CHAPTER 7

929 2 0
                                    

            Naka graduate na rin ng college si Rizza Maine sa halip na maghanap ng trabaho tinutukan na lang niya ang business na iniwan ng mga parents nya, nagsimula na ring mag aral ang nakababatang kapatid.
Binigyan na rin niya ang sarili ng panahon na mag mahal sa katauhan ni Joel isang nurse, masaya ang naging              simula ng kanilang relasyon. Pero di pa nagtatagal nakadarama siya ng pagkabagot dahil sa ugali nitong  unti- unti nyang natutuklasan.
Nakilala nya ito sa pamamagitan ng isang kaibigan mabait ito, maalalahanin yun  nga lang medyo seloso na siya nilang malimit di pagkasunduan "galit ka?"
"Hindi!" pero nakasimangot
"Ayan ka na naman di raw galit."
" 'Pano naman kanina pa ako dito, inuuna mo pa ang pakikipagbungisngisan at pakikipagbolahan."
" Nabili yung tao natural estimahin ko." naiinis
"Nagpapacute sayo enjoy na enjoy ka naman, pangit  naman."
"Hindi ako nageenjoy! nakikipagkapwa-tao lang ako."
" Alis na 'ko." sabay tayo
" buti pa nga!" nakaiirap
Aalis ito pero makalipas lang ang ilang oras tatawag ito makikipagkasundo. Sa ilang buwan nilang relasyon nasasanay na rin siya.
Maging ang kanyang mga kaibigang ay hindi boto rito, siya lamang ang tinitingnan ng mga ito kaya pinakiki samahan ng ayos ang lalaki. Ang isa pa nilang problema ay ang pagiging busy nilang pareho laging may conflict sa kanilang schedule  kaya on and off ang relasyon nila.
         After two years nagsimula silang magkakaibigan ng bagong business coffee shop sa may bandang Alabang si
Jenilyn ang manager, si Myta ang chef at siya naman ang bahala sa pastries and cakes na kasama sa kanilang menu.
Minsan kinalabit siya ni Jenilyn " Mars, wala ka bang balak sagutin ang cp mo? Kanina pa yan tunog ng tunog"
"Si Joel lang yan nangungulit, sinabi ng marami akong ginagawa.!"
" Bakit anong gusto?"
“Date, gusto akong ipakilala sa parents and relatives nya."
" Ganun! anong problema? Bakit di mo pagbigyan? kaya na namin dito kausapin mo. "
" Marami tayong orders, isa pa nirarayuma si Nana paano si Richie boy?"
" Ay di isama mo, yung mga orders timplahan mo lang  pagtutulungan na namin ni Myta saka anong ginagawa ng mga tauhan  natin dito. "
            Kunot na kunot ang noo ni Joel ng dumating siya sa   sa kanilang meeting place na kasama nya ang kapatid" hi po" bati ng bata
" Bakit kasama mo yan?" halata ang disgusto
"Pasensya ka na wala akong mapag iwanan."
Nginitian ito ng bata " hello po Mang Joel. "
Ngising aso ang isinagot ng lalaki " tayo na nga!" pumara ng taxi lalo itong nainis ng pumagitna ng upo ang bata.
Ito ang isa sa nagustuhan nya sa binata ang pagiging humble nito kahit paano galing ito sa may kayang angkan pero di nito iyon ipinagyayabang " nasaan ang tagapag alaga ng isang yan? "
Si Richie ang sumagot " masakit  ang tuhod ni lola kaya umuwi na sa kanila kaya wala akong kasama."
Napailing ito pabulong na " sana ihinabilin mo muna."
" Wala akong mapaghabilinan! (madiin paanas din) wag kang mag simula! " babala niya
              Pagpasok pa lamang nila ng bahay nina Joel di pa man lumalapat ang puwit nya sa upuan sinalubong na siya ng nanunuring tingin ng mga kaanak nito.
" Aba Joel, bakit nagsama ka rin lang ay may anak pa? "Di  mapigilang tanong ng lola nito.
" Lola, Mama, Papa si Rizza Maine Avila po girlfriend ko at ang Little brother nya si Richie boy
" Good afternoon po" bati ng dalaga iniabot ang dalang regalo " happy anniversary po, pasensiya na po kayo wala po kasi akong mapag iwanan dito sa kapatid ko."
" Salamat, akala ko anak mo ayokong makapag asawa ang aking unico iho ng may bitbit na anak." prangkang sabi ng ina nito
Ang Papa naman nito ay tahimik siyang sinusuri mula ulo hanggang paa, mula paa hanggang ulo
" Talaga bang hindi mo yan anak? bakit napakalaki naman yata ng agwat nyo? "ang Lola nito uli talagang diskumpyado.
