CHAPTER 12

604 6 0
                                    

Kinompronta niya si Ritszard " anong alam ko dyan? Di naman ako ang nag upload. "anito " pero in fairness ang sweet nga natin dito." dugtong pa nito ngiting- ngiti
Panay naman ang palo nya rito ng hawak na almohadon panay lang ang salag nito.
" 'Te mom, kuya daddy nag away ba kayo? " inosenteng tanong ng bata nasa di kalayuan.
Katabi ang may edad na yaya " nak, di sila nag aaway, naglalambingan lang sila."
Naalaala nya ang sinabi ni Christine " break na nga ba kayo ni Salve. "
" Ikaw ha! Panay ang research mo sa lovelife ko siguro type mo ko ano? "
Lalo na niyang inararo ng kurot ang binata " ang kapal mo! Hindi 'no."
" Ano ba..! Nasasaktan ako..! "
Dinig niya ang sinabi ng matanda " bagay sila ano Richie boy?" pinanonood pala sila
" Opo lola bagay na bagay" ayon ng bata
Pinandilatan nya ito " Nana ha! anong kalokohan ang ipinapasok nyo sa isip ng bata? "
Agad itong  tumayo hatak ang bata palayo " doon tayo sa labas anak baka makurot din tayo." nagtatawanan ang dalawa palayo. "
Umingod ang babae " kainis ka, baka kung anong isipin ni Nana sa inaasal mo."
Inakbayan siya ng binata " wag ka ng magtampo na missed lang kita, wala tayong ginagawang masama."
" Mamimissed mo ako pag nasa abroad na ako."
" Baliktad ikaw makakamiss sa akin." sagot ni Rizza Maine.
Nang mag abroad si Ritszard nag stay in na si Nana Sela sa pakiusap ng binata at napatunayan nyang tama ito missed na missed na niya ang lalaki pero kahit madatnan niyang kau-kausap ito ng bata at ng yaya di siya lumalapit palihim lang nya itong sinisilip. Parang may kinatakutan siyang di niya mawari.
" 'Te mom hinahanap ka ni daddy" sabi ng bata sa papa lampas na dalaga.
" Nasan na siya? "
" Nag out na ang tagal mo kasi." reklamo nito
Nagkibit balikat siya " OK next time na lang" sabi niya
Handa na siyang matulog ng tumunog cellphone niya, di niya kilala ang number kaya dedma na lang titigil din yan katwiran niya pero, makulit ang caller ayaw tumigil nakadama na siya ng Inis.
Tatarayan ko "to sabi nya sa sarili " hello..! Wrong number ka!" asar pipindutin na nya ang end button nang;
"Rizza Maine! " (dumadagundong) wag mong tangkaing ibaba! Malilintikan ka sa akin pagbalik ko!" utos yun pero nagulat siya nagtaka.
" Ritszard! Ikaw ba yan!?"
Iba ang isinagot nito " bakit ayaw mong sagutin? Nag telepono ka pa!!!" asik nito
Nagkakandabulol siya sa pagsagot " pasensiya na hindi ko kasi kilala ang number." pagpapakumbaba niya " akala ko manloloko."
Umungol ito " iniiwasan mo ba ako? " tanong nito
" Hindi, sorry na. papaano mo nalaman number ko? "
" Hiningi ko kay Richie boy, bakit lagi ka yatang ginagabi? at saan ka nagpupupunta? "
" Hindi naman, pa minsan-minsan lang. "
" Hindi!? Bakit kada magbivedio call ako wala ka? "
" Nagkakataon lang" bakit galit siya? tanong nya sa sarili
" Gabi-gabi nagkakataon? O iniiwasan mo ako!? "
Nakonsensiya tuloy siya " hindi! Bakit kita iiwasan?"
Nagulat siya sa narinig " I missed you! ( mahinahon na) ako ba na missed mo? " tanong nito
Nagpakatotoo siya " oo naman! Missed na rin kita."
Ngumiti na ang binata " kumusta na ang business? "
" Thanks god kumikita ikaw, musta ka na dyan? "
" Eto, homesick tapos yung isa diyan tinataguan ako." parang nagmamaktol
Napailing siya bulls eye " hindi nga! Hayaan mo simula ngayon pag nalulungkot ka just call me." aniya
" Sinabi mo yan walang bawian. " parang batang sabi nito
Nagrequest pa ito " bukas magbivideo ako I want to see you ha."
