CHAPTER 18

537 6 0
                                    

Nang gabing iyon nadatnan niyang nasa sala si Ritszard tutok na tutok ito sa panonood ng TV " si Richie boy? tanong niya
Sumagot naman ito" pinatutulog ni Nana "matabang. ni hindi siya nito tinapunan ng tingin.
Pagkakataon ko na ito bulong nya sa sarili lumapit siya rito tumabi ng upo hurmmm.., para kasing nababarahan ang lalamunan niya " I'm sorry" nulas sa bibig niya sa wakas nasabi rin niya kaya lang napayuko ang ulo niya  sa pagkapahiya dahil para itong walang narinig. Huminga siya ng malalim lakas loob na muling nagsalita kaya sa gumagaralgal na tinig muli niyang inulit " I'm sorry wag ka ng magalit, bati na tayo" samo niya pinipilipit ang dulo ng suot na blusa " "pleaseee...! "namalisbis ng tuluyan ang mga luha.
Kunot noong napabaling sa kanya ang binata tinitigan siya pero di pa rin kumikibo " sorry na!" sumigok. nang di pa rin ito kumibo nagpasya na siya tumayo na at sinimu lang humakbang palayo pero hinagip naman nito ang isa niyang kamay nagpapakiramdaman pa sila maya-maya tumayo na rin ito at hinila siyang paharap alam niya kahit nakayuko siya titig na titig ito sa kanya muling namutawi sa bibig niya ang "sorry..." pabulong bulong pagpapapa kumbaba. Bigla siya nitong niyakap ng mahigpit na mahigpit  yumakap na rin siya rito yumupyop sa dibdib nito kumikinig ang balikat niya sa pagpipigil na mapa hagulgol matagal sila sa ganoong ayos.
Ito ang unang nakabawi " I missed you!" anas nito dama niya ang paghalik-halik nito sa kanyang buhok lalo niyang isiniksik ang sarili rito. " ang dami mo ng kasalanan sa akin alam mo ba yun? ha!" simula nito punong-puno ng damdamin, nakikinig lang siya " kundi lang kita mahal hindi kita patatawarin." gumagaralgal na rin ang boses
Nag angat siya ng luhaang mukha, " I'm sorry talaga! and I missed you too..!"
Lalong humigpit ang yakap nito sa kanya luhaan na rin itinukod nito ang noo sa noo niya "wag na wag mo na uling gagawin yun ha! yung gustong- gusto kitang makita, makausap pero wala ka, patay ang cellphone mo tapos kung kani-kanino ka sumasama naki kipagdate ( iniagwat siya ng konti) ang sakit nun dito! (turo sa dibdib) Rizza Maine halos hilahin ko ang araw para makauwi, para maka sama ka! missed na missed na kita! di ko naman gustong naramdaman ito pero, nang yari tapos bigla kang mawawala hindi nagpaparamdam yun pala nag iin tertain ka ng mga suitors ang sakit nun! napapabayaan mo pa si bunso dahil sa pagwawala mo. "
Pinahid niya ng likod ng palad ang luha" hindi naman ako nagwawala, akala ko lang hindi mo na ako kailangan dahil nagbabalik na si Salve (singhot)  di ba girl friend mo siya ayokong maging dahilan ng di ninyo pagkaka unawaan." paliwanag niya
" Sinong may sabi sayo na girlfriend ko si Salve? " tanong nito
Umiling siya nagyuko ng ulo “ dati naman kasing kayo, kaya inisip kong-"
  “Yan mahirap sayo , nagseselos ka kaya gumagawa ka ng  sarili mong kongklusyon She's just a friend na lang" anas nito “ pwede ba, sa susunod magtanong ka muna bago ka gumawa ng bagay na pwede mong pagsisihan sa huli. " anito pa
Parang lumukso ang puso niya sa tuwa di yata't may pag asa pa siya lalo na ng ibulong nito ang nais niyang narinig " Rizza Maine I loved you! I love you so much! "
Nagkariringgan lang ba siya? " anong sinabi mo?" Gusto niyang makatiyak gusto niya uling marinig.