" Nang mamatay po ang Mommy ko muling nag asawa ang Daddy ko at siya ang naging bunga. "
Tumango ang Papa nito saka nagsalita" wedding anni versary namin thirty years, ipinagmamalaki ka sa amin nitong aking panganay at tama siya maganda ka, anong ikinamatay ng Mommy nya? "inginuso ang bata
Nakadama siya ng pagkainis" sa panganganak ho! "  tumingin siya sa nobyo napasasaklolo.
" Ibig mong sabihin wala na siyang nakagisnang magulang? "ang Tita nito
" Opo. "
" Ay sinong nakatulong mo sa pagpapalaki dyan" turo sa bata " tyahin mo o lola mo?"
Umiling siya " yun pong kapit-bahay namin ang napaki usapan namin." sagot nya
" Hep.., Hep... Tama na munang interview kain na muna tayo. " awat ni Joel inakay na siya " Pasensiya ka na sa kanila lalo na kay lola pero mababait naman sila. " asikasong- asikaso siya nito habang sila'y kumakain.
Akala niya ay tapos na ang introgasyon pero pagbalik nila dahil may dumating na kaanak ipinagmalaki si Joel, muling nag usisa ang mga kaanak nito" graduate ka? "tanong ni Jessa kapatid nito
Tumango siya" H. R. M. "
" Sabi ni kuya may sarili ka raw business bakery totoo ba yun?" muling tanong nito
" Oo sa amin ni Richie at sa kapatid nya. "
" Sa inyo lang yon ni Richie, kasi kayo lang ang mag
kapatid. "pakisali ng binata sa usapan
Lalo siyang nainis" sa aming tatlo yun (diin niya) dahil sa pera ng step mother ko hindi  nailit ang lupa at bahay namin."
" May step-sister ka? wala pang asawa? "tanong ng nanay nito" buti nakasundo mo. "
" Hindi po step-sister step, brother po at binata pa po. "
Nagulat din pati si Joel " hindi mo  sinabi sa aking lalaki ang kapatid ni Richie boy" bulong nito
" Ay sori, di ko ba nasabi sayo?" pabulong din
Muling nag tanong si Jessa "bading?"
Muli siyang Umiling "straight handsome, inteligent and responsible." nakukulitan na siya
Tinagtag siya ng bata " Te mi uwi na tayo" aya nito
" Richie mamaya" sabi ni Joel
" Antok na ako" hila na ang kamay ng kapatid
Ibibigay niya ang cellphone para malibang " sandali lang bro." sabi niya kita niya ang pagpapalitan ng makaka hulugang tinginan ng mga kaanak nito.
" Hindi bakla! at mag kasama kayo ng bahay!?" hindik ang mga kaharap nila lalo na ang lola nito.
" Opo ten years na." aniya
Nanlaki ang mata nito pati na rin ng manugang nito hindi makapaniwala.
"Joel, halika,"  tawag ng Papa nito hinila na ang anak sumunod sa mga ito ang lola at ina nito di na siya pinansin ng mga kaanak nito.
Maya-Maya nagbalik si Joel malungkot hinila siya palayo  " pambihira ka! bakit mo sinabi yun( napailing) sana nagsinungaling ka na lang, alam mo ba sumama ang image mo sa family ko." mahina pero ramdam ang galit
" Para ano? Pag nalaman nila sa iba anong isipin nila?" hamon niya taas ang kanang kilay " sinungaling ako! Saka ramdam ko namang ayaw nila sa akin"
Tumunog ang hawak na cellphone ng bata lapit ito sa kanila" Mi.., Mi... " iniabot ang gadget
" Hello..! Ritszard
"Hello Mars, si Jenilyn 'to tanong ko lang kung nakita mo yung  contract natin kay Mrs. Yuson talaga bang binigyan mo siya ng malaking discount?"
Iba ang isinagot niya " talaga! Kailan ka dumating? ganon  ba sige, pauwi na kami sunduin mo na lang kami nandito kami sa Pandacan - "
" Ano bang pinagsasasabi mo Mars, nakadroga ka ba? " singit nito
" Ah.., sige magtataxi na lang kami. " pinatay niya ang cellphone
" Sino yan? " sikmat ni Joel
" Ritszard step brother ko"  nakipagsukatan siya ng titigan dito
"Hindi ka aalis! wag mo akong ipahiya!" hinila na siya pabalik
" Hindi nila ako gusto! " sabi niya
Bago sila nakalapit may dumating na bisita magiliw itong inistima ng mga magulang ni Joel tinatawag pa ang nobyo nya dahil may kasamang dalaga ang mag asawang dumating" Ex mo kuya si Meryll" sabi sa kanya ni Jessa
Lumapit na sa lugar nila ang mga ito "Joel iho look who's here" nakaabrisyete pa ang may edad na babae sa dalaga
Hindi naman makakibo ang binata noon muling nagyaya si Richie " mi antok na ako.! "
Inakay na nya ang kapatid lumapit siya sa mag asawa at Namaalam di naman sila pinigilan ng mga ito. " Joel alis na kami" aniya
" Hatid ko na kayo"
" Wag na, tawag mo na lang kami ng taxi"
Bago siya sumakay nag tanong siya " paano ngayon?" tinitigan ang nobyo
" Gusto Kong mag isip" nagyuko ng ulo
" So.., this is good bye Joel." at sumakay ng dali-dali para di makita ng binata ang pagpatak ng kanyang luha, luha ng pamamaalam sa kanyang first love.
