CHAPTER 23

531 5 0
                                    

" Anong problema? bakit nag iiwasan kayo ni Ritszard? " tanong ni Nana Sela isang umaga
" Nana anong dapat kong gawin? pinipilit ng babaing yun na makuha si Ritszard
" Kung talagang mahal mo siya ilaban mo, wag mong hayaang makuha siya ng babaing iyon lalo na at alam mong ikaw ang mahal nya."
" Pe-ro!? "
" Siya ang nakaraan at ikaw ang kasalukuyan. " anito pa
" Pero may batang magdurusa kapag nagpatuloy kami."
" Eh ano ngayon? bakit nya itinago? tapos ngayon babalik siya at mangangagaw."
" Dahil daw ho sa bata. "
Umismid ang matanda "kilala natin pareho si Ritszard responsible kung talagang anak nya yun hindi nya yon tatalikuran."
Napaisip siya may punto ang matanda bakit ngayon lang? Kaya pati upinyon ng mga kaibigan ay hiningi niya.
" Sigurado ka bang siya ang tatay? " tanong ni Myta
" Baka naman ngayong natiyak niyang may magandang buhay na si Ritszard kaya nya hinahabol" sabi naman ni Tina " Baka naman seguridad lang ang habol niya. "
" Bakit ngayon lang Mars twelve years niyang itinago ang katotohanan" sabi naman ni Jenilyn
" Kung ako sayo di ko igigive-up si Papa Ritszard akin lang siya mamatay siya sa inggit. " sabi ni Myta
" Korek..!" sabi ng dalawa pang kaibigan
Sumabat si Tina " sabi mo ikaw ang mahal bakit ka mag paparaya para mo na rin siyang pinatay kung tatalikuran mo siya, ngayon ka niya higit na kailangan."
" Sa tulong mo makakahanap ng solusyon si Pareng Ritszard ikaw ang magiging lakas niya" sabi naman ni Jenilyn
" Ilaban mo siya!!! "sabi ng mga ito
" Sabihin mo kay Papa Ritszard ipa DNA para makatiyak na kanya nga yung anak." payo ni Myta
Nakipag high five sina Jenilyn at Tina kay Myta " bilib na ako sayo Mars paminsan-minsan gumagana ng ayos yang utak mo " sabi ni Jenilyn
" May laman na ang mga sinasabi niya ngayon " sagot ni Tina napatawa
" Hoy..! anong akala nyo sa akin? Bobita? "
" Ikaw may sabi niya di kami" sabay tawa
" Sabagay... " nakitawa na rin ito
" Ano na Mars?" kulit ng mga ito
" Tama kayo. ngayon niya ako higit na kailangan. " sagot ni Rizza Maine
Lagi niyang hinihintay ang pag uwi ng nobyo pero halatang umiiwas na rin ito sa kanya, umuwi ito kung kaylan alam na wala siya at agad ring umaalis pag para ting na siya.
"Binibigyan ka niya ng panahon makapag isip neng" sabi ni Nana Sela ng tanungin niya " mahal na mahal ka niya. "
" Mahal ko rin naman po siya kaya lang kailangan kong pag isipang mabuti."
Nakahiga na siya para matulog nang may mahihinang katok sa pinto babangon sana siya pero naramdaman niyang pinipihit na nitong pabukas ang seladura, kahit madilim alam niyang si Ritszard ang pumasok dahil tina tawag nito ang kanyang pangalan "Rizza Maine, Rizza Maine" di siya kumibo nagkunwaring tulog lumapit ito sa kama humiga sa tabi niya yumakap " mahal, mamimiss kita aalis muna ako, hintayin mo ako ha, wag mo akong isusuko(singhot) one month lang, tinanggap ko ang offer ng office na seminar sa Japan para mabigyan ka ng space bukas na ang alis ko magiingat kayo rito, alagaan mo ang sarili mo." anito pa
Pigil na pigil niya ang sariling mapahagulgol hinayaan nya lang itong nakayakap wala siyang maisip na sabihin basta napaiyak na rin siya, gusto niya itong kausapin, pigilan subalit walang lumabas na salita sa bibig niya dahil sa kabiglaanan.
" Aayusin ko ang problemang kinakaharap natin, hindi ko hahayaang masira nya tayo. " anito
" Tulog ka na" anas nito bago lunabas kinintalan siya ng halik sa noo. hindi na tuloy siya nakatulog kundi mag uumaga na.
" Ate mom tinanghali ka ng gising di mo tuloy nakita si Daddy umalis na. " sabi ng bata
" Sumilip siya sa silid mo pero tulog ka pa." sabi naman ni Nana Sela napailing ito " di man lang siya nakapagpa alam sayo" anito pa
" Pumasok po siya sa silid ko kagabi at namaalam" anas niya nakayuko.
" Neng nagkausap kayo?
