CHAPTER 19

587 6 0
                                    

Napagdidiskitahan na naman si Rizza Maine ng mga kaibigang tuksuhin " friend, anong naging pagba bago ng samahan nyo sa bahay ni papa Ritszard? " tanong ni Tina
Nangunot ang noo ng dalaga " what do you mean?"
" Yung.., yung pakikitungo nya sayo nagbago ba? "
" Ang ibig nyang sabihin naging extra sweet ba siya, naging malandi, romantiko ganun ba." sabi ni Jenilyn
" Kayo talaga! diretsahin nyo na lang, ilang beses ka na ba niyang pinasok ng kwarto o vice versa" si Myta
"Ikaw talaga Myta laging berde ang laman utak mo "sabi ni Jenilyn
Lumabi ang babae " kundi ko pa alam yun din ang gusto nyong malaman mga ipokrita!" anito
Nagtawanan sina Tina at Jenilyn " grabe ka ha. " dweto
Itinaas ni Rizza Maine ang kamay para tumigil ang tatlo
" kung dati caring na siya ngayon extra caring siya, dati behaved siya ngayon may pagkaaggresive siya, hindi pa namin ginagawa ang iniisip nyo kasi di pa alam ng mga kasama namin sa bahay ang relasyon namin nakuha pa kami ng tyempo. Lalo na kay Nana Sela. "
" Ang tagal naman..!" angal ng mga kaharap
Napatirik ang mata ng dalaga" two weeks pa lang kami. "
          Magkayakap ang dalawa nagkukulitan na naman nagkikilitian " ano ba! ang kulit mo" ani Rizza Maine pero nakangiti.
Bigla siyang kinabig ng binata hinagkan sa labi " ay anak ng kalabaw... " sabi ng nagulat na matanda pababa ng hagdanan.
Agad namang naghiwalay ang dalawa " Nana kami na." dweto pa
" O kailan ang kasal? " tanong nito lumapit
" Nana! Kasal agad!?" sabi ng dalaga
Sumagot ang binata " di ba pwedeng engaged muna ? Gusto ko pang mafeel kung paano siyang maging girl friend." anito pa
Umismid ang may edad na babae " Asus..! Makakatiis ka kaya lalaki na paholdi-holding hands lang, pakiss-kiss at ikaw babae di ka kaya madarang at matukso? alalahanin ninyo  nasa iisang bubong kayo. " dinilatan pa sila bago biglang ngumiti " akala ko di na darating ang araw na ito, muntik na akong mainip, bakit ba ngayon lang? Naghalukipkip pa.
" Anong.!? kunot noong tanong ni Ritszard.
" Bakit ngayon nyo lang natuklasang inlab pala kayo sa isa't-isa ha.. !"
Nagulat ang magnobyo " Nana.!?"
Muli itong nandilat " anong nakakagulat!? Tinginan nyo pa lang minsan ay selosan at tuksuhan buking na buking na kayo."
Nagkatinginan ang magsing-irog " ano pong ibig nyong sabihin? " naguguluhan
Lumabi ang matanda " hay naku..! ikaw Ritszard sa palagay mo ba! bakit bantay sarado ka ni Salve? Hala nga sagutin mo ako, di ba dahil sa selos, kapag dumarating ka rito na may manliligaw ito( turo sa dalaga) sumisimangot ka nawawala ka sa mood. Naawa nga ako sa nobya mo siya ang katabi mo pero dito ka nakatingin. At ikaw babae (dinuro pa) pilit mong ibinabaling sa iba ang tingin mo pero lagi kang bigo wa epek..! kasi aminin mo siya rin ang laman ng puso mo!" Mahabang litanya nito
" Di totoo yan! " dweto pa,
" Pagkukurutin ko kaya ang singit nyo(sikmat nito) kaya nga ba parati kayong tinutukso ng mga kaibigan nyo, at anong dahilan at ayaw nyong magturingan bilang magka patid Aber!!!"
Di agad sila nakakibo " ang dumi ng isip nyo Nana. " sabi ng binata
" Hoyyy..! di madumi isip ko nagsasabi lang ako ng totoo! "
" Nana!? sindak na sabi ni Rizza Maine
" Nana!!!( gagad nito) kailan ang kasal?" ulit nito
" Wala pa nga! di pa namin napag uusapan" sabi ng binata
Umirap ang matanda" baka mauna pang mabombo kaysa makasal alalahanin nyo mag kasama kayo sa bahay sabagay (ngumiti) ganyan din kami ni Kardo ko, kaya sobra ang galit ng tatay ko agad-agad kaming ipinakasal kasi lumalaki na ang tiyan ko. "
“Ay si Nana may kalandian din pala." sabi ni Rizza Maine
“ Inlab eh...(Umirap) saka si Kardo ko pag di pinagbigyan nagtatampo. " kinikilig
Nagkatinginan ang magnobyo " di naman siguro aabot dun" sagot ni Rizza Maine
