CHAPTER 13

567 5 0
                                    

               Ilang araw na ang nakalilipas matamlay at umimik dili si Myta kung makakaiwas umiiwas ito kay Rizza Maine “ hanggang ngayon ba galit pa rin siya sa akin! "
“ Nakakainis na nga! Di naman siya dating ganyan, ewan ko ba mula ng maging nobyo nya ang George na yun nagkaganyan na siya." sabi ni Jenilyn
“ Kausapin kaya natin."
" Ako na lang muna. " sagot ng huli
" Sige, nahihirapan na rin ako sa sitwasyon, magkaka ibigan tayo, magkakasosyo sa negosyo hindi maganda kung may hindi pagkakaunawaan."
" Tumpak..!"
            “Myta, cellphone mo panay ang tunog" sabi ni Jenilyn sa aligagang kaibigang, pinuntahan nya ito sa Kitchen para kausapin.
Binalingan naman nito ang gadget  pinatay at muling  hinarap ang ginagawa “ kanina pa po yan tunog ng tunog lagi lang pinapatay. " bulong ng assistant nito
Linapitan ang kaibigan “ sino ba yan?" Bubuksan ang gadget agad itong dinampot ng huli sinenyasan naman ng una ang ilang tauhan na medyo lumayo na agad namang nagsisunod “ hanggang ngayon ba nagsesenti ka pa? "
Nilingon siya nito " wala 'to."
“Freind, kung ano mang problema  narito lang ako, kami ni Rizza Maine  magsabi ka lang."
“ Ganyan ka naman, basta laging narito lang ako pero pag kailangan na kampi ka sa kanya. " umirap
Biglang taas ang kilay niya “ anong sinasabi mo! lagi akong gumigitna, tinitimbang ko ang katwiran ng bawat isa. " malakas na ang bosses niya
“ At siya ang laging tama ganun ba! "
Naiinis na siya “ kung may problem ka sa amin sabihin mo! Di kami manghuhula! "
Tumango lang ito at di na kumibo kaya napilitan Iwan ito ni Jenilyn.
“ Mam Rizza Maine telepono po" sabi ng secretary at cashier nilang si Ada.
“ Sino raw? " tuloy sa pagmamasa
“ George daw po"
Napatigil siya “ George? sino yun? "
“ George  Clemente po"
Nagulat siya napaisip bakit ako hahanapin ng boyfriend ni Myta? Tanong niya sa sarili “ Hello..! "
“ Hello..! Rizza Maine good afternoon si George  'to" pakilala nito
“ O, George may kailangan ka? "
“ Di na ako magpapaligoy-ligoy may seminar na gaganapin sa Laguna, pwede ka bang maanyayahan."
“ Hummppp.., kailan naman ito at saan exactly sa Laguna? " tanong ng dalaga
“ Sa saturday at sunday sana sa Los Banos"
Nangunot ang noo niya “ tungkol saan ang seminar at bakit ako? "
“  Tungkol sa baking, wag kang mag alala libre ito."
Sa kusina “ nasaan si Rizza Maine?"  tanong ni Jenilyn
Sumagot ang assistant nito “ tinawag po ni Ada may telephone call daw po maam."
“ Di ba boyfriend ni maam Myta yung George Clemente bakit kaya hinahanap si maam Rizza Maine?" tanong ni Eliza isa sa waitress nila
“ Yun ang kausap niya sa phone? " nagtatakang tanong ni Jenilyn
Sa papasok naman  si Myta tinanong ito ng kaibigan  “bakit kaya hinahanap ni George si Rizza Maine? "
Napaabaling ito “ nasaan si George?" tanong nito
“ Nasa phone"
Agad bumwelta si Myta patungong opesina sunod si Jenilyn Nagulat ang una ng hablutin ng huli ang hawak na telepono ng kaibigan na Labis ding ikinagulat ni Rizza Maine “ hello..! George kung ano man ang binabalak mo tigilan mo! " natigalgal ang mga kaibigan
Dinig ng dalawa ang sagot nito “ hindi ikaw ang kausap ko! wag kang makialam!"
