CHAPTER 11

630 8 0
                                    

          Araw ng Friday dumating si Ritszard na  maraming bitbit“  Saan ang sunog bakit alsa balutan ka yata" biro ng yaya.
“ dito na po uli ako" anito
“ Talaga daddy? Yeheyyy... " sigaw ng bata
“ Totoo ba yan?" duda pa rin ang matanda
“ Matutuwa si 'te mi. "
Kinagabihan nagulat si  Rizza Maine ng datnan niya itong nanonood ng tv
“ gabi ka na." bati nito
“ Maraming trabaho(sagot niya) kumain ka na ba? "
“ Oo three pa lang narito na ako, ikaw kumain ka na ba? "
Tumango ito “ sa coffee shop. "naupo sa tabi ng binata
“ Nalipat ako sa main office kaya mag uuwian na uli ako rito."
“ That's good, paano gf mo pumayag ba? "
Iba ang isinagot nito “  in three weeks time aalis ako mga three to five months akong mawawala."
“ Saan ka pupunta? "
“ Germany, agahan mo ang uwi mo bukas wala na pala tayong stocks dito sa bahay mamimili  tayo. "
Tumayo na siya “ OK, good night kuya sweet dreams." biro niya
Hinagip nito ang isa niyang kamay “ anong tawag mo sa akin? " tanong nito
“ Kuya. ( nakangiti) mas matanda ka kaya sa akin."
Bigla siyang hinaltak nito bagsak siya sa kandungan
“ ayyy... " nagulat
Yinakap siya at hinagkan  nito  sa labi na medyo nakaawang dahil sa gulat  nanlaki ang mga mata niya, di siya nakagalaw lalo itong  naging mapangahas lumalim ang halik nito na nang lumaon ay naging banayad nangrarahuyo, at sa di  niya maintindihang dahilan hindi niya ito nagawang itulak man lang sa halip nanguyapit siya sa batok nito at hinayaang angkinin ng buo ang  kanyang mga labi pakiramdam niya'y tumigil sumandali ang pag ikot ng mundo. Sila lamang dalawa walang iba, ang tamis ng pinagsasaluhan nilang  sandali. Halos pangapusan sila ng hininga kung gaano  katagal sila sa ganong ayos ay di niya tiyak dahil bumigay siya.   “ your so sweet... " anito ng bitawan sumandali ang labi niya para sumagap ng hangin. Noon naman siya waring natauhan naitulak nya ito sabay tayo, mabilis na tumakbo paakyat sa kanyang silid walang lingon.
          Mangiyak-ngiyak “ grabe siya bakit nya ginawa yun! Wala siyang karapatan! Kinuskos ang labing medyo maga. Isinubsob sa unan ang mukha (umiiyak)  ang  tanga-tanga  mo (hikbi) anong mukha ang ihaharap ko sa kanya bukas.  Pero bumigay ka nag enjoy  aminin bulong ng puso nya, hanggang ngayon nga ay dama pa nya ang yakap at halik nito. nakakahiya! sigaw ng isip niya.
Sa iniwang sala nahiga si Ritszard  nakapikit pero naka ngiti kay tamis ng labi niya kay lambot parang gusto kong ulitin uli “I want her" amin niya sa sarili. Pero nakadama rin siya ng  konting takot at pagkabahala baka magalit ito sa kanya palayasin siya, sayang naman ang mga taon na pinag samahan nila ano ba kasing pumasok sa utak niya at bigla niya itong hinagkan.  Nang marinig nya ang winika nito ay bibiruin lamang sana nya ito  tatapikin sa puwit pero ng makita niya ang medyo nakaawang na  mapulang labi nito natukso siya Di nakapagpigil nahaplos nya ang kayang labi bahala na.
          Kinabukasan “ himala! di ka yata nagkukumahog umuwi? " sabi ni Myta
“ Pansin ko rin" sagot ni Jenilyn “ dati kahit five minutes di tayo makatawad sa pagmamadaling makauwi. "
“ For a change kayo naman!"
“ Sige nga, magkwentuhan tayo tutal trapik pa naman" sabi ni Myta
Kwentuhan sila ng Kwentuhan ng sa papasok ang isang waiter sa office nila “ Mam Rizza Maine may naghahanap po sa inyo. "imporma nito
“ Sino?" pero may hinala na siya natigilan siya.
“ Ako! " si Ritszard pinipigilan ng ilang waiter
“ Mam.., nagpipilit pong pumasok!" sabi ng mga waiter
“ Papasukin nyo, kilala namin siya" sabi Jenilyn.
