Chapter 2

2.6K 5 0
                                    

Napaupo sa naroong sofa ang binata nakatukod sa dalawang tuhod ang dalawang siko nakasabunot sa buhok ang mga kamay, nakayuko.tama ba ang nagging pasya nya!mahal nya si Karen pero mahal din nya ang kapatid at alam niyang higit ang pangangailangan nito sa kanya. Sa ganong kalagayan dumaloy ang alaala niya dalawang buwan na ang nakakaraan ng kunin nila sa ospital ang kapatid. "tayo na Rizza Maine hinihintay na tayo sa ospital." halata nya sa mukha ng kausap ang pagkalito at pag aalala, bagaman at nakabihis na ito di naman tumitinag sa pagkakaupo. "Rizza Maine..!" SA malakas na tinig medyo nagulat pa ito.
"tapos...,paano..?saan natin siya dadalhin?" tanong nito
" dito..!" sagot niya
" sinong mag a-a-l-a-g-a?" tanong uli nito "hindi ako marunong mag alaga" wala sa loob na sabi nito.
Napatitig siya rito matagal, maya-Maya Napaupo siya sa tabi nito napaisip, noon lang waring nag sink-in sa utak niya ang sinabi ng stepsister, paano nga! tanong niya sa sarili siya man ay wala ring alam sa bagay na iyon amin niya sa sarili "paano nga?" tanong niya sa katabi. Sa papasok ang kanilang labandera si Nana Sela dala ang plato at basong ginamit sa pagmimiryenda "Nana..!" tawag niya
"bakit toy?" tanong nito( toy ang indearment nito sa binata) paano yun, kailangan na naming kunin ang
kapatid namin( nasa mukha ang kalituhan) wala kami parehong alam sa pag aalaga, anong gagawin namin?"
Natigilan din ito napaisip "papaano nga?" naupo na sa tapat ng dalawang teen- ager.
" Help us naman po!" samo ng dalagita
"Sige tutulungan ko kayo  may katanungan lang ako."
"Ano po yun? "dweto pa
" Handa ba kayong alagaan ang bata? "
" Opo "dweto uli
" Kaya nyo bang magsakrapisyo? "
Nagkatinginan sila, si Rizza Maine ang unang nakabawi" I ibinilin siya sa amin ni Tita alagaan daw po namin. "
" Siya nga po at pareho kaming nangako. "ayon ng binata
" Kung ganon kailangan nyong mag aral magtimpla ng gatas, magpalit ng diaper at magpuyat. "
" Bakit po? " naguguluhan sila
" Aba syempre naman, kailangan ko ring umuwi sa pamilya ko paano na ang baby kundi kayo marunong. " anito
Muli silang Nagkatinginan "kaya ba namin yon?" tanong nila
"  Kailangang kayanin ninyo, kundi nyo naman kaya may solusyon naman ipamigay nyo na lang ang bata." suhestyon nito dahil alam niyang marami ng gustong umampon sa bata.
"Ayoko po" panabay na sagot
Isang tikhim ang nagpabalik sa kasalukuyan sa binata nag angat siya ng ulo "Nana..."
Puno ng simpatya ang tingin nito sa kanya maya-Maya " talagang napakahirap ng pinagdadaanan nyo ni Rizza Maine sa ngayon Ritszard, kung magbiro ang tadhana labis-Labis."
" Nana naguguluhan ako, nalilito" amin niya " bahay ito ni Tito Rigor at ng una nyang asawa wala akong karapatan dito, kaya kailangan Kong umalis."
"Pinaaalis ka ba ni Rizza Maine?" tanong nito
Umiling ang binata "hindi pa naman po."
" Hindi ba dapat ngayon kayo magtulungan, kailangan nyo ang isat-isa para sa inyong kapatid, anak wag mong takasan ang responsibilidad na di man sinasadya ay napaatang sa balikat nyo ni Rizza Maine alalahanin mo napakabata pa niya. Paano kung Iwan mo siya at maisipan nyang ipaampon si Richie boy dahil sa di pa rin niya kaya masisisi mo ba siya? "
Natigilan ang binata paano na ang kapatid, saan nya itohahanapin. siguradong di nya na ito mababawi. kinilabutan siya.
     " O mukha ka na namang byernes Santo beautiful girl" bati ni Leni sa kadarating lang na amo.
"Yung gagong si Ritszard nakakainis."
" bakit anong nangyari?" nakatalikod dahil may bumibili.
Nang makaalis ang bumibili saka lang nagkwento ang amo " ang gagong yun tatakasan ako!" simula niya may arte pa.
"Talaga! Ibibigay mo si Richie boy." di makapaniwala
Bumuntong-hininga ito "Oo di ko kasi kayang mag isa so, naisip ko mas mapapabuti siya kina Ritszard at Karen, kaso ayaw yata ng bruhang  yun!" nanggigigil
Natawa si Leni sa reaksyon ng kaharap nanlalaki butas ng ilong, naniningkit ang mata sa gigil " tama ang ginawa mo, saludo ako sayo, mas matanda siya sayo kaya, dapat lang na siya ang umako sa responsibilidad sa kapatid nyo, kaya lang kaya mo bang malayo sa younger brother mo?" " Kakayanin, tapos paminsan-minsan dadalawin ko siya dadalhan ng gatas at diaper at kung kailangang dalhin siya sa center para makumpleto bakuna nya. "