“ Talagang di ka titigil sa pambubugaw ano!? "sumisinga sing ito
" Hindi totoo yan! Malisyosa ka lang! "
“Hindi ako tanga!"sabay bagsak ng telepono
Binalingan si Rizza Maine “ wag kang papayag mapapa hamak  ka!"
“ Talaga..! "
Nagkatinginan ang dalawang kaibigan “ linawin mo!" sabi ni Jenilyn na unang nakabawi.
Napaiyak si Myta  “ I'm sorry, I'm really, really sorry (hikbi) sa mga nagawa kong kagagahan sa inyo lalo na sa iyo Rizza Maine."
“ Anong!? "
Nagpunas ng luhaang mukha “ kung pumayag kang dumalo noon baka napahamak ka-"
“ Bakit?" Di napigilang tanong ni Jenilyn
“K-kasi naipangako ka raw ni George sa boss nya kapalit ng promotion. " nasabi rin
“ ANO.!?
Tango ang dalaga “ nahihiya tuloy ako sa inyo."
“ Paano mong nalaman? " tanong ni Rizza Maine
Hikbi “ nagulat si George na ako ang dumating, magpapaliwanag sana ako nang dumating ang boss nya hinahanap ka at kahit kaharap ako ipinamukhang mapupurnada ang promotion niya pag di ka nagawang kumbinsihing dumalo sa susunod nilang convention, gusto pa nga nya akong papangakuin sa boss nya. "
“ Aba't..! Ang hayop na yun!" gigil na sabi ni Jenilyn
“ Sino yung boss nya? " tanong ni Rizza Maine
“ Si Mr. Alexandre Grande" sagot nito
“ Kilala mo? "
“ Parang.., nameet ko siya sa isang party, kaibigan siya ng father ng classmate ko nung college nun palang kinukulit na nya ako."
“ Paano namang nalaman ng boss  ni George  na kakilala  niya 'tong si Rizza Maine? " si Jenilyn
“ Di ko alam" sabi ni Myta
“ Paano? Anong balak mo ngayon Rizza Maine pagbibigyan mo ba ang mokong na yun? " tanong ni Jen
Nakatingin na rin si Myta naghihintay sa isasagot ng dalaga “ kung sa tingin ni Myta ay ibubugaw lang ako dun,  bakit ako attend."
Napaiyak ang huli yumakap sa mga kaibigan “ thank you! Sa inyong dalawa at sorry talaga sa mga kagagahan ko, ng dahil sa lalaking yun muntik ng masira ang  pagkaka
ibigan natin, akala ko hindi nyo ako mapapatawad sa mga kasalanan ko sa inyo."
“ Gaga..! Bago ka magisip ng masama pwede bang lagi mong I consider ang tagal ng ating pinagsamahan." sabi ni Rizza Maine
“ Tumpak!!! "
                Magkausap na naman sa chat sina Ritszard at Rizza Maine ng gabing iyon “ hi beautiful..." bati nito
“ Hello..! Gorgeous..! tumataba ka yata? Hiyang ka dyan."
“ Nakakabawi na kasi ako, Di na ako homesick." anito
“ Nasa bahay ka yata tanghali na ah, wala ka bang pasok?"
“ Day - off ko remember" panay ang type nito sa laptop         “ wait lang ha! "
“ sino ba yang ka chat mo? Girl?"
Humarap na ito sa kanya “ Yah... "
Bigla siyang nalungkot “ bagong girl friend?" pananalakab niya parang kinurot ang puso niya
Nginisihan siya nito “ nop..! "
Lumabi siya “ okey..."
“ Si Salve, nagrerenew ng friendship sa F. B." sabi nito
Tinotoo niya ang sabi nya sa akin last month bulong nya sa sarili “ ano yan passport may renuwal o license?"