“ Sa susunod pag dumating siya papapasukin nyo agad" sabi ni Myta.
“ Thanks. " sabi ng binata
“ A-anong ginagawa mo rito?" nagblush kinabahan.
Nakatingin ang mga kaibigan nagtataka naghihintay
“ Di ba may usapan tayo kagabi!? " Di man galit ay halata naman ang tampo.
Napaungol ang dalaga lalo na ng mapatingin sa mga kaibigan nasa mga mukha ng mga ito ang panunukso.
“ N-nalimutan ko" aniya
“ O kinalimutan! " naroon ang pag aakusa “ tayo na!" hinagip ang isang kamay ng dalaga “mga mare, pahiram!"
Ngiting-ngiti ang dalawang dalaga “ basta ikaw pare" nag thumps  -up pa ang mga lukaret.
Napasimangot si Rizza Maine tiyak niya katakot-takot na kantiyaw at interogasyon ang aabutin niya bukas sa mga ito napailing siya, lalo at ang brutong ito pa ang sumamsam ng gamit niya, lalo at lahat ng madaanan nila ay nangakatingin nagtataka “ sino yun? "tanong ng ilan
“ Ano ba!? Dahan-dahan naman! Saka bitiwan mo nga ako!" sikmat niya
“ Wala ka talagang balak na siputin ako ano? akusa nito habang nagmamaniobra ng sasakyan palabas ng parking lot.
" Naiinis kasi ako sayo! (nakairap) tapos eto pa another kasalanan mo na naman sa akin! siguradong uulanin ako ng tanong ng mga iyon bukas."
Bumaling ito sa kanya ngumisi “ kasalanan mo yan! kaya uli-uli wag mo akong iindiyanin maliwanag! at tungkol dun sa kiss na ipinagmamarakulyo mo kasalanan mo rin yun! binalaan na kita di ba! At sa susunod di lang halik ang matitikman mo!"
Nanlaki ang mata ng dalaga “ grabe ka ha! (umirap) bakit ayaw mo akong Ituring na kapatid?" tanong niya pero siya man sa kanyang sarili ay yun din ang nadarama gusto lang niyang magbiro kagabi.
“ Ayoko! "
“ Hindi ka man lang ba hihingi ng sorry sa ginawa mo? "
“ Hindi! I enjoy it" ngiting - ngiti
Na lalong ikinagulat ng dalaga“ kainis ka! "May padyak pa
             Tama siya kinabukasan bumubungad pa lamang siya sa pinto ng opesina nila “ anong ibig sabihin ng palabas nyo kahapon?" tanong ni Jenilyn
“ May something na kayo ni papa Ritszard  ano? " susog ni Myta ngiting- ngiti
“ Wala!  sabi niya
“ Wala.!? Tell it to the marines " sabi ng mga ito.
“ Nainis kasi ako sa kanya nung isang gabi, tinawag ko lang siyang kuya sukat halikan ako. " nulas sa bibig niya na pinagsisihan nya pakatapos dahil sa reaksyon ng mga ito. Natutop niya ang bibig
“ What.!? "
Napapadyak siya “ ano ba kayo!? Ang boses nyo dinig hanggang Makati, bakit ko ba nasabi  sa inyo? "
Kinikilig si Myta “ masarap ba siyang humalik?" sabay sundot sa tagiliran niya
" Awww... "
Para namang kinikiliti si Jenilyn “ gaano katagal  five minutes, ten minutes sabihin mo. "
Pulang - pula naman siya sa hiya pinagkukurot niya ang mga kaibigan “ magsitigil nga kayo! " asar na asar
“ Uy.., nagbablush." tukso ni Jenilyn
“ Nadedebelop na sila aminin..." si Myta “ ibang level na relasyon nila. "
“ Nagenjoy siya, aminin." tukso ng dalawa parang sinisilihan ang mga hitad.
Naitirik niya ang mga mata tapos nagmartsa palabas patungo sa kitchen.
