CHAPTER 9

735 5 0
                                    

" Busy ka ah.., "bati ni Myta
"Maraming order" sagot ni Rizza Maine
" Hapon na nga yang dumating" maktol ni Jenilyn
"Alam nyo namang kailangan din ang pamamahala ko sa bakery, di ko yun pwedeng pabayaan. "
" Maiba tayo ng usapan kasundo mo ba gf ni Papa Ritszard? maganda ba? " tanong ni Myta
" Mas maganda ako! (nakangiti) di kami nakakapag usap kasi laging nakapulupot kay Ritszard. "
" Malimit bang kasama?" tanong ni Jenilyn
" Halos kada Friday kasama. "
" Pero aminin mo nalulungkot ka. "sabi ng huli
" Medyo! Nasanay na kasi akong lagi siyang available para sa amin Seryoso na yata siya kay Salve."
" Freind, tanong ko lang sigurado ka bang wala kang special feeling sa kanya? "si Jenilyn uli
Napatigil siya sa kanyang ginagawa " what do you mean?"
" Sa tagal na ninyong magkasama wala bang nade
develop? umamin ka. "sabi ni Myta
Napaisip siya matagal "ewan." naisagot niya
" Talaga..! " dweto ng mga kaibigan
" Ang alam ko lang takot na takot ako ng mamatay si daddy baka apihin nila ako, ni hindi ako naihabilin ng ayos, tapos namatay pa si Tita lalo akong natakot nagkababy pa. Siya ang naging sandigan ko. " amin niya tuluyang bumalik sa alaala niya ang nakaraan.
""Rizza, Maine, Rizza Maine" pandalas ng katok sa pinto na agad nyang binuksan luhaan din siya. " bakit iyak ng iyak si baby? " tanong nito
Umatungal din siya " ka-kasi antok na antok ako kaya natapon ang gatas ayan di makapag intay sumakit yata ang tiyan sa kaiiyak."
Kinuha nito ang karga nyang baby " siya tahan na " amo nito pinahid ng laylayan ng suot nitong damit ang luha niya ipinag hele ang bata " kunin mo ang mansanilya ipapahid natin sa tiyan ni Richie boy, tahan na(samo nito) inaantok din ako, konting tiis lang malalagpasan din natin ito."
Lagi silang puyat pag wala si Nana Sela lalo na pag sa kanya natoka dalawa silang puyat.
" Hoy..! natulala ka na diyan!" sabi ng mga kaibigan
" Di ba sabi sa isang kanta ang "ewan" at para na ring Oo" tudyo ni Myta.
" Di ko alam, di ko masabi basta ang alam ko naging good provider siya hindi lang kay Richie ganon na rin sa akin, kaya hinahangaan ko siya, at kahit siguro habang buhay ko siyang makasama hindi ako marereklamo. " amin niya
" Kaya walang magtagal sayong relasyon kasi hinahanap mo siya sa iba." sabi ni Jenilyn
" Hindi naman! " tanggi niya
" Akala mo lang hindi, pero siya ang batayan mo sa pag hahanap ng boyfriend." si Jenilyn "sinabi na naman namin sayo akitin mo na." sabay tawa
Pinagtatampal niya ang mga kaibigan " mga lukaret..!"
Dala niya hanggang bahay ang naging topic nilang mag kaibigan at noon niya inamin sa sariling masaya siya pag kasama ito. Kahit anong sabihin ng iba wala silang pakialam. At ngayon nakikita nyang seryoso na ito kay Salve nasasaktan siya natatakot na mawala ito sa buhay nila, ano nga ba itong nararamdanan niya at tama ang kanyang mga kaibigang ito nga ang batayan niya sa paghahanap ng boy friend, naguguluhan na nalilito napuyat tuloy siya sa kaaanalisa.
Lalo siyang nasasaktan ng halos kada uuwi ang binata ay kasama nito ang nobya guardiyado sarado ika nga sa basketball, Di na sila nito makapagkwentuhan man lang tulad ng dati, sa pamamasyal ay kapit-tuko ito kaya sinikap nyang ibaling sa iba ang pansin.
Binigyan niya ng pagkakataon ang isa nyang manliligaw si Fred more, sumasama siyang lumabas dito at malimit itong madatnan nina Ritszard sa bahay nila at tanguan lang ang batian ng dalawang lalaki at isa pang problema nya ay di ito mapalapit sa bunsong kapatid pag dumarating ito malimit mag tantrum ang bata pag nandun naman si Nana Sela lagi itong nakabuntot nangungulit.
