CHAPTER 8

830 5 0
                                    

              Wala sanang balak si Salve na sumama  kay Ritszard pero nang malaman nyang step-sister lang nito ang babae na curious siya sa hitsura nito.
Bago mag seven in the morning  nasa  Las Pinas na sila  “gising na po ba si Richie Nana? " tanong nito matapos silang mapagkilala
“ Naliligo na" hinarap ang nilulutong almusal.
Siya naman ay naupo sa naroroong sofa at nagbasa ng dyaryo habang panay ang tanong ng boy friend niya sa yaya, napansin nyang luma na ang bahay pero malinis at maayos pa halatang alaga.
“Lola, i'm here" sabi ng batang pababa ng hagdanan bihis na  bihis ito, kasunod ang isang magandang babae naka executive suit nakadama siya ng treat
“ Richie look who's here " sabi ng yaya
“ Daddy!!!" napakarga
Nagsalubong ang kilay niya sa narinig na tawag ng bata
sa nobyo niya
“ Ang  pogi naman ni bro, hi Rizza Maine ( bati nito),  may kasama ako. " binalingan siya, agad siyang tumayo lumapit sa nobyo at umabrisyete “ Rizza Maine si Salve gf ko Salve si Rizza Maine my step- sister"
“ Hi! Salve glad to meet you! "  iniabot ang kanang kamay may ngiti sa labi. “ mabuti nakarating ka dito sa amin"  Titig na titig siya sa mukha ng bagong dating, gusto nyang makita ang reaksyon nito, napilitan siyang abutin ang nakalahad na palad " hi..! Rizza Maine" alanganin ang ngiti nya Ang ganda nya bulong nya sa sarili. Nakadama siya ng kaunting takot.
            Sabay-sabay silang dumulog sa mesa sinangag, daing na bangus, at sawsawang suka, may nakahain ding bacon hula nya para kay Richie boy, gatas ang katapat ng bata samantalang kape ang kina Ritszard at Rizza Maine, juice ang hiningi niya sa yaya may sinusunod kasi siyang diet di siya bihasang mag almusal ng heavy. Pinagmamasdan niyang kumain ang tatlo at hindi nya maiwasang isipin kung anong diet ang sinusunod ni Rizza Maine at di ito tumataba gayung magana naman itong kumain.
           “ Anong oras kang uuwi? " basag ng lalaki sa katahimikan.
“ Eight to five ang seminar siguro mga six naririto na ako bakit aalis ba kayo agad."
Tumingin ito sa nobya “siguro dito kami matutulog. "
“ Dito na nga kayo matulog para makagimik naman ako. " nagyayaya sina Jenilyn at Myta dalawin daw namin si Tina nanganak na kasi."
“ Tapos..? " kunot na kunot ang noo."
“ Nagyayang mag disco ang dalawa ihahatid daw nila ako rito." ngiting-ngiti “pleased..."
“ May ka date kayo? "  lalong nagsalubong ang kilay
“ Parang... " napakagat-labi “may iba blind date daw sa akin pinsan ng bf ni Myta. "
“ Bago mag one kailangang narito ka na maliwanag!!!"
“ Yes sir. "
“ San ka pupunta Mommy? " tanong ng bata
“ May lakad kami ng mga ninang mo." sabay tayo “ magba bait ka sa school ha!  wag pasaway." bilin nito
“ Yes po 'te mom. " may saludo pa
           Nang makalabas ng bahay si Rizza Maine hinarap naman ni Ritszard ang mag yaya Nana, Richie lagi bang ganito, alis ng alis ang babaeng yun?"
“ toy di naman, malimit hanggang nine lang, alam mo naman dalaga, kailangan din ng social life sabi nga ng mga kabataan." paliwanag nito
“ Siguro kasama nila si Fred more. " sabi ng bata
“ Sino yun?" tumaas ang tono napataas tuloy ang kanang kilay ni Salve.
