CHAPTER 16

535 3 0
                                    

Makalipas ang dalawang linggo tahimik na tahimik ang kabahayan ng dumating siya alam niyang nakaalis na ang may edad na babae kaya “  Riche, Richie" tawag niya akyat siya ng hagdanan diretso sa silid ng kapatid nadatnan nya ito na nakahiga waring natutulog nakabantay si Salve  kinabahan siya“ anong nangyari? " tanong niya
“ Umuwi siyang may sinat at masakit ang ulo." anito
Napabilis ang pasok niya dinama ang noo pati na leeg ng kapatid “ nakainom na kaya siya ng gamot? "
Umiling si Salve “ bumibili pa lang ng gamot si Ritszard" imporma nito
Nagising ang bata “ 'te mom sakit ulo ko. " daing nito
Hinagkan niya noo ng bata hinaplos-haplos “ konting tiis lang bro parating na si kuya daddy ha." binalingan ang nakabantay na dalaga “ salamat sa pagbabantay. "
Ngumiti ito “ wala yun." kita nya ang ginagawa ni Rizza Maine sa bata ganito rin kanina si Ritszard.
Nang dumating ang binata agad pinainom ng gamot ang bata, habang pinupunasan naman ito ni Rizza Maine ng tubig na may alcohol “ lagnat laki lang yan bro" bulong nito. Nang matiyak na tulog na ang kapatid saka lang ito lumabas ng silid.
“ Tulog ka na Salve, inayos ko na yung kama" sabi ng binata
“ Ikaw..? "
“ babantayan ko siya" anito
“ Samahan na kita " naglatag ng foam sa sahig
Alas onse ng maramdaman ni Salve na may pumasok diretso sa kama hinaplos ang natutulog na bata, nasa tabi naman ang nakayupyop na natutulog na si Ritszard hawak ang isang kamay ng kapatid.
Nagising ang bata “ mommy gutom, uhaw. "
Muli itong lumabas at pag balik may dala ng soup at juice sinusubuan pa ang kapatid. Nang matapos ay muling pinainom ng gamot noon naman Nagising ang binata “ ayos na ba pakiramdam mo bunso?" tanong nito
“ Opo, konting ubo na lang" sagot nito
Di hinihiwalayan ng tingin ni Salve ang tatlo they are perfect family bulong niya sa sarili may namumuong luha sa mga mata. Kita nya ng hilahin ng bata ang kapatid na babae pahiga “ tabi tayo. " lambing nito yumakap lumabas lang ang babae ng matiyak na tulog na ito.
Alas kwatro ng muling pumasok ang dalaga may dalang thermometer tiningnan kung may lagnat pa ang kapatid. Bumangon na ng tuloy si Salve ng makalabas si Rizza Maine ng silid “ maaga pa, tulog ka pa" sabi ni Ritszard
“ Maaga ang pasok ko kailangang maaga akong umalis. "
Hinarap siya ng tuloy ng lalaki “ ganon ba! Paano yan di kita maihahatid?"
Linapitan niya ang binata yinakap “ don't worry I can manage alam ko namang di mo kayang Iwan sa ganyang kalagayan si Richie," tanggap ko na bulong nya sa sarili agad ng tumalikod upang di mapansin ng binata ang luha na di niya mapigilang mamalisbis sa kanyang mga mata.
“ salamat sa pang unawa."
Tumango siya “ siguro matatagalan bago tayo muling makita "a niya
“ Bakit?"
“ Balak kong tanggapin ang alok sa akin ng isang network sa Singapore “ para maka move-on bulong nya sa sarili.
“ Good luck " sabi ng binata
Pag baba niya nadatnan niyang nagkakape si Rizza Maine
“ kape" alok nito
“ Sige, magbabanyo lang ako. " handa na ang kape ng lumabas siya ng banyo, naghila siya ng silya at naupo sa tapat nito “ thanks for the coffee." Tumango lang ito “ di ka makatulog? " tanong niya
“ Oo, nakakataranta kapag nagkakasakit si Ritchie boy napakalangyot pa naman nun."
“ Parang nakakatakot magka anak, isipin ko pa lang na hindi nyo siya anak, pero natataranta na kayong dalawa paano pa kung tunay na anak? (napailing) parang di ko yata kaya." sabi ni Salve
Umiling ito “ sabi mo lang yon ngayon pero pag nandun ka na sa sitwasyong iyon tapos sarili mong anak maniwala ka kakayanin mo rin."
Umiling din ito “ sa totoo lang ayoko pang magkaanak marami pa akong pangarap, marami pa akong gustong patunayan sa sarili ko." anito
Tinitigan siya ng kaharap “ ganun? alam ba yan ni Ritszard? " tanong nito