Sa halip na sagutin ang tanong niya hinuli ng labi nito ang labi niya at doon ipinadama ang ibinubulong kani-kanina lang buong pananabik punong-puno ng pagmamahal. Bagaman nagulat sumandali nang makabawi buong puso niyang tinugon at ipinadama rito ang tunay na nadarama at nilaman ng kanyang puso para sa lalaking natutunan na niyang mahalin. Halos pangapusan sila ng hininga.
" Akin ka na lang ha!" Bulong nito
Ngumiti ito " pwede ligawan mo muna ako." biro niya
Sumimangot ito " bumigay ka na eh. "
"Sige na pleaseeeee..." kapwa luhaan pa rin
Pinupunas ng daliri ng binata ang mga luha nya sa mga mata nakangiti na sila kapwa
" bati na tayo ha" sabi ng dalaga " hindi ka na aalis "
Napaisip ang binata " ayaw mong mawala ako sa buhay mo?" tanong nito
Tumango ang dalaga " sanay na akong naririto ka, kayo ni Richie at di ko na alam kung paano ang buhay ko pag nawala kayo. " amin niya
Muli siya nitong niyakap " ikaw lang ba! di mo lang alam kung gaano kasakit sa akin na isipin pa lang na may ibang yumayakap at humahalik sayo ng ganito" anito muli siyang yinakap at hinagkan halos ayaw na siyang bitawan.
Pinakatitigan nya ang lalaki sinasalamin ang katotohanan sa mga sinasabi nito di niya mapigilan ang pamamalisbis ng luha " kailan pa yun nagsimula? " tanong niya
Umiling ito " hindi ko alam, nagising na lang ako isang araw na pakiramdam ko'y ayaw kitang Ishare sa iba."
" Ohhh... Mahigpit na yumakap
" Eh.., ikaw? Kailan nagsimula ang lahat?
" Ang alin? Pagmamaang- maangan niya pero parang kinikiliti ang puso niya sa kaligayahan. " hindi pa naman kita sinasagot ah!"
" Ah ganun..! "at muli siya nitong hinagkan sa labi halos pangapusan sila ng hininga. " ano? di pa rin tayo?"
" Ang daya mo dinadaan mo ako sa bilis" kunwa'y angal niya
Hinila siya nito " dun tayo sa room mo tingnan natin kung makapag inarte ka pa. " ngiting-ngiti
Yun ang tagpong nababaan ni Nana Sela " hay.., salamat sa diyos at nagkasundo rin, matutuwa nito si Richie ."
" Bakit Nana? anong sinasabi ni Richie? " tanong ni Rizza Maine nagpatigil din si Ritszard
" Nalulungkot siya ayaw ka raw niyang Iwan ineng pero wala siyang magagawa pag ginusto ng kuya dad niya di ba?! lagi siyang nagiisip. " nagkatinginan tuloy ang dalawa sa isip nila'y iisa ang tumatakbo naging maka sarili sila nalimutan nilang may damdamin din ang kanilang kapatid at nasa edad na ito na marunong ng magtanong nagiisip na. Alam na ang nangyayari sa paligid.
     Nang gabi ring iyon sa sariling silid nagmumuni-muni si Ritszard, kailan nga ba nagsimula ang lahat? Talagang di niya alam naalaala tuloy niya ang mga biro sa kanya ng mga kaibigan ng minsan magkatipon-tipon sila sa bahay nina Paulo kasama nya noon si Salve, dinatnan na nila roon si Walter tuwang-tuwa naman si Christine dahil may makakachika siya “ may bago ka na uling baby? " tanong ng dalaga
Napangiti ito “ Oo nga, ito kasing si Paulo mahilig ayan tuloy napalimit
“ Hindi ba mahirap ilang taon lang ang pagitan?"
“ Talagang mahirap lalo na pag nagligalig itong bunso tapos sasabay pa si Shane dahil bihasang siya lang ay talagang nakakatorete."
“ Swerte mo pareng Paulo nakalalaki ka. " sabi  ni Walter
“ Siguradong tuwang-tuwa yan" sabi naman ni Ritszard
“ Syempre naman " sagot ni Paulo.