“ Pikon..! " sigaw ng mga ito
Akala niya at iniwan na nya ang mga ito ay titigilan na siya di pala “ Mars, anong feeling ng makulong ka sa mga bisig niya?" tanong ni Myta nakangisi
“ Aminin na kasi may something special between the two of you. " kilig na kilig si Jenilyn “ Konting push pa mare, at matutuklasan nyo na you are meant to be. "
Naghigh five ang dalawa “ tumpak!!!" susog ni Myta
“ Pwede ba magsitigil kayo! Nawawalan ako ng gana ang iingay nyo bakit ba di ang pagkain ang atupagin nyo. "
Ngumisi si Myta “ ang ganda ng magiging ending ng love story nyo ni  papa Ritszard." ayaw paawat
“ Gusto ko ng bigyan ng second chance si Fredmore kaya tigilan nyo ako. "
Sumimangot si Jenilyn “ bakit mo siya bibigyan ng second chance eh  di nga tumagal ng two weeks ang relationship nyo dahil hindi mo siya talaga mahal, may mahal kang iba di nyo pa lang yun narerealized."
“ Baka gusto ng sakit ng ulo. " si Myta
DI siya nakakibo may punto ang mga kaibigang pero? Ito ang kasagutan  sa.., ewan... Bulong nya sa sarili
         “ Mabuti umuwi ka ng maaga at walang buntot. " salubong ng binata
Pinangunutan siya ng noo “ anong buntot, sinong buntot? Diretsuhin mo" naasar siya
“ Si Fredmore 'Te mom" sagot ni Richie boy na katabi ng kuya nito.
“ Anong atin? " tanong niya
“ Kung nakakain ka na ng hapunan sumama ka sa akin. mamimili tayo."
" Yun lang pala kung ano-ano pang sinasabi. Tayo na."
“ May important ka bang lakad sa friday? " tanong nito
“ Wala naman." sagot niya
“ Luwag ang schedule mo kung ganon, wala kang date?"
“ Wala nga! Kahit sa bakery o sa coffee shop pwede akong umalis kahit anong oras. " naiinis na talaga siya rito ang kulit. Nang maka Park ang sasakyan di na nya inintay na makababa ito umuna na siya papasok ng mall.
“ Ibinili  nito ng damit  ang kapatid saka si Nana Sela di na lang siya kumibo, marami rin itong pinamili para sa bahay.
Bago sila naghiwalay ng gabing iyon iniabot nito sa kanya ang mga damit na binili nito na inakala nyang para kay Salve.
“ Ano 'to?"
“ Para sayo."
“ Bakit anong okasyon? "
“ Punta tayo sa Enchanted Kingdom sa friday suot mo."
“ Ano!? Hindi pwede! "
“ Sabi mo kanina pwede ka." iniwan na siya nito pumasok ng silid
Napailing siya “ ano yun! Kung mag demand grabe! Bahala siya hindi ako pupunta. " nagmartsa papasok sa sariling silid. Tinanghali siya ng gising nababaan nya ang mag yaya na panay ang sukat ng mga damit na binili nila kagabi tuwang-tuwa ang dalawa.
“ Bagay na bagay sayo ang t shirt na yan pati yang cargo short apo poging - pogi ka."
" Pati po yang damit na bigay sayo ni daddy ang ganda rin po. " puri ng bata
“ Ngayon lang ako makapagsusuot ng ganito kagandang damit." ngiting-ngiti “ isusuot daw natin ito sa biyernes. "
Napansin siya ng bata “ 'Te mom maganda ba? "
“ Syepre naman isa yata ako sa pumili nyan. " sagot niya
“ Sasama ka ba neng?"
“ Baka ho hindi, maraming trabaho sa coffee shop."
Biglang nalungkot ang bata “' Te mom sama ka na please..." samo ng bata “ first time ko lang makakarating sa enchanted kingdom gusto ko sana kasama ka, mas masaya. "
Nakikinig lang ang may edad na babae sa usapan ng magkapatid pero halatang nalulungkot din “ sayang na mam. "anito
“ Hindi pa ako nakakarating doon sabi mga class mate ko maganda roon lalo na pag kasama ang family  ang saya raw." nakayuko
“ Kasama mo naman si Kuya dad mo saka si Nana. " aniya
“ Pero mas masaya syempre kung kasama ka." binalingan ang yaya “lola sabihin ko kaya kay dad wag na lang kaya tayong tumuloy sa susunod na lang pag pwede na si 'Te mom. "
Nahabag naman siya sa kapatid niyakap ito.
            Labag man saloob niya alang-alang sa nakababa tang kapatid napilitan siyang sumama sa outing, katiyap pala nito ang pamilya ni Paulo at ang magnobyong Walter
at Lucille.
Amaze na amaze si Richie boy sa mga nakikita 'Te mom sakay tayo sa horse. " ungot ng bata.