" Sige. "
" Beautiful! " may sipol pa titig na titig sa screen
Kinilig naman ang dalaga " dati na naman akong maganda ah! Mabuti pala ang nasa malayo ka nakikita mo ang ganda ko" bumungisngis
Napakamot ang binata sa ulo waring napahiya " kasi nung nariyan ako masyado tayong busy kaya wala tayong panahon magkausap ng ganito. "
Napaismid ang dalaga paano mo akong makikita eh guardiyado sarado ka bulong niya sa sarili " sabagay nga, bukod sa pareho tayong busy madalang tayong magka sama." nasabi na lang niya
" Para Saan ang ismid na yan? " nakita pala nito
" Di naman ah,"
Yun ang naging simula ng pagkakalapit nila ng husto di lumilipas ang isang araw na di ito nagmemesage o nagbivedio call sa dalaga. Nagkukwentuhan sila parati tungkol sa work, sa mga nagaganap sa pulitika, sa showbiz, sa nagaganap sa paligid. Nun nila napagtanto pareho na marami silang bagay na pinagkakasunduan.di nila iyon napagtutuunan ng pansin noon.
" Rizza Maine, pag uwi ko may sasabihin ako sayo."
Pinangunutan siya ng noo " tungkol saan? At bakit pag uwi mo pa pwede naman ngayon." aniya
Pinandilatan siya nito " hindi ka ba marunong umintindi ng tagalog!? Ang sabi ko pag-uwi-ko..! "
Nakuskos niya ang ilong(habit nya) lalo na pag naiinis o natetensed " sana di mo na lang sinabi binigyan mo pa tuloy ako ng palaisipan ngayon. "
Ngumisi ang binata " basta..! Pag uwi ko! "
Umirap ang dalaga naghikab " bye na, inaantok na ako."
Madalas siyang biruin nito " Ikaw ha, ginagawa mo akong pampaantok."
Na nginingitian lang niya at sa sagutin " nakahalata ka rin" sabay tawa. Tapos kahit di pa ito napayag inilalog-out na niya ang lap top.
May mga kailangang tapusing trabaho sina Myta at Jenilyn kaya napilitan si Rizza Maine na umatend na mag - isa sa nasagutan nilang commitment isang seminar, gaganapin sa Mall of Asea. Maraming umatend mga tulad nilang young interprenour ang karamihan, at di niya inaasahang makikita roon si Salve nagkagulatan pa sila. Lumapit ito sa kanya" Hi , narito ka rin pala. " bati nito
" Oo naimbita rin"
Nang oras ng break linapitan siya uli nito " nag iisa ka? "
Tumango siya " oo. kumusta na? "
" Eto, kahit paano nakaka-move on na, siya kumusta? "
Alam nyang si Ritszard ang tinutukoy nito " okey naman siya nasa abroad."
" Natuloy pala siya, Saan siya exactly? "
" Sa Wales sa London."
" Ganon ba, alam mo nung maghiwalay kami inunfreind ko siya sa facebook, binura ko rin ang number niya sa cp ko kaya wala akong balita sa kanya. May bago na ba siyang girlfriend?" tanong nito
Nagulat siya sa tanong nito di agad siya nakasagot lalo na at titig na titig ito sa kanya" ewan ko di ko alam" sagot niya ng makabawi.
" Talaga. "
Tumango siya " hindi ako nakikialam sa personal nyang buhay." aniya
Tumaas ang isang kilay nito parang di naniniwala mabuti na lang at may tumawag dito kaya namaalam na ito at iniwan siya. bakit ganon siyang makatingin pero muli itong bumaling sa kanya bago nakalayo.
" Wala pa pala akong kapalit (ngumiti ito) parang gusto ko siyang bawiin, tutal naman binabalewala siya ng babaing mahal nya o baka naman nagkamali lang ako ng akala. " tuluyan na itong umalis.
Anong kasalanan ko!? Anong paki ko sa kanila, parang may ibig siyang sabihin bulong niya sarili hindi na niya uli ito nakita.
Hindi na niya binanggit kay Ritszard ang naging pagkikita nila ni Salve problem na nila yun! sabi nya sa sarili.
Kapapasok lang niya sa sala ng bahay ng " Mi si Di kausapin mo kakain muna ako gutom na ako. " sabi ng bata agad tumayo at napunta sa kusina
Lapit siya " hi beautiful" bati ng binata
Ngumiti siya " hi gorgeous how's your day" sagot niya
" Hummpp.., OK naman"
" Tumataba ka yata! "
" Hindi na kasi ako homesick" anito
Dala ang laptop umakyat siya sa kanyang silid " wala ka bang pasok? Ang aga mo yata. "
" Day off, di ka ba maghahapunan?"