" Siguro takot sayo ang Karen na yon, kaya niyayaya si Ritszard na mag live-in, ang ganda mo kaya, tapos nakikipag bahay-bahayan sayo ang syota nya, aba kung ako ang Karen na yon talagang di ako papayag baka mausisa ko kayo na pala. " sabay tawa
Hindik ang dalagita" Ate Leni..! "
" Aminin gwapo, matangkad, macho si Ritszard bagay kayo. " sabay kindat
" Ate..! "mulagat" di ako magugustuhan non, at di ko rin siya magugustuhan sungit kaya nun! "
    Di na inaasahan ni Rizza Maine na madadatnan pa niya ang magkapatid pag uwi niya, pero si Ritszard pa ang nag bukas ng pinto hawak nito ang kapatid pinadedede " mabuti nandito ka na magsaing ka at nakaalis na si Nana
Sela" anito
"Akala ko sumama na kayo kay Karen" di niya maipaliwanag ang tuwang nadama niya ng madatnan ang mga ito.
Umismid ito malungkot " ayaw nya ng instant family."
Dumeretso na siya sa kusina at sinimulang magluto, tulog na ang baby ng dumulog sila sa mesa para maghapunan.
Napapansin ng dalagita ang malimit na pagsulyap ng kasalo sa kanya waring may gustong sabihin "bakit? anong problema may sasabihin ka?" tanong niya
"Tapos na ang forty days ni Mama" simula nito. Nakikinig
naman siya, naghihintay sa idurugtong pa nito" paaalisin mo na ba ako rito? "
" Di ba ikaw ang may gustong umalis " sabi niya.
" Kasi nga tapos na ang forty days ni Mama. "
" So..? " di niya maintindihan ang gusto nitong ipunto.
" Bahay nyo ito, outsider ako! " naiinis
Napatitig siya sa kausap nag iisip ng isasagot muli siyang kumutsara ng pagkain isinubo maya-maya " hindi kita pinaaalis, ikaw itong may gustong umalis, at kahit na siguro gusto kitang paalisin ay hindi maari dahil kay Richie boy kapatid mo rin siya." paliwanag niya
" Paano ang sa sabihin ng  mga tao di tayo magka ano-ano" parang nagpapaliwanag sa paslit.
Napabuntong hininga siya " kapag inintindi  ba natin ang sasabihin ng iba maaayos ba ang buhat ng ating kapatid?"
"P-pero..."
" Kung talagang  gusto mong umalis di kita pipigilan kaya lang isasama mo ang baby hindi  ko pa siya kayang buhaying mag isa"
"Sa totoo lang wala akong mapupuntahan nasa Mindanao ang ilan sa malalayong kamag-anak ni Mama, di ko, naman nakilala ang real father ko, kaya lang naman ako nagkalakas ng loob ay dahil niyaya ako ni Karen hindi na ako uupa ng boarding house, mapagkakasya ko pa ang nakuha ko sa G. S. I. S.  ni Mama"
"Di nagalit ang syota mo?"
Tumango ito "break na kami" anito "papaano ang magiging set-up natin dito? wala akong malaking pera alam mo yun, ang nakuha ko ay sapat lang sa pang tuition ko." mahabang paliwanag nito
"Ituloy mo na lang ang pagtulong mo sa bakery tulad ng dati, yun na lang siguro ang nagiging kapalit ng pagtigil mo rito."
"Paano ang gastos dito sa bahay?" kulit nito
"Puno naman ang mga apartment yun na lang muna ang gamitin natin."
Ilinahad ni Ritszard ang kanyang kamay "deal..."
"Deal..." nakipag shake hands
Nagpatuloy ang buhay ng dalawang teen-ager tulad ng inaasahang naging tampulan sila ng tukso at pagpuna ng mga kapit-bahay.
"O, saan ang lakad ng mag-anak bisteng-biste ah..," ngising- ngisi si Aling Leleng
Napasimangot si Rizza Maine agad naman siyang hinila ni Ritszard papalayo sa umpukang nanunukso "malaki na ah.., pwede ng sundan" pahabol pa Mang Atong
Yun ang kinaiinisan nila kapag lumalabas sila di maaring di  makarinig ng kantyaw mula sa nga walang magawa.
"Kakainis naman ang daming tanong!" sabi ng dalagita
"Hindi ka na nasanay." sabi ng lalaki
"Kahit saan tayo magpunta lagi na lang may nag uusisa."
"Hanggang ngayon ba at di ka pa nasasanay ineng." sabi ni Nana Sela
"Ang kukulit eh."  ang babae
"Wag nyo na silang intindihin, e ano bang pakialam nila! e sa kailangan nyong magsama, wala naman kayong tinatapakang iba, wala naman kayong ginagawang masama, wag nyo na lang silang pansinin titigil din ang mga iyan." sabi ng matanda
   
     

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now