“ Nana samahan nyo si Richie boy." utos ng binata “ dito tayo" sabay hila sa dalaga “ dun tayo sa roller coaster. "
" Kayo na lang, Nana ako ang sasama kay Richie. " anito
“ Hayaan mo na siya kay Nana Sela tingnan mo mga anak ni Paulo, kasama rin ang kanilang yaya."
“ Takot ako sa heights ( kahit hindi) bulong niya rito
“ Kasama mo naman ako face your fear. " tulak siya nito
“ Ritszard, I hate you!"  ng bumilis ang sinasakyan nila nagtawa lang ito.
Pagkababa nila hila naman siya nito sa space shuttle tapos sa anchor  away pila rin sila sa duyan, ng makababa sila kinailangan na siyang alalayan dahil sa hilong nadama niya halos nakayakap na siya rito habang pinagkukukurot at pinagtatatampal niya ito na walang ginawa kundi tumawa. Wala siyang pakialam kahit pagtinginan na sila. “ ang sama mo.. ! Kainis ka.. ! "
Lumapit sa kanila sina Paulo “ ang sweet nyo naman." ngiting-ngiti
“ Sweet ka diyan! hilong-hilo na ako! "reklamo niya
“ Dun pa tayo" turo ni Walter sa balloon
“ Pass muna kami baka magsuka na ito (turo sa katabi) nakakahiya" sabi ni Ritszard.
“ Honey ayoko na rin, mamaya na uli. " sabi ni Paulo
Naupo na lang muna ang tatlong babae kasama si Walter sina Ritszard at Paulo  naman ay naghahanap sa mga tsikiting.
Nagkatinginan sina Rizza Maine at Christine panay kasi ang lambingan ng magsing-irog sa tabi nila
“Takot ka sa heights?" basag ni Christine sa katahimikan
“Di naman, kaya lang sunod-sunod ang sakay natin nakakahilo rin pala."
“ Sabagay.., nahilo rin ako pero masaya, parang nanariwa sa alaala ko nung magboyfreind palang kami ng honey ko ang sweet nya. "
“ Bagay talaga kayo " sabi ng una
“ Bagay din kayo."
Napasimangot siya “ bakit kasi hindi isinama ang girl freind nya, yan tuloy ako napagtripan."
“ Wala na siyang girlfriend break na. "
“ Ha..!" gulat
“ Hindi mo alam? "
“ Nung isang araw tinanong ko siya kung bakit wala si Salve di naman sumagot."
Umiling ang babae “ napakalihim talaga nyang si pareng Ritszard."
“ Ano kayang dahilan ng break - up nila? Sayang naman..."
“ Bakit ka nanghihinayang? " tanong ng una
“ Kasi pakiramdam ko mahal na mahal nila ang isat-isa. "
Nagkibit balikat na lang si Christine ayaw nyang sa kanya manggaling at baka masabihan siyang tsismosa.
             Kinabukasan tampulan na naman siya ng tukso ng mga kaibigan sa papaano'y nakaapload sa face book ang naging lakad nila kahapon.
Iniaaro sa kanya ni Myta ang cellphone “ O, wala ka ng pwedeng ideny ayan ang mga ibidensiya. "
Nakalantad ang mga picture nila ni Ritszard na karamihan ay magkaakap, may mga kuha pa nga na halos nakasubsob na siya sa dibdib ng binata na ngiting-ngiti naman.
Lapit si Jenilyn nakiusyoso “ how sweet naman" anito “ kaya ka pala namaalam nung Friday may lakad ka, first date nyo? "
“ Of course not! Hindi yan date, paalis na si Ritszard kaya ipinasyal nya si Richie boy kasama ang family ni Paulo, at ang mag boyfriend na  si Walter at Lucille " at ipinaliwanag nya sa mga ito  ang mga nanyari kung bakit ganon ang mga kuha nila “ hilong-hilo na ako sa mga picture na yan" pagdidiin niya pero di kumbinsido ang mga ito.
“ Hindi mo kami isinama. " biro ni Tina
“ Di nga sana ako sasama kaya lang panay ang ungot ni Richie boy naawa naman ako, yun pala ay bonding ng magkakaibigan."
“ Bakit wala yung gf nya? " tanong ni Tina
“ Kayo na ba?" tanong ni Jenilyn
“ Hindi. " tanggi niya Inis inis tuloy siya kay Paulo dahil ito ang nag apload ng mga picture, kaibigan ito sa face book ni  Myta.

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now