Umiling siya " busog, kumain na ako sa coffee shop. "
" Sabi ni Richie aalis ka raw ng ilang araw."
Talagang ang bunso nila napailing " di pa naman sigurado pag hindi pinayagan ng boyfriend niya si Myta saka lang ako ang lalakad."
" Paano kundi kita payagan! Boyfriend pa lang nya yun napapadikta na siya, samantalang maiiwan yung dalawa ni Nana rito walang kasama."
Di siya nakakibo agad " para din naman sa akin yun, marami akong matututunan dun na maiaaply ko sa work ko ngayon. "
Bumuntong hininga ito " marami ka pa namang pag kakataon, pwedeng sa susunod na pakakataon ka na lang umattend. "
Nalungkot siya, pero tama naman ito kaya sa sabihin niya kay Myta na ito na lang ang umattend.
" Akala ko ba pumayag ka na? Bakit nagbaback-out ka ngayon!" puno ng pagdaramdam
"Sorry talaga hindi pumayag si Ritszard wala raw kasama sina Richie boy
" Paano yan!?" may padyak pa
Pumagitna sa dalawa si Jenilyn " pwede naman sigurong walang umattend, kung kailangang magbayad, magbayad tayo. " anito
" Sayang naman babayad tayo ng walang mapapala. " angil ni Myta nakairap
" Ay sa walang pwede
! kung pwede nga lang ako di ako na ang umattend kaya lang wala akong alam tungkol diyan. " sabi ni Jenilyn
" Hindi ka ba talaga pwede Myta?" tanong ni Rizza Maine
" Kung pwede ako di sana hindi na kita pinakiusapan malaki maitutulong Nun sa business natin."
" Marami pang pagkakataon may mga susunod pang seminar." sabi ni Jenilyn
" Grrrr... " tinalikuran ang mga kaibigan
Napailing si Jenilyn " ang lakas ng baltik ng isang yun. "
" Kasalanan ko. "
Linapitan siya ng kaibigang " just try to understand na lang inlove eh. "
“ Ano pa nga ba." sagot niya “ sana lang maintidihan nya ang panig ko. "
Napilitan si Myta na dumalo nandun ang nobyo nya isa sa namamahala “ nasaan kaibigang mo akala ko ba siya ang representative nyo? "
Nakadama ng bahagyang Inis ang dalaga “ Di pinayagan eh, Di ka ba masaya na ako ang nandito tutal mas may matututunan ako dito  kaysa kay Rizza Maine kasi  para naman sa culinary ang convention na ito.
Yinakap siya ng nobyo  may sa sabihin sana ito ng sa lalapit ang isa sa namumuno “ George, nasan si  Rizza Maine akala ko ba dadalo siya? "
“ Ah.., eh.., sir sorry po di raw pinayagan."
“ Ano..? akala ko ba sure" nakasimangot
“ Sorry na boss, hayaan nyo sa susunod pipilitin na nitong honey ko ang kaibigang nya. Di ba honey. "
Pinangunutan ng noo si Myta may mali sa naririnig na usapan ng mga kaharap “ bakit!?"
Ngumisi ang lalaki “ nangako sa akin yang nobyo mo na dadalhin nya rito si Rizza Maine kapag sa susunod at Di mo siya nadala rito purnada ang promotion mo. " agad tumalikod
Salubong ang kilay na binalingan ng dalaga ang nobyo nagawa mo yon!? Bakit? Anong balak nyo kay Rizza Maine?"
Nagkakandabulol naman sa pagpapaliwanag si George
“ honey wag kang magalit natipuhan lang kasi ni Mr Grande ang kaibigang mo at nagkataong kilala ko siya kaya-"
“ kaya nag offer ka! Para umagat ka kahit mapahamak ang iba! "
“ Ang bosses mo! Makikipagkaibigan lang naman si boss. "
Umismid si Myta “ balitang manyakis ang boss mo! Kung ako pala ang natipuhan ipamimigay mo ako." puno ng galit “walang susunod! Aalis na ako!" at dire-diretsong lumabas ng function hall.
Habol si George “honey wait, Di ka ba nanghihinayang sa ibinayad mo bakit aalis ka? Isa pa tsismis lang yung tungkol kay boss wala yung katotohanan. "
“ ke tsismis o totoo iisa lang ang ibig sabihin gusto mong ibugaw ang kaibigang ko! Alam mo bang nagalit pa ako sa kanya dahil dito tapos malalaman kong may masama kayong balak sa kanya!  Kung pumayag pala siya di ako pa ang naging dahilan ng kasawian nya! " mangiyak- ngiyak “ isaksak mo sa baga mo ang ibinayad namin."

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now