Napahalakhak ang binata “ grabe ka! Ginawa mo namang dokomento yung tao."
“ Anong gusto? nakikipagbalikan?
Nagkibit-balikat ito “ parang..." wala sa loob na sagot nito.
Napailing siya “ nakipagkalas! Tapos ngayon nakikipag balikan!" napaismid siya
Tinitigan siya nito “ ganito kasi yun, ayaw naman nya talagang makipagkalas kaya lang, nararamdaman daw nyang di ko siya mahal, ayon sa kanya may iba raw akong mahal, pero ngayon daw nalaman nyang di kami nagka tuluyan gusto niyang makipagbalikan. " panay ang type
“ Ano yun? Paanong..!" naguguluhan
“ Ganito yun! ang sabi nya in-love daw ako, pero hindi sa kanya kundi sa ibang babae, at sabi pa nya hindi raw nya kaya ang kalaban kaya magbibigay na lang siya kasi mahal nya ako. " mahabang paliwanag nito
Nagulat siya sa ipinagtapat nito “ in-loved ka nga ba?" naisatinig niya. Ang sakit.
Ngumisi ito “ ikaw ha! Fishing-fishing ka. " winitwitan pa siya nito.
Nagblush siya “ Di ah.. E.., ano sa akin kung in-love ka!" (napasimangot) alam ko na, siguro basted ka!" mataas na ang boses
“ Selos ka 'no? " tuloy sa panunudyo
Lumaban siya “ beh.., buti nga basted siya. "
Natutuwa siya sa nakikitang reaksyon ng dalaga “ hindi ako basted at halimbawang in-love nga ako palagay mo kaya malaki chance ko?" tanong niya
“ Aba! malay ko! Bakit sa akin mo itatanong ako ba yung babaeng sinasabi mo. "
Nagkandasamid-samid si Ritszard di sinasadyang nabulls eye ng babae ang kasagutan na ipinalagay ng dalaga na pinagtatawanan siya nito “ kakainis ka! lagi mo na lang akong inaasar."
“ Pikon..! "
“ Aba't..!" Napakamot na lang siya sa ulo
“ Tse..!" sabay log out
Sino kaya ang babaing iyon? bulong niya sarili Di tuloy siya mapalagay sa kaiisip, hindi magseselos ng ganon si Salve kung basta-basta lang yung babae sino kaya yun? At ganun na lang ang takot ni Salve?" napuyat tuloy siya
Kinabukasan magkachat na naman sila “ baka magselos na nyan si Salve, kapapagreconcilled nyo pa lang pero nababawasan na ang oras mo sa kanya."
“ Ayaw mo lang yatang makipagchat sabihin mo lang. " nagtatampo ang binata
“ Hindi naman, baka lang kako. " sagot ng dalaga
“ Selos ka lang yata."
“ Ano ka! Bakit ako magseselos? Yun ngang pinag seselosan ni Salve di nagseselos ako pa! "
“ Ikaw talaga! Malay ko kung love mo ako" kumindat pa ito “uyy..! Nagbablushed. "
“ Heee..! Sino nga ba yung girl na kinaiinlaban mo?" tanong niya bakit siya nasasaktan
“ Saka na lang pagbalik ko dyan. "
“ Andaya naman."
“ Bakit ba atat kang malaman ha! "
Nakadama siya ng pagkapahiya “ nagtatanong lang."
Siya man sa kanyang sarili ay nagtataka rin bakit ganoon siya kaapektado, at saka bakit hindi nya gusto ang kaalamang may mahal na itong totoo, anong karapatan nya? Ayaw rin niyang makipagbalikan ito sa dating nobya hayyy..! Naloloka na yata siya.
“ Hoyyy..! Natulala ka na diyan. " sabi ni Ritszard
Nagulat pa siya “ me sinasabi ka?" kinuskos ang ilong yun ang habit niya pag natetensed
“ Hintayin mo pagbabalik ko bye " sabay log out
“ Anak ng..! Kainis..."



Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now