Umiling siya " di ako nakapagsalita, di ko alam sa sabihin ko napaiyak na lang ako. " amin niya
" Kaya pala maga ang mga mata mo siguro magdamag kang umiyak" sabi ni Nana Sela
" Ate wag ka ng umiyak babalik yun." sabi ng bata
Simula ng umalis ito di man lang siya tinawagan, nakakabalita lamang siya sa mga kasama sa bahay kaya lagi siyang malungkot aaminin niya missed na missed na nya ito at buo na rin ang pasya nya ipaglalaban niya ito ano man ang mangyari.,
" Neng, magpapaalam sana ako sayo, niyayaya ako ng mga kapatid kong umuwi ng Bicol isang linggo lang sana, yun naman ay kung papayag ka. " sabi ng matanda
" Sige po. bakasyon naman na pag di maaring iwanan isasama ko na lang si Richie boy sa work."
" Naku! salamat Neng."
Inadvance nya na ang sweldo nito pinabaunan pa niya ito ng may pocket money at pambili ng pasalubong laking pasalamat naman nito. Tulad ng sinabi niya kay Nana Sela lagi niyang kasama ang bata saan man siya mag punta.
Minsan " Ma'am Rizza Maine may babae pong naghaha nap sa inyo." sabi ni Alice isang waitress nila
"Richie boy dito ka muna sa mga ninang ha, may hahara pin lang akong bisita."
" sige po 'te mom"
" Alice sino daw yun? " tanong ni Jenilyn ng makalabas si Rizza Maine
" Harlene daw po ma'am"
" Harlene!? Ano raw kailangan? "si Myta
            Tumayo ang una " teka titingnan ko" lumabas na
" Anong ginagawa mo rito? " tanong ni Rizza Maine
"Nasaan si Ritszard?"
" Akala ko ba nagmamahalan kayo bakit mo siya hina hanap sa akin? "
" Di niya sinasagot ang tawag ko, di siya nagpapakita."
Naupo na siya sa tapat ni Harlene " Bakit ko sa sabihin sayo? sino ka ba? "
" Ako lang naman ang ina ng kanyang anak." taas noo " si Evangelene ang anak namin " pakilala nito sa kasamang bata tinitigan ito ng una
Napaismid siya" Sigurado ka bang ang boyfreind ko ang tatay niyan? wala akong makitang semilarity. " pagtataray niya tinitigan ang bata na agad namang yumuko
" Anong ibig mong sabihin? sinungaling ako? " laban nito
Nagkibit-balikat ang dalaga ipinahalatang diskumpyado siya " ikaw may sabi niyan hindi ako, Ilang taon ka na Evangelene? "tanong niya
" Twelve. " nagyuko ng ulo
" Sigurado ka iha?"
Balik sa loob si Jenilyn "yung ex nga ni Ritszard at kasama yung anak daw. "
" Talaga! kamukha?"
"Malayo. "
"Richie halika rito may ipagagawa kami sayo" tawag ni Myta
" Anong balak mo? "
Lumapit ang bata " ano po yun ninang?"
" Makinig ka tutulungan natin sina Ate at Kuya"
"Myta anong gagawin mo " tanong ni Jenilyn
" Ganito."
" Anong ginagawa mo? wag mong takutin ang anak ko. " bulyaw nito. " at kung may delikadesa ka lalayuan mo na si Ritszard kailangan siya ng anak namin."
"  Bakit ko siya lalayuan? mahal na mahal ko yun  at saka hindi ko siya tinatakot nagtatanong lang ako masama ba yun? Boyfriend ko ang pinag usapan natin dito. "
Umismid si Harlene " kawawa ka naman nagiilusyon sa isang bagay na di mo makakamtan dahil ako ang mahal niya,  akin siya. "
Tinitigan niya ito "  kaya!? bakit ngayon lang? Bakit pinatagal mo pa? "
Waring nawindang sa tanong ang babae natagalan bago nakasagot " bata pa siya noon di pa niya kayang magdala ng pamilya."
"O baka naman iba ang tatay niyan." napangisi
" How dare you! na pagdudahan ako! sino ka ba!?" halos magbuga ng apoy ang bibig nito sa galit nangakatingin na sa kanila ang ibang naroroon.
" Twelve years? sino ang tumayong ama ng anak mo? " usisa niya
" Ang parents ko" halatang naiirita
" At ikaw ay nagpakasal sa iba. "sabi ni Rizza Maine " ini
wan mo ang anak mo? bakit di mo na lang dinala sa tatay nya para ito ang umako ng responsibilidad. "
" Ayaw sa akin ni Mrs. Brixton"
"Ikaw ayaw ka niya, pero sa anak mo ibang usapan na yon" kalmado pa rin kahit halos mapiga sa sakit ang puso niya nakakangiti pa nga siya.