       " Hurmmm...  Hurmm... "
Napaangat ang ulo ng naglalabang si Nana Sela " ikaw pala mamm Salve, may kailangan kayo?"
" Wala naman, wala lang akong makausap sa loob. " anito
" Akala ko ho nakaalis na kayo?"
" Ihahatid daw muna ni Ritszard yung magkapatid sa simbahan babalikan na lang ako."
Akala ng matanda ay umalis na ang babae kaya itinuloy niya ang ginagawa nang; " Aling Sela pwede bang magtanong ng ilang bagay?"
" Tungkol ho saan mamm?" tuloy ang kusot
" Tungkol ho kay Ritszard at sa pamilya nya."
" Wala ho akong gasinong alam. "
"Pero matagal na kayo ritong naninilbihan. "
" Opo kay mam Madelaine labandera po nila ako."
" Yung unang asawa ng daddy ni Rizza Maine?"
ang matanda sa alaala
" Bakit ho" na curious
" Aba ang brutong bata hinahanap ang kapatid sa libro, sa loob ng bag at kahit daw sa telephone derectory panay ang buklat tapos sasagot sa ina ng wala po rito. Ganon din si Rizza Maine kapag inutusang tawagin mo ang kuya mo ikot naman ito ng ikot hanap sa kabinet, sa likod ng mga devider, sa ilalim ng sofa, at maging sa sulok-sulok o ilailalim tapos sisigaw ng wala po rito. "
" Kaya hinayaan na lang!" nayayamot
"Siguro po, saka nakikita raw nilang alagang-alaga ni Ritszard si Rizza Maine. "
" Inaalagaang paano?" nababagot
" Kapag ipinahahanap ni Sir ang bata darating itong akay ang bata, at pag may lakad ang pamilya lagi itong nakaalaalay.
" Baka utos yun ni Mister Avila"
" Hindi ko po alam. "
        Alam niyang di rin niya makakausap ang step- brother kaya inabala niya ang sarili sa pagaayos ng libro ng bakery para hindi siya maapektuhah ng paglalambingan ng magkasi ng lapitan siya ni Salve
" Pwede ba tayong magusap?" tanong ni Salve
Ngumiti siya " tungkol saan?" tanong niya itinabi ang mga hawak at hinarap si Salve.
" Tungkol sa relasyon meron kayo ni Ritszard yung.., yung..,(lumunok) yung pagmamadali nyang umuwi kada Friday o basta may pagkakataon." nasabi rin
Hindi kumibo ang una tinitigan ang kaharap " anong gusto mong ipahiwatig?" tanong niya
" Talaga bang kailangang gawin nya yon? "
" Hindi ko siya inuobliga malaki na si Richie boy."
" Alam ba nya yun? " nagdududa
Tumango si Rizza Maine " minsan ay napag usapan namin, nakapag abroad na nga siya di ba? "
Alumpihit si Salve " kailangan yun, utos ng company. At kung sakaling magpakasal kami ibibigay mo ba si Richie boy? "tanong nito
" Oo kung gusto nya, pero di ko ipipilit mahal ko ang kapatid ko."
" Sabi niya siya raw ang magpapalaki sa bata. "
" Humugot ng malalim na buntong hininga si Rizza Maine " para maintindihan mo kung bakit siya ganon, two weeks pa lang si Richie boy ay nagkatulong na kami sa pag aalaga sa kanya kahit gabi kapag wala si Nana Sela halili kami."
" Ganon..!? " Di makapaniwala
" Ganon nga! Nang mamatay si Tita sa panganganak naiwan sa aming dalawa ang obligasyon ng pagpapalaki sa kanya, kaya di mo siya masisisi kung bakit mahal na mahal namin siya. "
" Eh yung.., yung.., (alanganin) sa inyong dalawa anong score?" waring kinakabahan
" Ano bang problema? nagseselos ka? "
" Di mo ako masisisi mag kasama kayo rito sa bahay hindi kayo magkano-ano, hindi mo siya itinuturing na kapatid."
" Saan mo naman nakuha ang ideyang iyon? Nobya ka niya di ba maliwanag na mahal ka niya? wala ka palang tiwala sa kanya. "
Di agad nakakibo ang babae " sana nga ay wala akong dapat pagdudahan (tumayo na ito) salamat sa oras. "

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now