Muling umismid ang may edad na babae " ipapuputol ko itong isa kong daliri kung makakatiis kayong di lumam pas sa nararapat yang mga edad nyo kapusukan ngayon palang dito sa sala ano yang nadatnan ko haaa! Haaa..! halos ayaw nyo na ngang maghiwalay. Ang magnobyo kaya laging magkasama bukod sa pag-ibig ay upang magkakilala ng lubusan, maayos ang konting pagkakaiba sa paniniwala at alituntunin sa buhay. Ay kayong dalawa ano pa bang kailangan niyong tuklasin sa isa't-isa ultimo kaliit-liitang topak ng bawat isa ay alam nyo na. Aba! Pakasal na kayo..!"
Iniwan na sila ng matanda muling nagkatinginan at nag kangitian ang dalawa “ masyadong advance ang isip ni Nana" sabi ni Rizza Maine
“ May point naman siya, di ako nangangako na ganito lang ang gugustuhin kong mangyari, mga adult na naman tayo, responsible sa bawat gagawin natin di ba? "
“ Sabagay .., tama ka diyan pero gusto ko pa ring huwag magpadalos-dalos." ayon ng babae
“ Saka di naman kita pipilitin kung ayaw mo pa. "
“ Alam ko naman yun. "
            “ Baby may ibabalita  sila sayo " sabi ni Nana nasa sala sila noon
“ Lola naman!!! (May padyak pa) di ako baby pang girl lang yun!" reklamo nito
“ Oo nga naman Nana"sabi ni Rizza Maine
“ Ganyan yan(nakairap) di ba kaya nga may boy yung name ko kasi di ako girl. "
“ Ay sori na, alam mo namang may edad na si Lola makakalimutin na. " kumindat
Bumaling ito sa magkatabing magnobyo “ ano po balita? "
Siniko ng dalaga ang binata “ ikaw na. "
“ Richie boy di na tayo aalis dito kas-. "
“ Talaga po? (napatayo) ang saya naman! sa totoo lang Kuya ayoko talagang umalis wawa naman si Ate mag iisa dito. " yinakap pa ang mga kapatid
Biglang hinagkan sa pisngi ni Ritszard ang katabi sabay akap nanlaki naman ang  mga mata ng bata “ Bakit? " tanong nito
“Kami na. " sabi ng binata
Nangunot ang noo ng bata “ ano yun?"
Nagkatinginan ang mag kasi nalito “ ikaw magpaliwanag" sabi ng babae
Napakamot sa ulo “ ang hirap" anito “ parang si ninang Jenilyn magpapakasal din kami  kasi mahal namin isa't- isa kaya kami na. "
“ Wow..! Di magsusuot uli ako ng magandang damit tapos maglalakad uli ako sa simbahan." nangingislap ang mga mata nito “ kailan? "
“ Di pa ngayon," sabi ng dalaga
“ Pero malapit na. "sagot ng binata
Tinampal niya ng mahina ang nobyo “ sige ka baka umasa na agad ako." biro niyang totoo
Pinisil nito ilong niya “ malapit na sabi. "
“ Ang sweet!" sabi ng yaya “ nakakakilig! "
            Nagising siya na may yumayakap sa kanya“sinong?    Ritszard? anong ginagawa mo rito? "
“ Ilang araw  na tayong di nagkita na missed kita" bulong nito panay ang halik
“ Kainis ka sandali, " pero hinahayaan lang niya ito dahil missed na rin niya ito.
“ Antok na ako tulog na tayo  paakap lang."
“ Akap lang ha. "
Ganon malimit ang nangyayari sa kanilang dalawa pag  may pagkakataon kahit saglit lang  sisingit ito para makapiling siya.
Pero malimit mapurnada ito kapag biglang pumasok ang kapatid “ anong gawa mo dito Kuya dad? "
“ Ikaw anong ginagawa mo rito? " balik tanong
“ Gusto ko dito matulog dun ka na sa room mo. " taboy nito“bukas dun naman ako sa tabi mo tutulog."
“ At bakit? "
“ Missed ko na kasi kayo."
“ Magsabi ka ng totoo! binabantayan mo kami ano? "sabi ng lalaki “ siguro turo yan ni Nana
“ Hoy..! wala akong alam diyan" pero nakangisi
Hinila palabas ang kapatid “ dun tayo, panira ka ng moment. "
“ Bhe..!" sabi ng dalaga
“Lagot ka sa akin bukas" bulong nito
Para namang binabad sa suka sa sobrang putla ng dalaga di siya makatingin ng diretso sa Yaya dahil titig na titig ito sa kanya
“ O ano? naniwala na kayo sa akin, sinabi ng mag pakasal na at di ganito na kapag nakakita ng pagkakataon ay agad sumasalisi. " napailing pa ito
“ Paminsan-minsan lang po nangyayari ito." anas niya
“ Ang sa akin naman ay paalala lang. "





                                                 

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now