“ Oo" Lumaban ito ng titigan tapos  “ nagkakagalit ba kayo ni Ritszard? "
Nagyuko ng ulo si Rizza Maine “medyo (amin niya) kasalanan ko rin siguro."
“ Bakit di mo ayusin? aminado ka naman pala, magbaba ka na ng pride sigurado naman ako na alam mong kapag walang kasalanan ang lalaking iyon di iyon susuko, patatagalin mo pa ba ang samaan nyo ng loob?"
“ Natiempo lang ako. "
“ Ngayon ko lang nakita ang ugaling iyon ng lalaking iyon nakakatakot! Isa pa naman yun sa ugali ng tao na inaayawan ko, pag nagalit di na lang kikibo para kang hangin na di nakikita mas gusto ko yung ilinalabas yung galit kahit magwala para alam ko ang gagawin at ikikilos."
Nagbuntong hininga siya “ talagang ganun siya sa simula pa lamang."
“ Rizza Maine do you  love  him? "
Nagulat siya sa tanong nito di agad nakapag react at di rin masalubong ang titig nito “ ah- e h"
“ Alagaan mo siyang mabuti ha. " huling salita nito bago siya iniwan
              “ Puyat ka yata friend?" tanong ni Jenilyn
Tumango siya “ nilagnat yung inaanak nyo grabe ang ubo at sipon. "
“ Kaya pala, at sigurado hindi lang ikaw ang puyat, bati na ba kayo?" tanong ni Myta
Umiling siya naikwento na kasi niya sa mga ito ang mga pangyayari nagkatinginan ang mga kaharap.
“ hanggang ngayon ba di ka pa rin niya pinapansin? " sabi ni Jenilyn tumango siya
“ Grabe palang magtampo ang lalaking iyon! Di kaya pati sa amin ay galit iyon. " sabi ni Myta
“ Ewan..."
“ Best friend bakit di ikaw ang gumawa ng first move." ulok ng mga kaibigan
“ Kailangan ba talagang gawin ko yun? " tanong niya
“ Kung mahal mo ang isang tao ipaglalaban mo siya kasehodang may mahal siyang iba para malaman mo kung saan ka dapat lumugar " sabi ni Tina
“ Ang nagmamahal marunong umunawa, magpa kumbaba at magpatawad. alalahanin mo lalo kang masasaktan kapag iniwan ka nya ng hindi nya nalalaman ang damdamin mo, magsisisi ka sa panghihinayang. " paliwanag ni Jenilyn
May kalabit pa si Myta “ what if may katugon pala ang nararamdaman mo kaya lang dahil sa pride di nyo na nalalaman pareho sayang..."
“ Tama..,ikaw na rin ang may sabi balak na niyang bumukod para mapalayo sayo kaya mo bang mawala siya ng tuluyan sa buhay mo, samantalang inaamin mong may pagtingin ka na sa kanya?" tanong ni Tina
Napayuko siya “ ano bang gusto nyong gawin ko?   Mag      tapat ng pag ibig sa kanya!( di makapaniwala) hindi ko kaya yun. "
Dinuro ni Myta ang sentido nya “ alam mo ikaw ang galing mo sa negosyo, ang sarap mong gumawa ng cake at pastries asset ka, pero pag dating sa love bopols ka! nasa tabi mo na hahayaan mo pang makuha ng iba. " naiinis
Napaismid si Tina “ Di na ako magtataka kung tumandang mag isa ang babaing yan."
“ Di na uso ang pakieme hindi naman namin sinabing manligaw ka makipag ayos ka lang, tapos paramdam ka lang ng konti. " sabi ni Jenilyn
“ Konting landi, Konting karinyo ganun lang. " ani Myta
“ Matuto kang makinig sa expert." biro ni Jenilyn at Tina
Nameywang ang una “ hoy..." tawanan ang mga ito dahil pinandilatan ang mga ito ni Myta “ grabe kayo sa akin. " nakitawa na rin
Inakbayan siya ni Tina “ tama sila, kung may pag tingin sayo si Ritszard mararamdaman mo, kaya lang wag sosobra at baka naman katakutan ka nya. "
Napailing si Rizza Maine “ dati dalawa lang  nanenermon sa akin ngayon nagkatatlo pa, ano ang ipinanagchichismis nyo dito kay Tina ha!?"
“ Lahat. "
Naitirik ng dalaga ang mga mata Napailing “ sinabi ko na nga ba. "
Pinandilatan siya  ni Tina “ dapat lang ano kasama yata ako sa mga BFF mo kaya kailangan may alam ako."
“ Pag iisipan ko... "
“ Wag mo ng pag isipan gawin mo..!" trio
Paglabas sa trabaho naisipan niyang mag malling mag isa ayaw niya ng may kasama  nadidistract siya mas mabuti ang solo makapag iisip siya ng tama habang nag wiwindow shopping pang bawas stress.
                 

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now