" Mommy bakit ka umiiyak?" inosenteng tanong nito
" Masakit ulo ko."
                "Happy birthday to you... Happy birthday to you.. Sanay malasing mo kami." awit ng mga kaibigan ni Paulo kabilang si Ritszard at ang girlfriend nitong si Salve. kainan, inuman, tawanan at tuksuhan buo ang barkada.
"Masayang-masaya ako, after six years ngayon lang uli nabuo ang barkada at birthday ko pa."
" Paano itong si Joseph bihirang umuwi" sabi ni Walter
" Wala akong magagawa dun ang work ko(abroad) pati family ko nandun na rin" sagot nito.
"Kaya kami lang nitong si pareng Walter ang laging magkajamming lalo na pag friday night." sabi ni Paulo
" Hanggang ngayon ba ay yun pa rin ang schedule mo pareng Ritszard?" tanong ni Joseph
" Walang magagawa kailangan ako ni Richie boy"
" Bah, malaki na siguro inaanak natin." sabi uli nito
" At malaki na utang mo." sabi ng mga kaharap
" Hoy.., pinadadalhan ko yon pag birthday at christmas ewan ko lang dito sa kumpare natin kung nakakarating."
" Syempre naman! anong akala mo sa akin. " sagot ni Ritszard
Iniba ni Christine ang usapan isinali si Salve" kailan kayo pakakasal? "
" Siya lang naman ang hinihintay kong magyaya I'm ready kahit anong oras" sagot ng dalaga
" O, yun naman pala pareng Ritszard aba kilos na, ikaw na lamang ang single sa barkada"  sulsol ng mga kaibigan.
" six year old na ang inaanak namin pareng  Ritszard, di mo na siya pwedeng idahilan." si Paulo
"Oo nga, may asawa na ba si Rizza Maine?" tanong ni Joseph
" Wala pa at napakaganda, sexy pa" sabi ni Walter
"Ikaw ha pareng Walter masama yan mabuti na lang at di mo kasama si mareng  Lucille kundi  lagot ka." sabi ni Paulo
" Wala akong ginagawang masama humahanga lang, bakit ikaw pareng Paulo  di ka ba humahanga pag nakakakita ka ng maganda?" tanong nito
"Ang tanong kaya mo ba salve ng may instant family?" tanong ng asawa ni Paulo
instant family! ano yun!? "
“ Pag nagpakasal ka rito sa pare namin para kang nakajackpot buy one take one." biro ni Walter
“ Baka hindi na ngayon, baka di na ibigay ni mare ang bata." sabi ni Joseph
“ Totoo ba yun darling? "usisa ni Salve
“Yes. Pag nag asawa ako isasama ko ang kapatid ko, ako ang mapapalaki sa kanya."
“ Nang hindi mo ako tinatanong kung papayag ako! "
“Wala pa naman tayong pinaguusapan tungkol dyan isa pa may byahe pa ako puntang U. K. And Australia. "
“ Wow ha! Bigatin ka na talaga Mister Brixton." biro ng mga kaibigan. "
“Naiinis nga ako dyan, pinipilit ba akong sumama sa kanya sa Friday para umattend sa family day." sumbong ni Salve
“May dadaluhan kasing seminar si Rizza Maine kaya ako  ang kailangang umatend" sagot nito
“Salve kaya mo ba yun? Kundi man ibigay ni Rizza Maine ang kapatid, basta tumawag siya at kailangan ng bata uuwi at uuwi ng Las Pinas itong kumpare namin. " sabi ni Christine
“Paano kung may mga anak na rin kami?" tanong ng dalaga
“Hindi naman mababago ang katotohanang kapatid nya si    Richie boy. " sagot ni Paulo
“ Kaya naman siguro ng kapatid ng darling ko yun, kahit magkaasawa pa siya."
Natuon ang pansin ng lahat kay Ritszard, waring walang alam ang babae “kahit may mga anak na ako, di ko pwedeng pabayaan ang kapatid ko mahal na mahal ko yun! Nag iisa ko yatang kapatid yun."
Gulat si Salve "ay yung Rizza Maine ano mo yun?"
  Tinitigan siya nito “ step - sister ko. "
“ At-at kasama mo sa bahay? “di makapaniwala


Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now