“Isa sa manliligaw nya" sabi ng matanda
Napasimangot si Ritszard na ikinapagtaka ni Salve,inakay na ang kapatid “ tayo na baka malate tayo, alis na po kami Nana. "
“ Hindi mo yata gusto ang paglabas-labas ng step-sister mo?" puna ni Salve
“ Hindi naman, nagaalala lang ako. "tuloy sa pagdadrive ng car
Lalong nainis ang babae “ anong paki mo, di mo naman siya kaano-ano?"
Biglang napapreno ang binata binalingan ang nobya “ iti nuturing ko siyang pamilya. "madiin ang bawat kataga
“ Daddy dahan-dahan naman muntik na akong masubsob eh." reklamo nito
“ Sorry bro, di ko sinasadya" bigla itong naging mahina  hon buong pagmamahal.
“ Isa pa yan! bakit daddy at mommy ang tawag nya sa inyo? " ayaw paawat
Ang bata ang sumagot “kasi po wala akong daddy at mommy kaya sila na lang."
“ Mali yun! ate at kuya mo lang sila. " yamot
“ Galit po kayo?" tanong ng paslit
Napakagat-labi si Salve “hindi. " pigil ang inis
Muling nagsalita si Richie “ wawa naman ako tutuksuhin nila ako sa school pag nalaman nilang wala akong daddy at mommy. " nalungkot mangiyak-ngiyak
Pinukulan ng masamang tingin ni Ritszard si Salve “kita mong ginawa mo, Richie wag mo siyang intindihin kung ano ang gusto mong itawag sa amin yun ang itawag mo."
Napapadyak sa inis ang babae di na lang kumibo.
          “Are you bored?" tanong ng binata sa napasimangot na babae.
Malalim na buntong-hininga bago “ matagal pa ba? "
“ Sandali na lang siguro. Yung bata magbabanyo lang ako." paalam niya
Sa katatakbo nadapa si Richie boy umiyak dinaluhan ng ilang mommy na naroroon “ ay nadapa si pogi" inala layang patayo “ okey ka lang? San ang masakit? " tanong ng isa pa sa umiiyak na bata.
Yun ang nadatnang sitwasyon ni Ritszard nainis siya dahil hindi man lang napansin ni Salve ang nangyaring komosyon dahil sa kapipindot ng cellphone, nilapitan na lang ang kapatid “ masakit!?" gasgas ang tuhod “halika hugasan natin at gamutin, tahan na. " alo sa bata
“ Daddy wag gamot baka masakit"
“ Di ba matapang ka? "
Tinanong siya ng isa sa tumulong “ anak nyo?"
“ Di mo ba narinig ang tawag ng bata saka magkahawig sila" sabi ng katabi nito
Yun ang nalingunan ni Salve pero akay na ng nobyo palayo ang bata.
“ Kaya naman pala ang gwapo ng bata ay mana sa ama mestizo. " sabi ng isang nanay na naroroon
May sumabat na isa “ ang ganda rin ng Mommy nyan bata pa at sexy."
Rinig na rinig ni Salve ang usapan gusto nya sanang pasi  nungalingan ang lahat pero baka magalit si Ritszard. Nasa bahay na sila ng mag usisa siya " ang alam sa school kayo ang mga magulang ng bata? "
“ Di ko alam." tuloy sa paggagayat ng iluluto
“ At di nyo itinutuwid."
Itinigil nito ang ginagawa hinarap siya “ nakakasawa ng mag explain, saka di naman yun makakabawas sa pag katao ko. "
Naupo siya sa tabi nito “ hindi mo dapat hinahayaang tawagin kang daddy ng kapatid mo dahil hindi mo naman siya anak. "
“ Kuya daddy ang tawag nya sa akin. Oo hinahayaan ko dahil gusto kong wag niyang maramdamang may kulang sa pagkatao nya masama ba yun?  Kasalanan ba ang ginagawa namin? Ang maging ama at ina sa kapatid namin! (nakairap) at kanina hindi mo man lang tinulungan si Richie na bumangon ng madapa. " napa simangot ng maalaala
“ Hindi ko napansin busy ako." nakaismid
“ Hrrmm.., pero naririnig mo ang mga tsismisan ng mga parents sa paligid. "
Hindi nakakibo ang dalaga bullseye pero di pa rin napatalo “ ibig sabihin kahit may anak ka na daddy ka pa rin niya? "
“ Syempre hindi, malaki na siya nun may isip na."