Biglang pinukpok ni Harlene ang mesa " anong bang paki mo? " bulyaw nito
" May pakialam ako dahil nobyo ko siya! at hindi ko siya isusuko ng ganun-ganun lang  at pwede ba yang bibig mo hinaan mo nakakaabala ka sa ibang tao." gusto ng humulagpos ang galit niya nang;
"Mommy.., Mommy... " tawag ni Richie lumapit sa mesa nila " Mommy uwi na tayo antok na ako" naupo sa tabi ni Rizza Maine
" Anong.!? "napalingon siya sa gawi ng office nandun ang dalawang bruha
Titig na titig naman si Harlene sa bata combination nina Ritszard at Rizza Maine ang mukha ng bata mas lamang ang sa lalaki " sino siya?"
" Who are you daw? "
" My name is Richie boy Avila Brixton"
" A-anak ka ni Ritszard? " di makapaniwala
Ngumiti lang ang bata napakalong pa sa mommy niya
" Hindi 'to totoo."
Napangisi si Rizza Maine ano ikaw lang ang may anak?"
" Akala ko girl freind ka pa lang niya? bakit may anak na kayo" puno ng galit
"Di pa kami kasal" sumakay na rin siya sa paandar ng kanyang mga kaibigan. " para silang pinagbiyak na bunga di ba? saka parang ngayon ka lang nakarinig ng salitang live-in " aniya pa
" Ang hinhin ng dating mo malandi ka rin pala." anito
Biglang kulo ng dugo niya " hindi ako malandi nagma mahal lang. " timping-timpi siya
" Pwes.., hindi ako papayag mahal ako ni Ritszard ako ang first love nya, ipaglalaban ko karapatan naming mag-ina."
" Alam mo na ngayon, di ko ibibigay o kahit ipahiram man lang ang nobyo ko. "
"Tingnan natin!"
" Isasuggest ko kay Ritszard na ipa DNA test yang anak mo para makatiyak siya na di mo siya niloloko." aniya galit
" Pwesss.., manigas ka di ako papayag. "
" Isa lang ibig sabihin noon may itinatago ka. " aniya
" Wala akong itinatago! ayoko lang ng pinagdududahan." nanlalaki butas ng ilong
Biglang sumabat ang dalagita " Mommy ano ba ang ginagawa sa diniDNA?
" Kumukuha ng laway gamit ang cotton buds" si Rizza Maine ang sumagot
" Nakunan na ako ng ganon nung huli naming pagkikita ni Daddy dinala nya ako sa hospital. " anito
" Anong sinasabi mo?" namutla tanong ng ina
" Nung ipinamili nya ako ng mga damit kasi di ba sabi mo kailangang may nakuha ako dahil anak naman niya ako. "
Biglang tayo ito " tayo na Evangeline!"
" Wait lang, bayaran nyo muna yang kinain nyo" aniya
Biglang tigil ang babae humugot sa bag ng pera ibinaba sa mesa " akin siya..! "sabay talikod
Napailing siya, siyang datingan ng mga kaibigan ibinaba niya ang kargang bata " anong palabas ito?" tanong niya tinaasan ng kilay ang mga kaibigan
" Nasaan na? bakit biglang umalis? " tanong ni Myta
" Ang galing mong umarte boy." sabi naman ni Jenilyn pa bulong nag apiran ang tatlo.
Niyaya niya na papasok ng opesina ang mga ito " grabe ang babaeng iyon, mukhang may itinatago." Aniya ng makapasok ng silid
"Talaga.!?" dweto
" Paano mong nasabi?" tanong ni Jenilyn
" Namutla ng malaman ipinaDNA ni Ritszard yung anak niya kinaladkad na palabas."
" Di ba nasa abroad na si papa Ritszard? " sabi ni Myta
" Bago raw umalis"
" Bakit 'te Mom anak ba yun ni Kuya dad? "tanong ng bata
" Kaya ka nga namin pinalabas doon para matauhan ang babaing iyon malay mo nagsisinungaling siya." si Myta uli
" Tinuruan nyo siya ng sasabihin? "
"Yesss!!!" ngiting-ngiti ang mga ito
" Paniwalang-paniwala ba? " tanong ni Jenilyn
"Iharap ba naman sayo ang pinaghalong replika nina Ritszard at Rizza Maine(nakangiti) kundi ko lang alam na magkapatid ang dalawang iyan( inginuso) isipin kong mag ina sila. " sabi ni Myta
" Sabagay... "ayon ng kaibigan " dito pa nga lang sa coffee shop walang nagsasabing di mag ina ang mga iyan di lang sila makapag tanong ng harapan pero mauulinigan mo ang bulungan at sigurado sila kung sinong tatay."
" May Ganon!? Grabe! " napamulagat si Rizza Maine " at hindi nyo itinatama. "
Umiling ang dalawa " tama ang aming ginawa di ba? kung alam ng mga staff natin at may makapagsitsit kay Harlene na yon e di buking." sabi ni Jenilyn
" Kaya pasalamat ka na lang." si Myta
" Thanks. " aniya

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now