mah.., Mah.., Mah... Sabay duhapang ng makita ang Ate napakarga.
"Mah. .! ang tawag sayo? " tanong ni Myta "ay, kay pogi daddy?"
" Baby pa kasi siya, talaga raw ganun sabi Nana yun daw ang first word na nasasabi ng baby."
"Wow ha! Sabi ng totohanin na eh." biro ni Jenilyn
" Oo nga! Tutal di naman kayo magkamag anak." banat ni Tina
" Sundan nyo na si Richie boy, malaki  na siya." si Myta uli
"Sabi ng matatanda mabuti raw yung sunod-sunod." naghagikgikan ang tatlo
Pinagtatampal ni Rizza Maine ang mga kaibigang " mag sitigil nga kayo!" pikon
Sinaway sila ng may idad na babae " magsitigil na kayo at baka kung saan mauwi yan."
"Kung ako sayo talagang pipikutin ko yon, ang pogi kaya." ayaw papigil si Tina
" Hindi sila magkapatid?" tanong ng mga bantay na karatig gulat.
" Hindi. Pareho silang dalang anak." sagot ni Nana
Natigil lang ang tuksuhan ng dumating ang binata dala ang tuos ng bills na babayaran sapul ng pumasok sila ng hospital iniabot sa step- sister, napakagat-labi ito ng matunghayan ang halaga na nakasulat doon, kababayad lang nila pareho ng tuition nagkatinginan sila waring pareho ng iniisip.
" May pera ka pa bang naitatabi? marami kasi akong pinagbayaran ngayon malapit na kasi graduation." tanong ng huli
"May konti pero di sasapat" sagot nito napailing
Napahawak sa suot na kwintas si Rizza Maine, napatingin sa suot na relo ng kaharap hinawakan yun "Rizza Maine No..!" hinila ang babae sa  isang sulok
"Nakakaawa naman ang mga alaga ko." Anas ni Nana Sela
" Jenilyn, pasanggla naman nito saTita mo." hawak niya ang isang relo, dalawang kwintas at isang pares na hikaw " isang buwan lang." anito pa
"Siguraduhin mong matutubos yan ha, yan na lang ang natitirang alaala ni Mommy sa akin." nakasimangot
"Ito na rin lang ang natitirang pamana sa akin nina Mommy at Daddy, wag kang mag alala makasisingil tayo sa katapusan." sabi ni Rizza  Maine" kailangan lang nating magtipid ng konti. "
Ang inaasahang kasing G. S. I. S.  Ni Ritszard ay naunsyami dahil malaki pala ang utang ng kanyang ina bago ito nag early retirement sa pagtuturo dahil maselan ang pagbubuntis dahil na rin sa edad nito. Ibinangko na lang niya ang natira at inuunti-unti pang tuition.
Napagalaman din nilang napasanla pala ang kinatatayuan ng bahay, bakery at ilang pintong paupahan dahil ginamit sa pageexpand at sa pagbili ng mamahaling sasakyan, pero nagkasakit ng malubha ang Mommy niya at nagpabali-balik sa hospital kaya nabenta ang sasakyan at nagsimulang malibanan ang hulog sa banko.
Napagalaman din nila mula sa abogado na ng bagong kasal ang kanilang mga magulang ay binigyan lang ng isang buwang palugit ng banko ang kanyang Daddy at rerematahin na ang lahat nilang property. Doon napunta ang retirement fee at ang utang sa G. S. I. S. ng Mommy ni Ritszard.
Dahil sa nalaman nagkasundo silang paghatian na lamang ang kita ng lahat ng negosyong nakatayo sa property nila.
       Si Ritszard ang mismong nagbukas ng gate ng may magdoorbell karga pa niya ang kapatid " anong ginagawa nyo rito?" tanong nya sa tatlong kaibigan
" Langya 'pre tatay na tatay ang dating mo ah!" banat ng sumungaw na si Noel nakangisi
"Birthday ng utol nya(turo kay Noel) iniimbita tayo." sabi ni Joseph
" Sama  ka sa amin." aya nina Paulo at Walter
"Hindi pwede may alaga ako saka-" tiningnan ang kamay na may sabon pa.
Pumasok ang mga kaibigan kaya wala siyang nagawa kundi muling isara ang gate at nagpatiunang lumakad patungo sa likurang bahagi ng bahay sa may labahan.
Nagulat ang mga ito ng makita ang tambak na labahin niya kurtina, kubrekama at marurumi nilang damit.
" Nagka flu kasi si Nana Sela kaya magwaone week ng di pumapasok." paliwanag nya kahit walang nagtatanong
" Pati damit ni Rizza Maine nilalabhan mo?" manghang tanong ni Noel
"Anong masama!?" naiinis siya
"Langya 'Pre daig nyo pa ang tunay na pamilya may Tatay, Nanay at Anak." nagtatawa
"Magkakapatid naman sila anong masama?" tanong ni Walter
"Hindi sila magkapatid pareho silang dalang anak itong baby lang ang kapatid nya." puno ng malisya ang ngisi nito
"Ikaw talaga Noel napakamaliyoso mo, anong magagawa ko, namatay ang father nya tapos sumunod ang Mommy ko, alangan namang pabayaan ko itong kapatid ko! isa pa napakabata pa ni Rizza Maine, kailangan naming magtulungan!" maigting bawat kataga halatang napikon
" magtawa na kayong lahat, ipangalandakan mong nag
babahay-bahayan kami wala kaming pakialam, bakit? May maitutulong ba yang pagiging tsismoso nyo sa buhay namin! "walang nakaimik sa apat" sige na happy birthday na lang sa kapatid mo! " ibinaba sa crib ang kapatid at hinarap ang labahin.
Mula noon iniwasan na niya ng tuloy si Noel kundi rin lang kailangan di nya ito pinapansin.

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now