Lumabi ang ginang “ tuwang-tuwa yan pero di mo naman maasahang tumulong sa pag aalaga."
“ Nagwowork kasi ako. " katwiran nito
“ Di katwiran yun(si Ritszard) bakit ako? mas bata pa sa iyo pero nagsasacrificed"
“ O ano? anong masasabi mo? "sinisiko pa ang asawa
Napakamot sa ulo ang lalaki “ pahamak ka naman pareng Ritszard. "
Binalingan ni Walter  si Salve “ kayo kailan magkakaroon ng baby?" tanong nito
“ Wala pa sa plano ko ang magka anak sayang ang career ko." sagot nito “ pero kung yayayain nya akong pakasal willing ako makapaghihintay naman ang baby. " anito pa
“ O, ayan pare di mo na kailangang magyaya payag na agad" sabi ni Walter
Umiling si Ritszard “ wala pa rin yun sa plano ko. "
Sumimangot ang babae “ ang sabihin mo! kaya di mo ako mapakasalan ay dahil hindi mo kayang Iwan ang mag inang iyon!" irap na irap
“ Bakit ka ba nagmamadali? Ayaw mo pa namang magka anak? Lagi naman tayong magkasama, halos sa condo mo na nga ako nakatira! Saka bakit nakasali sa usapan ang magkapatid?" naiinis na siya sa pangungulit nito
“ Dahil walang kasiguraduhang magiging akin ka na lamang!!!" medyo nagkakatensyon sa paligid di malaman ng mga kaharap ang gagawin. “ lagi silang naririyan"
“ Kahit mag asawa ako, di ko sila pwedeng eetsapwera lalo na si Richie boy. "
Lumabi ang babae “ siya lang!?"
Nakisabat si Christine “  kahit naman kasal ang dalawang tao wala pa ring kasiguruhang faithful ang isa't-isa, ako nga, di nakatitiyak malay ko ba pag nakatalikod na ako kung faithful pa siya.
“ Hoy..! faithful ako, pero minsan di maiwasang tuningin at humanga sa ibang babae pero hanggang dun lang yun. " sabi ni Paulo “ mahal na mahal yata kita." napa oohhh.., at may sipol pa ang mga nakakarinig
May tapik pa sa balikat “ tama ka diyan pare kahit mahal na mahal natin ang isang tao di maiwasang humanga tayo sa iba lalo na kung may dapat naman talagang hangaan." sabi ni Walter
“ Ang ibig nyong  sabihin okey lang na tumingin at humanga sa iba? Ayoko nga gusto ko ako lang." sabi ni Salve “ Ayoko ng may kahati. "
“ Hindi mo pwedeng ariin ang isang tao" sagot ni Christine “ kahit asawa o partner mo siya iba ka, iba siya may isip at sariling damdamin na kailangan mong tanggapin at irespeto. "
Lumabi si Salve “ iba-iba tayo ng paniniwala at prisipyo sa buhay yun ang paniwala ko!" siyang pagtunog ng cellphone nito medyo lumayo
Napailing ang mga kaharap “ pareng Ritszard mahirap yan. " sabi ni Walter
“ Gusto ka nyang ariin ng buong- buo! Pano yun? " sabi ni Christine
Inakbayan ang kaibigan “ sabi na naman kasi,  si Rizza Maine na lang wag ng tumingin sa iba. " ani Paulo
“ Puro kayo kalokohan ang taray kaya nun! " napangiti siya sa alaalang iyon pero ngayon heto siya kinain ang  mga sinabi niya, ano kayang sa sabihin nila pag na lamang kami na.