                 Kinagabihan “ saan ka matutulog?" tanong ng babae ng makitang dinampot nito ang isang unan
“ Sa room ni Richie, dito ka naman sa room ko."
“ Bakit!? dismayado
“ Malikot si Richie at pagnagising nangungulit baka di ka makatulog." paliwanag nito
Nagdadabog na nahiga sa kama ang babae, nagising siya sa malakas na bosses ng nobyo “ anong oras  na? Bakit ngayon ka lang? singhal nito
“ nagkasarapan nalimutan ang oras  sorry."
“ Ayoko ng mauulit pa ito ha! "
“ Yes dad" dinig nyang sagot nito inalalayan ito paakyat ng silid nito. Lasing ito
Maya - maya pumasok siya sa silid ng bata para tiyaking naroon ang nobyo, karga nito ang bata.
“ Bakit?
“Wala. sinisiguro ko lang na narito ka at wala sa silid ng babaeng iyon ,bulong nya sa sarili.
Napailing ang binata  “ matulog ka pa maaga pa. "
Nang magising siya kinabukasan wala si Ritszard wala naman siyang mapagtanungan kaya ng dumating ang mga ito “ saan kayo galing?"
“ Sa bakery tumulong ako, baka di makapunta ang babaeng iyon ng maaga, siguradong  hanggang ngayon tulog pa. "sabi nito.
“ kailangan ba talaga gawin mo yun?" tanong niya
Sa halip na sagutin ang tanong niya “ kumain ka na ba? "
Umiling siya, siyang pagbaba ng dalaga salubong ang bata
“ Mommy.., may sugat ako nadapa ako sa play ground
Agad kinarga ang bata “ sabi sayo lagi kang magiingat ayan tuloy nasugatan ka." hinimas-himas ang tuhod na may sugat “ naligo ka na ba bro? Hmpp... Ang bango mo ah Hmpp..." sabay halik
“ Pinaliguan po ako ni kuya daddy. "
“ Mabuti naman para maaga tayong makasimba."
“ Kuya dad, sama ka? "
“ Nop..! Ihahatid ko pa si Tita Salve
Habang daan panay ang ungot ni Salve “ sige na darling sa condo ka na matulog pleased... " samo nito
“ Hindi maaari walang kasama yung magkapatid. "
“ Pero darling kailangan din kita! "
“ Intindihin mo rin ang sitwasyon dalawa lang sila roon paano kung mapasok sila ng masasamang loob?"
              “ Dito ka na sa condo mag stay lalo na ngayon nalipat ka na sa main, mas malapit ito sa main office  di ka na uupa. " mungkahi ni Salve
“ Maglilive-in na tayo?
“ Yes.., bakit ayaw mo ba?"
“ Hindi naman sa ganon kaya lang, di ba ayaw mo pang mabuntis, ayaw mo pang magkaanak, narinig kong sina sabi mo yun sa friend mong nabuntis. "
“ Oo nga, pero may paraan naman para di mabuntis  sa panahong ito wala ng impossible, darling let's enjoy our relationship together Hindi yung kada off lang, nagmamadali pa."
“ Okey, pagiisipan ko, but for the mean time sa bahay muna-"
“ Ayun..! Lumabas din ang totoo, kaya ayaw mo dahil di mo maiwan si Rizza Maine! "
“ O bakit naman nasali sa usapan si Rizza Maine?nagseselos ka ba?"
“ Kung talagang hindi si Rizza Maine ang dahilan dalhin mo rito ang kapatid mo, tutal di na naman siya alagain. "
“ Hindi maari di pa tapos ang school year saka sinong mag-aalaga?
Hindi siya agad nakakibo maya-Maya “ isama mo yung yaya. Pero malaki na si Richie boy kailangan na niyang matutong maging independent "
“ Ayoko. "





Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now