            Mula noon naging makulay ang paligid kay Rizza Maine  lagi siyang nakangiti masaya at di ito nakaila sa matatalas na pakiramdam ng mga kaibigan niya " your blooming Rizza Maine" puna ni Myta
" Pansin ko rin napakaenergetic nya ngayon, anong nangyari? " tanong ni Jenilyn
" Bati na kami ni Ritszard" aniya
Lumabi ang una " yun lang? Pero may kakaiba sayo, naka first base ka na ba? " may kindat pa
Pinagkukurot niya ito " grabe ka sa akin ha! ano ko maniac?" nakangiti
" Aba kung sing gwapo naman ni papa Ritszard payag na akong tawaging maniac"malakas na tumawa
Titig na titig naman si Jenilyn " kayo na ba? "
Hummppp.. Parang" sabay Tango nakagat ang ibabang labi para namang bulating kinikiliti ang dalawa "Yesssss..... Anong pakiramdam ng makulong sa bisig niya? "tanong ng mga ito " masarap ba siyang humalik? May nangyari na ba?ang macho niya sarap sigurong yakapin at kagat-kagatin (salitan)  mag pills ka. " sabi ni Jenilyn
Pinangunutan siya ng noo “ Bakit!? " tanong niya
Siniko siya ni Jenilyn " Bakit handa ka na bang maging nanay? " tanong nito
“ Anak  agad!? " tanong nito " bakit kayo, nagpipills ba kayo? " tanong niya.“ Jenilyn umamin ka! " Napailing si Rizza Maine " grabe naman kayo. "
“Uyyy!!! Pulang-pula ang nene" buska ni Myta
“ Sagutin nyo ang tanong ko? "
“Ako oo, ewan ko dito sa katabi ko" sabi ni Myta
Biglang namula si Jenilyn di makapagsalita “ ano sagot! "sabi ni Rizza Maine
" Ma'am Rizza Maine nasa labas po si Sir Ritszard hinihintay kayo"imporma ng isang waiter. Lalong kinilig ang dalawa.  May pahabol na salita pa ang mga ito “ Uyy.., Di na malamig ang gabi nya may umaakap na, siguro di ka na naglalock ng pinto ano!" hagikgikan
" Dyan na nga kayo." tuluyan ng lumabas " Ba't di ka pumasok?" tanong niya
" Loaded ang parking sa dami ng costumer nyo kaya ipinatawag na lang kita. "sabay halik
" Swerte nga maraming kumakain."
Hawak kamay silang naglakad punta sa sasakyan ng mag tanong ito " alam na ba nila?"
Tumango siya " Oo, kundi ka pa dumating ayaw akong tigilan katutukso e, sila? "
“ Di pa. Di pa kami uli nagkikita-kita"
“ Ganon ba. "
" Nood tayo ng sine" aya nito
" Ikaw may hawak ng manibela kung saan mo dalhin wala akong magagawa. " dinala nito sa bibig ang hawak na kamay hinagkan " kahit sa biglang liko sasama ka?" tukso nito na ikinapamula ng pisngi niya " joke lang but I like you so much when your blushing" pinisil pa ilong niya.
        " Bro, bakit ka nakasimangot? " tanong ni Ritszard
Lumabi ang bata " bakit lagi kayong gabi ng umuwi? Lagi tuloy kami lang ni lola nakain ng hapunan saan ba kayo napuntang dalawa?
Nagkatinginan ang mag sing - irog" working" sagot nito
Sumimangot ito " dati si ate lang ngayon pati ikaw, tapos malimit sabay pa kayong nauwi di nyo ako isinasama sa lakad nyo tulad nung linggo. "
" Kasal nung office mate ko nung linggo kaya pumunta ako isinama ko si ate mom kaya lang bawal bata.
" Hayaan mo sa susunod na linggo isasama ka namin kasi kasal na yun ni ninang Jenilyn abay ka." sabi ni Rizza Maine
" Talaga! (natuwa) Yesss... "anong susuutin ko?"
" Mamaya lalabas tayo para makabili ng isusuot mo. " sabi ni Ritszard " Nana sama na rin kayo para makabili rin isasama namin kayo."
Ngiting-ngiti ang matanda " makakalabas din ako."
“ Wow! siguro maraming bibilhin si lola kaya bilis sumama" biro ng bata
“ Ikaw talaga, lagi mo akong binubuko.  hinila ang bata " tena liliguan na kita. " anito
Inakbayan siya ng binata “ sasabihin na ba natin sa kanila? "
“ Ikaw."
“ Hayaan mo hahanap tayo ng magandang tiempo. "

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now